Napangiti nalang ako nang bigla akong niyakap ni Tauruz mula sa likod sabay halik sa pisngi ko habang inaayos ang uniform ko sa harap ng salamin.
“Wife, why don’t you file a resignation letter? I want you to stay here and nakakastress din ‘yang trabaho mo, baka mapano si baby”
Napalingon ako sa kaniya at napatitig sa gwapo niyang mukha.
“Hubby. Mahal ko ang trabaho ko, at ayokong wala akong ginagawa. Ayokong magmukmok nalang, you don’t have to worry, exercise narin sakin ito atsaka magpafile naman ako ng leave kapag malapit na akong manganak”
Napakunot noo siya sakin at kumalas saka nakipagtitigan din.
“Are you sure? Ayoko lang na nahihirapan ka wife, baka kasi mastress ka. Malimit pa naman sumasama ang pakiramdam mo and hindi ako mapakali sa office kapag ganun”
Napangiti nalang ako sa kaniya atsaka ginawaran siya ng halik sa labi na siyang kinatitig niya lalo sakin at mabilis akong hinapit nang lalayo sana ako sa kaniya.
“Hubby, trust me kaya ko ito okay? Mas lalo lang akong masistress kapag nandito lang ako. Hindi ako mahilig magmukmok at ayoko ng ganun”
Napabuntong hininga siya atsaka hinalikan ako sa noo.
“Fine, may magagawa ba ako sayo? Oh right, let’s go lumabas na tayo and let’s eat for breakfast, nandoon na si Raz”
Napatango ako sa kaniya at hinapit niya ako sa baywang at sabay kaming lumabas ng room. Dumeretso kami sa dining area at nandon na nga si Raz.
Napatitig ako sa kaniya at napangiti. He look so handsome and net because of his school uniform. Natutuwa ako sa kaniya dahil napakagiliw niyang kumain at hindi siya nagpapasubo pa sa'kin, o kahit sa yaya niya.
Napatingin ako kay Tauruz at bumulong ako sa kaniya.
“Thank you” napalingon siya sakin at una hindi niya pa na gets ang ibig kong sabihin ngunit ngumiti din siya agad ng inginuso ko si Raz. Siya kasi nag ayos dito, mula sa pagpapaligo at pagpapasuot ng uniform. Napangiti tuloy ako kapag maalala ang mga eksenang ‘yon kanina.
They were so cute, umaapaw ang kasiyahang nadarama ko nang masilayan sila. Kung paano sila nagkukulitan habang inaayusan siya ng daddy niya.
“You’re welcome wife, It’s my responsibility. “ nagkatinginan kaming dalawa ngunit mas lalo niyang inilapit yung bibig niya sa tenga ko.
“Don’t worry, tomorrow morning ikaw naman ang bibihisan ko, and of course you have to let me to take you a bath” namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Tumatawa siya habang tinataas baba niya ang dalawang kilay niya, nahampas ko tuloy sya sa hita niya. Mabilis niya namang nahawakan ang kamay ko habang wala paring tigil ang pagngisi niya sa'kin.
“Tumigil kanga!” Inginuso niya rin yung labi niya na parang nagsasabing halikan ko siya.
Natigilan lang kaming dalawa nang pumasok ng dining ang mother nila kasunod si Trez. Saglit siyang napatitig sa amin ng anak niyang nakaakbay sakin at nag-iwas din agad siya ng tingin.
Naisip ko tuloy na parang hindi siya si madam Teressa na puro pang-iinsulto ang tinging pinupukol sakin.
“Good morning everyone, oh, good boy talaga nitong Raz namin, healthy food ang kinakain, ‘yon oh!” Napatingin kaming lahat sa kaniya.
“Turo po kasi ni Mama sa'kin uncle, I have to eat vegetables para laging matibay” napangiti ako sa sinabi niya at pati ang daddy niya ay napatawa sa kaniya.
“Good job grandson. Galingan mo sa school, may gift ka kay grandma kapag perfect ang test mo”
“Yes, I will grandma”
BINABASA MO ANG
Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)
RomanceWarning 🔞: This is not suitable for young readers! Yssa, desperate to save her sick mother, took a dangerous job. But a terrible mistake with drugs meant for someone else landed her in a nightmare. She ended up having a night with Tauruz Kulton, a...