Prologue 2: Beethoven Family
Mira
"What the hell?" wala sa sarili kong turan.
Ano itong nakikita ko?
Nanlalaki ang mata na nakatitig ako sa nakalutang na Vase. How the hell did that happen?
Para makasigurado, lumakad ako papalapit dito at yumuko para matingnan kung nakalutang nga pero mukhang hindi. Rather lumulutang, para itong naka-freeze sa hangin.
Sinampal ko ang sarili para magising sa panaginip pero nasaktan lang ako.
Tiningnan ko ulit ang Vase at doon ko lang napagtanto,This is…real.
What is happening?
Sisipain ko sana ito para bumagsak na pero nakarinig ako ng sigaw sa baba. Boses iyon ni Kuya.
Para siyang may…kaaway?
Napalunok ako. Ni kahit kailan sa buhay ko, hindi ko nakitang may kaaway o inaway ang kuya ko kaya papaanong may nagsisigawan sa baba. May nag-away ba sa mga lasing at dinamay siya?
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali na akong bumaba para mapigilan na ang kaguluhan. Hindi ko na nga inalintana ang mga nasasagi kong Antique Vase ni Mommy sa hallway na nagmula pa sa ibang bansa.
Nang marating ko ang hagdan, laking gulat ko nalang dahil ang mga bisita na nag-uusap rito ay tila mga estatwa na.
Mas lalong nanlaki ang mata ko. Seriously, what the heck is happening? Ang mga nababasa ko lang noon sa comics at novels, at napapanood sa telebisyon ay nangyayari na sa harapan ko. Nakakahilo. Ang hirap paniwalaan pero nasa harapan ko na ang ebidensiya.
Is this what they call, The Frozen Time or Time Freeze Or Stopped Time? Di ba 'yon naman talaga ang tawag sa ganito sa mga nababasa sa books at napapanood sa telebisyon.
But if totoo ngang nakatigil ang oras, bakit nakikita ko ngayon sa aking harapan ang kapatid ko na hinihingal pa na parang may humahabol sakanya?
"Hamira!" tawag pansin ko sakanya.
"Ate! Bumalik ka sa itaas. May aasikasuhin lang sina Mommy At Daddy." aligaga nitong wika at hinawakan ako sa magkabilang balikat para itulak papuntang itaas.
"No." may diin kong saad. "How can you say that Hamira? Not minding the people na hindi na gumagalaw! Ano ba kasing nangyayari? What is this? Bakit nakatigil ang oras?" Magic. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko nang makita ang mga kagamitan namin na nakatigil sa hangin at ang mga bisitang animo'y estatwa na.
"Ano ba kasing nangyayari? Tell m--" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil narinig ko ulit ang pagsigaw ng kuya. But this time, may kasama ng kalabog at pagdaing.
Marahan kong itinulak palayo sa'kin si Hamira at tumakbo na pababa. Gusto kong makita kung ano na ang nangyayari. Pero hindi pa man ako nakatapak sa pinakababang hakbangan ng hagdan ay biglang may lumitaw na nilalang na balot na balot ng itim na tela sa harapan ko.
Gulat na gulat akong nakatingin sa mapupulang nitong mga mata na nanlilisik na nakatingin sa'kin. Akma nitong ibabato sa akin ang itim na bola pero naunahan siyang saksakin ni Hamira ng dagger na hindi ko alam ko nasaan nanggagaling.
Ngunit hindi ito natumba, sa halip ay nagpalabas ito ng mga matitinik na halaman saka inihampas sa direksyon ni Hamira. And I panicked.
Hindi pwedeng may mangyaring masama sakanya. Kaya sa paglingon ko sa gilid, agad kong inabot ang Vase saka ibinato rito.
But as expected, madali lang nitong nadepensahan ang sarili. And instead of Hamira, ako ang sunod na pinunterya nito. Nagpalabas ito ng malalaking halaman na tila gutom na gutom dahil naglalaway ito ng likido at handang-handa na kumain nang kung ano mang malapit rito.
Agad ako nitong inatake. Growling and spitting liquids na tumutunaw sa mga kagamitang nakapalibot sa akin. I was about to run to save myself pero nahawakan ako ng isa sa mga galamay nito.
...and everything happens so fast.
Namalayan ko nalang ang pagsakit ng likod ko at ang pagsuka ng dugo. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit kaya nahihirapan akong huminga. Bago ako pumikit, narinig ko pa silang tinawag ang pangalan ko but I'm too weak to stay awake kaya ilang segundo ang lumipas hinayaan ko ang sarili na matulog.
Third Person's Point Of View
Hindi maiwasang mapasigaw ang pamilyang Beethoven dahil sa nangyari sa kanilang prinsesa. Naging pabaya sila at nakalimot sa isang napakaimportanteng bagay.
Napalingon sila sa tumatawang nilalang. Tawang nangungutya. "Ang dali niyo namang makalimot Beethovens. Masyado kayong naging kampante." Ngumisi ito. "Mukhang nakalimutan niyo na pinalaki niyong ignorante sa mundo natin ang pangalawa niyong anak."
"Manahimik ka, mahinang nilalang." saad ng panganay.
"Kai Meiro." ani nito sa pangalan ng panganay habang umiling-iling. "Walang pinagbago. Masyado ka pa ring bilib sa sarili. Nakalimutan mo na rin bang 'yan ang ikinamatay ng nagdaang ninuno niyo." saad nito ng may bahid ng pangungutya.
Akmang aatake ang panganay nang pigilan siya ng kanyang ina. May ibinulong ito sakanya dahilan para mapangisi siya at naging kalmado.
Nilingon niya ang kapatid na nakahandusay sa lapag. Wala pa rin itong malay kaya gumamit siya ng mahika para iteleport ito sa ligtas na lugar.
On the other hand, their mother, Miyuki Beethoven smirked as she summon the Sword Of Truth. Hindi man niya kayang palabasin ang totoong kakayahan ng espada pero sapat na ito para mawala ang ngisi ng tatlong nilalang. Alam kasi nila na kilala ang babae sa pagiging brutal at prangka. Wala itong sinasanto lalo na't makapangyarihan ang espada nito.
"Nakalimutan niyo rin yata ang kaya naming gawin, Morteias."
"What are you trying to do, Mom?" nagtatakang tiningnan ng bunso ang ina na ngayon ay puting-puti ang mata. Na kahit maliit na itim ay wala kang makikita.
Itinaas nito ang hawak na espada. "Just showing them who we really are."
Lumutang ito at nagliwanag dahilan para maging alerto ang tatlong nilalang. Naglagay ang isa ng barrier na gawa sa buto. Habang ang dalawa ay naghanda na para umatake.
But that didn't stop Miyuki from dominating the house. "I'll give you the chance to live." tiningnan niya ang tatlo with her all-white eyes. "Who sent you? Is it The Ruler?
Humalakhak ang isa.
"Who knows? Kanino ba kayo may utang?" ngisi nito.
To be continued.
Yourmajesti_
Again, nahihirapan akong isulat ang ideas na pumapasok sa isipan ko kasi hindi naman ako tagalog speaking😆 kailangan ko pang isearch sa google which is mahirap din kasi walang signal dito. Kakatapos lang naming bagyohin ni Bagyong Odette.
and btw,
Thanks For Reading!
BINABASA MO ANG
Arcane Princess Of Laluciana Realm
Fantasy𝗔𝗿𝗰𝗮𝗻𝗲 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗢𝗳 𝗟𝗮𝗹𝘂𝗰𝗶𝗮𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗮𝗹𝗺 The story starts with Mirajane Beethoven having an ordinary life with her family in a village called Ethereal Akuma. It is a hidden town in Philippines where demons live, disguising as...