💦 Episode 27💦

37.3K 772 18
                                    


Sabay pa kaming napalingon nang tawagin kami ni Raz, napangiti ako nang makita ang suot niyang polo shirt na bumagay sa pantalon niya. Buti nalang at nagustuhan niya ang binili ko sa kaniya kahapon.

Sunod na lumabas ng bahay si Rose at nakasimangot siya habang sinasabayan siya ni Trez sa paglalakad.

“Daddy, how’s my look?”

“Oh so great, you look handsome”

“Nagmana ako sayo daddy, handsome right?”
Napatawa ako sa sinabi niya at ganoon nalang pagtawa ng daddy niya sa kaniya atsaka agad siyang kinarga nito.

“Yes, nagmana ka kay daddy. Wife tara na?”
Napatango ako sa kaniya, nakalimutan ko pala ang bulaklak. Akmang maglalakad na ako pabalik nang bahay nang makita ko si Rose na bitbit niya pala ito.

“Thanks Rose, kay Trez ka sasabay?”
Napairap siya sakin at namumula ang pisngi niya . Napatawa ako sa itsura niya, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila doon sa loob kung bakit mukhang badtrip na naman siya.

“Sa inyo ako sasabay!”

“No! Sakin ka sasabay!” Singit ni Trez sa amin.

“Hindi ako sasabay sayo! Maghanap ka doon ng makakasama sa kotse mo!” galit na angil nito kay Trez.
Napangiti ako at dali-dali akong umalis at pumasok ng kotse ni Ruz.

“Hubby, tara na”

“Oh right, wait” napatitig naman ako sa kaniya nang lumapit siya sakin at ilang pulgada nalang ang gap namin sa isat-isa.
Kinabahan ako bigla at pakiramdam ko nag-init ang mukha ko habang nakatitig siya sakin.

“Fasten your seatbelt wife” napaiwas ako nang tingin nang ikabit niya sakin ang seatbelt.
Pero ganun nalang ang pagkagulat ko nang paglingon ko muli sa kaniya ay bigla nalang niya ako ginawaran ng mabilis na halik sa lips.

Napangisi pa siya sakin nang sinamaan ko siya nang tingin, tiningnan ko si Raz sa likod at nakahinga ako nang hindi siya nakatingin samin kundi sa hawak niyang tablet.

Kaya pala pumaparaan ang ama niya! Nang umandar na yung sasakyan niya ay doon lang tila nagising si Rose mula sa pakikipagbangayan kay Trez, inis niyang sinundan ng tingin ang kotse at napatawa ako sa kaniya.

“Matagal na ba kayong magkasama ni Rose wife?” Napalingon ako sa kaniya habang nagdadrive siya.

“Oo, buntis palang ako ay siya na yung tumulong at kasama ko sa buhay, alam mo aksidente akong nabuntis dahil sa isang plano na inutos sakin. Tapos binantaan pa ang buhay ko, at walang planong panagutan ng lalakeng gumawa n’on sakin”

Nakita ko kung paano gumalaw ang Adams apple niya at pati ang muscles niya sa mukha. Humina rin ang takbo ng kotse atsaka itinabi niya sa gilid ng daan.
Tumingin siya ng seryoso sakin at ginanap ang dalawang kamay ko.

“Bakit mo itinabi?”

“Wife, feeling ko hindi mo parin ako napapatawad” I can sense the sadness on his voice.

“Hubby, napatawad na kita ano ka ba. Pero hindi ko lang maiwasang alalahanin lahat ng pinagdaanan ko. You know naman, napakabait kasi ng ama ng mga anak ko.”

Sabi ko na may halong pang-uuyam. Nakita ko kung paano namula ang mukha niya at ilang beses ko nakitang gumalaw ang Adams apple niya. Bumuka ang bibig niya pero wala mi isang salitang lumabas.
Nakatitig lamang siya sakin at bigla nalang ako napatawa dahil mukhang nagmamakaawa na naman ang mukha niya.

“Eto naman ang seryoso mo. I love you Tauruz, magdrive ka na”

“Tsk! You’re teasing me. You don’t know what I feel when you’re reminiscing all the hardships you have gone through in your life . I felt bad wife.”
Nilingon ko muna si Raz na busy kakanood ng mga kid shows atsaka mabilis ko siyang hinalikan sa labi na siyang kinatitig niya lalo sakin.

“Joke lang eh. I love you.”

“Tsk! Fine. I love you more”
Napabungisngis ako dahil mukhang nasira ko yung mood niya, ewan ko ba ba’t natuwa pa ako imbis na makonsensiya. Hindi niya na pinakawalan ang kaliwang kamay ko habang nagdadrive siya, sinasaway ko siya pero ayaw niyang magpaawat. Matindi din kasi ang kalandian na meron siya sa katawan.

Nang makarating kami sa cemetery ay  tinanong kami ng guard kung sino ang pupuntahan namin. So I told him that I will visit my mom. Naglakad pa kami ng ilang metro bago nakarating sa puntod niya. Napatitig ako sa pangalan niya atsaka ko inilagay ang mga bulaklak. Ginaya rin ako ng mag ama ko. At ganun din ang ginawa nina Rose and Trez.

It's been six years, pero walang araw na hindi ko siya namimiss. Noong nakaraang taon na pumunta ako dito para dalawin ang puntod niya ay hirap na hirap ako. Kulang na kulang at akala ko kailanman hindi na ako mabubuo. At hindi ko inakala mangyayari ang lahat ng ito sa buhay ko. Na bibisita kami sa kaniya ng buo, na hindi na ako malungkot at umiiyak habang kinakausap siya kahit alam kong hindi niya na masasagot lahat ng mga hinaing ko sa kaniya.

Nagpalipad kami ng white balloons at tuwang-tuwa si Raz sa ginagawa niya. Nakatitig lamang kami ng daddy niya sa kaniya habang nakayakap siya sa likod ko.

“Don’t be sad wife, I know she’s happy for you right now. And I promise, I won’t leave you because I don’t want to see you sad”

“T-Thank you hubby. Siguro kung hindi mo kami sinundan dito habang buhay na tayong hindi magkikita”
Natigilan naman siya sa sinabi ko at bigla niya akong pinaharap sa kaniya.

“What? At saan ka naman pupunta? Pagtataguan mo ako?”
Nakakunot noo niyang tanong sakin.

“Sa ibang bansa”

“I will chase you anywhere you go, kahit sa pinakasulok pa ng mundo wife”
Napangiti ako sa sinabi niya. Ano naman ang gagawin ko sa ibang bansa diba?

“Binibiro kalang eh, ano naman ang gagawin ko sa ibang bansa. Siguro kapag nangyari ‘yon dito lang sa bansa natin, siyempre magtatago ako kahit saan”

“Really? Ako pa ba yung pagtataguan mo?” napatawa naman ako sa mga reactions niya. And I know I can’t do that, wala akong kalaban laban sa bilyonaryong tulad niya.

At kahit gaano man siya kayaman, wala akong pakialam tungkol doon. All I need is him, his care and sweetness, his warmth body, his love and his heart ‘yon lang. Hindi bale nang mamuhay kami ng simply basta’t kompleto kami at payapa. Ganun pala kapag nagmamahal ka ng totoo, hindi mo kailangan ang anumang bagay na meron siya o mga bagay sa mundong ito. All you need is a genuine love too.

“Oo na, pero may alam akong lugar na sigurado akong hindi mo kami mahahanap” tumaas naman ang kaliwang kilay niya dahil sa sinabi ko.

“Ahuh? And where is that place?”

“Secret, baka kasi mag-away tayo doon ako pupunta. Pwede ka narin makahanap ng bago mo kapag nangyari ‘yon”

Mas lalong kumunot ang noo niya at nakatitig na siya ng matalim sakin. Napatawa ako bigla dahil hindi talaga siya mabiro, napasuplado niya pero ewan ko ba. Imbis na mainis ay tila kinikilig ako sa mga galaw niya, he’s the only man I wanted to be with.

“You’re making a story. Sabihin mo na sakin wife dahil baka aawayin mo ako ng walang dahilan and after that, basta mo nalang ako lalayasan at hindi na kita makita”

“Grabe ka naman, akala mo sakin may tuyo!”

“Wala ba? Let me say, mood swings”

“Hoy! Kapal mo ah, magpalit tayo ng sitwasyon Tauruz ikaw maging babae at magbuntis para malaman mo!”

Ngayon ay siya naman ang tumatawa. Inis ko siyang tiningnan at mukhang aliw na aliw pa siya katitig sakin. Naiinis talaga ako kapag inaasar niya ako. Napaka-unfair nga ng nararamdaman ko eh pero hindi ko kayang pigilan.



SBTBS > jayewel

PLEASE FOLLOW MY FB PAGE FOR MORE REELS TO WATCH: JAYEWEL'S NOVEL
THANK YOU IN ADVANCE!

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon