"Friend ano ba yang ginagawa mo,hindi ka ba nabuburyo jan?"-si Lena yan,ang kaibigan kong malandi,na kahit attached na ay makati pa rin ang singit.
"Hoy!wag mong maburyo buryo tong pagsusulat at pagbabasa ko,buhay ko to at maisasalba ako nito sa kalokohan ng buhay kaya tigil tigilan mo ako"-saway ko naman,aba wag niyang maliitin ang aking hobby,love na love ko kaya to.
"Asus,ang sabihin mo,umaandar na naman yang pagkabitter mo,bakit di mo ako gayahin?may bf na ako at pumi fling pa,kaya ang saya ng life bhe"-aba?at iniimpluwensyahan pa ako ng gagang to,"hoy Lena,wag mo akong idali jan sa kalandian mo,first day na first day boy hunting ka kaagad,maawa kanaman sa jowa mo jusko!"-tanging nasabi ko"Ano namang masama kung mag boyhunt ako?eh sa ang daming hombre ngayon sa school natin,palalampasin ko pa ba yan?"-
Bilib din naman ako sa fighting spirit ng kaibigan kong to,"Kaya walang tumatagal sa mga relasyon ngayong henerasyon natin,kase dahil yun sainyo,na kahit meron na ay naghahanap pa rin,di makuntento sa isa para kase sainyo isang laro nalang ang pagpasok sa isang relasyon"-salaysay ko na feeling ko ako si Madam Charo.
"Bess teka akin na yang coke bottle mo"-sabi naman ni Lena,"at anong gagawin mo sa boteng to?"-tanong ko naman
"Isasalok ko lang sa dugong lalabas sa ilong ko,ang lalim ng hugot mo teh"-at hinampas ko naman ng bote ang mukha niya
"Tigil tigilan mo ako sa kagagahan mo ha!kahit kailan talaga sakit ka sa ulo"-sabi ko at bumalik nalang ako sa pagsusulat kesa makipagusap sa sira ulong to."Kyaahh!bess ayun oh,si Hans! Eeeh!pati sina Jaden at Helix ang gwapooo!!!My heart,my panty!it's gone!kyahh!"-naririndi ako sa boses ng babaeng to,susmariya! Hinampas ko ulit ng bote sa mukha para matauhan,
"ARAY naman bess!kanina kapa sa lecheng bote na yan!masakit ah"-reklamo niya
"CHE!tumigil ka nga jan,alam mo isusumbong kita mamaya sa jowa mo para at least naman may alam siya sa mga kalokohan mo!""Wag!bess naman eh,wag mokong isumbong,sayang naman ang yummy din naman nun eh"-napabuga nalang ako ng mainit na hangin,"ewan ko sayo,sagad na yang pagkahayok mo sa lalaki,bahala ka"-tanging nasabi ko.
Di nagtagal ay nagsidatingan na rin ang iba naming kaklase at pati na rin ang unang guro namin sa araw na yun.Puro lang naman introduction at walang kamatayang "I am*insert name*" ang naririnig ko, kaya throughout the whole period ay nagsusulat at nagbabasa lang ako.
"Bess bilisan mo naman maglakad,nagugutom na talaga ako eh"-reklamo ni Lena sakin,ano magagawa niya eh mabagal talaga ako maglakad,mauna nalang siya if gusto niya.
"Patay gutom ka talaga"
"Grabe ka naman maka patay gutom,di pa pwedeng gutom lang?walang patay?"at napa whatever nalang ako.Pumila naman agad kami para makaorder,menudo,langkang gulay,rice at water lang ang inorder samantalang itong kaibigan ko,lahat na ata inorder,parang bibitayin na bukas,
"San mo iniimbak yang mga yan sa katawan mo at di manlang naaapektuhan yang kaseksihan mo?",aminado din naman ako na sexy talaga tong si Lena,malandi nga lang"Sadyang maganda lang ang takbo ng metabolism ko kaya nasa figure parin ang body ko"-at nag flip hair pa ang gaga,eh di siya na!
"Winagayway mo pa yang buhok mo,nagkalat ka na naman ng kuto sa lugar"-pangaasar ko
"Oy!wala akong parasites sa buhok noh!kuto ka jan"-sabad niya at agad linantakan ang pagkain niya
Tahimik lang kami habang kumakain,busy kase sa pagnguya at talagang gutom na gutom na tong kaharap ko na kahit magsalita ay di magawa."Lens bibili lang ako ng water"-at pumunta ako ng counter para bumili ulit ng tubig pero nung kukunin ko na sana yung mineral water ay bigla itong inagaw!
Hinarap ko ang tampalasan at napatigil ako ng makakita ako ng gwapong lalaki.
"Akin nalang tong water mo,eto bayad",at shinoot niya yung pera sa bulsa ng uniform ko.WHAT THE HELL JUST HAPPENED?
ang bastos niya! Akin yung tubig na yun tapos inagaw nalang niya bigla?!Hudas siya.Ang masaklap wala nang mineral water!
Pano ako iinom nito?hindi kase ako umiinom ng sodas kase nakakadiabetes,leche naman oh,yung ayaw ko pa naman sa lahat ang binabastos ako!Bumili nalang ako ng fit n right kesa naman sa coke ang inumin ko,walang choice eh,dahil sa gagong yun di ako nakainom ng tubig ngayon,nakakainis!
"Oh?anong nangyari sa mukha mo?bakit lukot na lukot?"-tanong ni Lena nang makaupo ako.
"May bastos na lalaki na inagawan ako ng tubig"-sabi ko naman
"Gwapo ba?asan siya?"-binatukan ko naman ang gaga
"Aray!bess!kota kana sa pananakit sakin ha!kakasuhan kita ng child abuse"-
"Che!anong child abuse?gurang kana nga eh,maka child abuse ka jan,at saka imbis na maging concern ka sakin,tinanong mo pa talaga kung gwapo!"-paghihisterikal ko"Sorry naman ikaw talaga napakabayolente"-sabi ni Lena habang himas himas ang bukol niya.
Winaksi ko nalang ang kabadtripan ko at dinelete sa utak ko ang lalaking yun,naway hindi na kami magkita pa dahil baka ano pa ang magawa ko sakanya,pasalamat siya may halo pa ako sa ulo ko kaya hindi ko inilabas ang pagkaamasona ko.
*******TBC...*********
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
Teen FictionA story about a girl who is afraid to love,to show her feelings and with intense hate on boys. What Love can do,to fix the heart of this girl? magtatagumpay ba o mauuwi lang sa kabiguan.