Prologue (3)

1 0 0
                                    

Prologue 3: Unexpected Encounter

Mira

Nakatunganga ako ngayon habang nakatingin sa magulo naming bahay. Wala na ang mga bisita dahil pinauwi daw agad pagkatapos may nangluob sa amin na mga kawatan, ayon kay kuya.

Naalala ko pa kanina nang magising ako...

Ang sakit sakit ng katawan ko. Gusto kong dumilat pero wala akong gana kahit gumalaw man lang. Pakiramdam ko'y marami akong nabaling buto dahil sa pagkahampas ko kanina sa dingding.

"Mira, gising na." rinig kong tawag ni kuya kaya otomatiko akong napadilat.

"What?" tamad kong sagot.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Fine. Anong nangyari?" wala sa isip kong tanong. I mean, alam ko namang may umatake sa amin na mga hindi ko kilalang nilalang pero may nag-udyok sa akin para itanong iyon. Dala na siguro ng kuryosidad ko sa mga nalaman ko tungkol sa pamilya.

...na hindi pala sila normal.

Gusto kong malaman kung bakit nila itinago sa akin 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan nila akong lumaking walang alam.

Siguro ampon ako't sa katunayan ay iba ako sa kanila? Na ako lang ang normal na tao sa amin kaya hindi sila nagsalita? Siguro nga.

I sighed.

At napansin iyon ni kuya. "No need to worry, Mira. Safe ang mga bisita natin at nadakip na ng mga pulis ang mga kawatan na nangloob sa atin." ani niya na hindi tumitingin sa akin.

"Ha?"

Anong pinagsasabi nito? Kawatan? Nangloob? Mukha bang mga kawatan 'yong mga 'yon? Sa pagkakaintindi ko kanina sa pinag-uusapan nila ay galit ang mga iyon sa pamilya namin kaya nila kami inatake. Isa pa, gumamit sila ng mahika. Which means hindi sila normal na tao.

"What are you talking about, kuya?"

Bumuntong-hininga ito. "Look, tinatamad akong iexplain sayo 'to but since nauntog ka kanina, sasabihin ko nalang." tumikhim ito. "We were partying kanina nang may nangloob sa atin. They were professional pero nakita mo sila kaya inuntog ka nila which is the reason why nahimatay ka at nagkagulo ang lahat nang makita ka ng isa sa mga bisita na nakahandusay sa sahig. 'Yon."

I looked at him, confused.

"Then, dahil sa magaling ako, tinawagan ko agad 'yong pulis at dinala ka rito while nakipag-negotiate si mama sa mga kawatan."

Again, I'm confused. Sigurado ako na totoo 'yong nakita ko kanina kaya bakit pinipilit niya na kawatan ang mga 'yon? And why did he changed the story?! Mukha ba akong na-amnesia para gumawa nalang siya ng kahit anong istorya na pwedeng ikuwento sa'kin?

And an idea strucked me.

Unless...may ginawa siya sa'kin para isiping niyang hindi ko maalala ang lahat.

At sa dami nang nabasa kong fantasy stories, isa lang ang pwede kong maisip na ginawa niya.

He tried to erased my memories of earlier. I'm sure of it.

Arcane Princess Of Laluciana RealmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon