AMETHYST'S PART★☆★
Katatapos lang ng klase namin at naghahanda na kami ni Lena sa pag uwi.Ewan ko ba,wala ako sa mood ngayon para gumala kaya uuwi nalang ako sa unit ko.
"Bess sure ka na ayaw mo sumama ngayon sakin?"-tanong ni Lena habang naglalakad kami sa hallway
"Hindi na Lens,tinatamad ako ngayon at saka wala ako sa mood para maglakwatsa,itutulog ko nalang to"-sagot ko naman
"Tsk,dapat kase bess magkaroon ka na ng boyfriend,eh ang dami kayang nagkakagusto sayo,pati manliligaw talamak din,pero lahat tinataboy mo"-
Napaikot nalang ako ng mata sa pinagsasasabi nito,"At pag nagkaboyfriend ako,ano?magkakadeleche leche tong buhay ko?marami na akong nasaksihan na bigong relasyon Lens,at masasabi kong sakit sa ulo at puso ang pagpasok sa isang relasyon,kaya ayoko sa ganyan"-"Bitter mo talaga bess,eh di mo pa nga nasusubukan na magkaboyfriend tapos kung makahusga ka,wagas"-hinarap ko si Lens to clear this issue once and for all,
"Wala akong interes sa mga ganyan Lens,kung ikaw nasisiyahan sa mga lalaki,pwes ibahin mo ako,ayaw kong masaktan,ayaw kong lumuha dahil sa linoko ako o nabigo,basta ayoko and that's final,let's cut this out ok?"-pagkaklaro ko sa kanya"Well tingnan nalang natin bess,let me warn you,malakas ang topak ng tadhana,malakas din ito sa reverse psychology,kaya kung ako sayo,better brace yourself"-at binantaan pa ako?
"Pwes sabihin mo sa tadhana mong yan,na galing galingan niya sa pagmamanipula sa bagay bagay,dahil mahirap akong banggain,baka maiyak siya"-
"Ikaw bahala bess,sige hanggang dito nalang bye bess!"-paalam niya at naghiwalay na kami ng landas.
Pero dahil sa nagutom ako,ay pumunta muna ako ng McDo para bumili ng makakain,wala din ako sa mood magluto kaya ganun.
Nang nasa pila na ako,ay may nasaytingan akong lalaki,minabuti kong titigan siya at di nga ako nagkamali,SIYA! Ang lalaking bumastos sakin kanina! at may kasama siyang babae.
Sigurado naman ako na girlfriend niya yun,infairness maganda si girl,perfect match sila,inaamin ko din naman na gwapo din si guy,bwisit nga lang yung ugali niyang mala hayop.Mas kumulo pa ang tiyan ko at talagang ramdam ko hanggang utak ang gutom kaya napagpasiyahan kong mag dine in nalang kesa itake out.Di ko na ata maaantay na dun pa sa unit ko kumain,baka magsilabasan na tong mga langyang skwater dito sa tiyan ko.Pag ako talaga nakita ni Lena dito,magtatampo yun.
"250 pesos po lahat Ma'am"-sabi ng cashier at ibinigay ko naman ang bayad ko at sinuklian ako.
Naghanap ako ng mauupuan at sa malas ko nga naman,dun pa ako napwesto sa may likod lang mismo ng pwesto ng lalaking bastos.Oh well pakialam ko ba sa kanila,kakain lang naman duh!Inilapag ko lahat ng inorder ko at nagsimula nang kumain,
"Bakit mo nagawa sakin to?bakit mo ba ako linoko ha?!alam mo ba kung gano ako nasaktan sa lahat ng ginawa mong to ha!"-aba?at may drama sessions pala silang dalawa dito,parang MMK lang
"Stefanie it's just hindi na kita gusto,wala nang sparks,wala na I'm sorry"-napapailing nalang ako sa pinagsasasabi ng lalaking bastos na to,so nasa rocks na ang relasyon nila,SAME OLD STORY,bigong pag ibig.At wala na daw sparks?oh come on,ang sarap batukan ng bwisit na to.
Pasensya galit talaga ako sa mga lalaking ganyan.
"Walang sparks?!so from the start Hans,hindi mo pala ako minahal!sparks lang!how pathetic of you!"-himutok ni girl,sooo
Hans pala ang pangalan ng bastos na to,at tama si girl! Hindi siya minahal ng lalaking yan dahil sparks lang ang naramdaman niya! Buti naman at hindi tatanga tanga ang girl na to,akala ko mga patanga effect ang maririnig ko."Well,that explains it Stefanie,maybe I was not really inlove with you,baka nga sparks lang ang lahat"- hindi ako makapaniwala sa mentalidad ng Hans na to!nakakabwisit! Anong klaseng lalaki siya!gosh!
"Fine!break na tayo!"-sigaw ng girl at lahat naman ng atensyon ay napunta sa kanila kasabay nun ang pagalis ni girl.
See?ganun kapait ang pagibig,puro sakit ang dinadala at kasalanan to ng mga taong manloloko at ginagawang laro at joke ang pagibig.Gaya nalang ng Hans na to.
At tumawa pa ito!aba! Sira ulo nga talaga ang isang to!kakainis!porket gwapo siya eh wagas siya makapanloko!
Kumukulo ang dugo ko sa mga ganyan!"Girls really are pathetic and pain in the ass"- at dun nagpantig ang mga tenga ko.
"Girls really are pathetic and pain in the ass"
At nagpaulit ulit ito sa utak ko hanggang umabot na ako sa aking boiling point.That's it! The blow of the demon!
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha ang spaghetting kinakain ko.
Hinarap ko ang hudas na si Hans at nagulat naman siya sa biglaang pagsulpot ko.
"Hey! Ikaw yung girl kanina sa school cafeteria"-nakangiting sabi niya,at mas nanggigil ako sa galit sa pagmumukha niya
SUCH A JERK!!"Oo ako nga,ang inagawan mo kanina ng tubig which is a form of ultimate disrespect!"and without a warning ay pinaliguan ko siya ng spaghetti na hawak ko.
Napatayo siya at galit na hinarap ako,sorry pero di ako affected sa madilim niyang aura,"WHAT THE HELL WAS THAT FOR!!"-sigaw niya saakin,ngumiti lang ako,
"Dapat lang sayo,at bakit ko ginawa yan?simple lang for 3 reasons,Una, sa panloloko mo sa girlfriend mo,ikalawa for calling us girls pathetic and a pain in the ass and lastly sa pambabastos mo sakin kanina sa school,HAPPY?now enjoy your free spaghetti JERK!"-at umalis na ako sa lugar na yun,wala akong pakialam sa lahat ng matang nakasunod sakin basta ang importante--NAKAGANTI AKO SA ISANG ASONG KATULAD NI HANS.
*****TBC...*****
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
Teen FictionA story about a girl who is afraid to love,to show her feelings and with intense hate on boys. What Love can do,to fix the heart of this girl? magtatagumpay ba o mauuwi lang sa kabiguan.