AMETHYST'S PART★☆★
Nasa may school park kami ngayon ni Lena para magpahinga,grabe kase makapagdiscuss yung teacher namin eh,may kasabay na surprise oral recitation kaya nagimbal kaming lahat,buti nalang nakasagot ako pati tong si Lens.
"Ang dami namang donut to Lens!patay gutom ka talaga"-sabi ko
"Ano ka ba!if hindi mo kayang ubusin yan,fine ako ang uubos"-gosh ang baboy nun ha!sa dami nito?lahat kakainin niya?parang susuka na ata ako nun.
"Bilib talaga ako sa mga alaga mo sa tiyan"-tanging nasabi ko at kumagat ng donut."Kyaaahh!!"-wtf!
"Bakit ka ba biglang nagtitili jan?!"At napatingin naman ako sa mga kalalakihang nagjojogging,not to mention na nakashorts at sando lamang ang mga ito,seriously?may ganitong echos ang school na to?kaya pala tumili tong si Lens kase nakakita ng ulam,jusko.
"Sana lagi nalang P.E. ng mga boys para lagi ko silang nakikitang sexy at hot",sabi ni Lena at wala sa sariling kinagat ang donut.
Sira ulo!Hindi ko nalang pinansin ang kagagahan ng katabi ko at kumain nalang.
Mas lalong naging kiti kiti si Lena nang papalapit na sa area namin ang mga lalaking nagjojogging,mabuti atang itali ko na tong kaibigan ko at baka may sunggabang lalaki pag dumaan dito.
"Kumalma ka nga jan!nakakahiya ka"-
"Bess pahiram panty mamaya ha"-ano daw?kadiri talaga tong si Lens!
At sa sobrang pagkaannoy ko ay parang mageepilepsy na tong si Lens nang dumaan ang mga lalaki sa harapan namin,pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay nakita ko sa Hans sa grupo at!Tumigil siya sa may harapan namin!anong ginagawa ng gagong to rito?
Nakangiti lang ito saakin at walang anu ano ay biglang kumindat!Nakaramdam ako ng kaguluhan sa katawan ko.
Natanga ako sa ginawa niyang yon.
Di ko namamalayan na nakaalis na pala si Hans at nakabalik na sa formation nila.Napalingon naman ako kay Lena at napasigaw naman ako sa takot!!Napakadilim ng aura niya habang nakatitig sakin!
"Bakit ganyan ka makatingin?anong problema mo?"-takot na tanong ko sakanya.
"Akin lang si Hans"-baritonong sabi niya na mas kinatakot ko,what the hell is happening to her?!
"BAKIT KA NIYA KININDATAN TAPOS AKO HINDIIIII!!!!!!!"-sigaw niya at napatakbo nalang ako sa takot!
***********
Nasa may rooftop ako ngayon ng school para makatakas sa sira ulong kaibigan ko.
Jusko! kasalanan ko ba na kindatan ako ng walangyang lalaking yon?!eh sa hindi ko nga nagustuhan yon eh!sira ulo talagang Lena na yon!at mukhang mapapatay ako ng babaeng yon Kaibigan ko ba talaga yun o kaaway?otor?tell me.Buti nalang may naitago akong donut sa bag ko kaya inilabas ko yun pati na rin ang pinakamamahal kong water tumbler.
Pumwesto ako sa may dulo ng building para makita ko ang view ng buong school.Ang payapa naman dito,sa wakas may tambayan na ako dito sa school,perfect for my hobby.
"Hayy! Hans Dela Fier! Isa kang malaking demonyo!"-sigaw ko,as if naman na may makakarinig kaya ok lang.
"So may bagong biktima na naman si Hans?"-at napalingon naman ako sa pinagmulan ng boses na yon.
"Who are you?"-tanong ko sa lalake
"I'm Jazenn,Jazenn Verlafuerte,and you are?"-tanong naman niya at naupo sa tabi ko"Ang gara naman ng name mo,well I'm Amethyst Ares Arenyo,weird noh?puro letter A ang initials"-sabi ko at natawa naman si...Jazenn.
"Yeah,but unique and awesome,it fits you"-sabi naman niya.
"So dito ka rin tumatambay sa rooftop?pasensya ka dahil naistorbo kita,may nakadiscover sa tambayan mo"-sabi ko habang nakain ng donut."Ok lang yun,hindi ko naman pagmamay ari ang lugar na to kaya it's all open for students here"-nakangiting sagot niya.
Inaamin ko ha,ang gwapo din ng lalaking to,at mukhang matino naman itong kausap kesa kay Lena.
"So gaya nga ng sinabi ko kanina,biktima ka rin ni Hans?"-tanong nito sakin,
"Grabe makapangbwisit yung lalaking yun!isa siya sa mga eyesore ng buhay ko""Hindi mo siya naging boyfriend?"
"Boyfriend??nagpapatawa ka ba?of course not! Sira ulo na ako pag pinatulan ko yun"-as if naman na magkakagusto sakin si Hans duh!"Ahh akala ko isa ka sa mga babaeng pinaiyak niya,kilala siya dito sa school sa pagiging cassanova"-kwento ni Jazenn sakin,really?may ganitong drama talaga sa school na to?ang jeje ng eskwelahang to promise!
"Parang nasa wattpad lang noh?cassanova his face! Parang sobrang gwapo naman niya para maging dahilan ng pagiyak ng mga babae dito sa school,how pathetic"-tanging sabi ko na ikinatawa naman ni Jazenn.
"Kakaiba ka sa lahat ha,pero kung ako sayo,mag ingat ka kay Hans,baka ikaw ang sunod niyang paiyakin"-like hello?sira din tong si Jazenn
"Heller!hindi ako magkakagusto sa lalaking yun!sobrang galit at pagkaurat nga ang nararamdaman ko dun,kaya malayong mabiktima niya ako"-
"Wag ka pakasigurado jan Amethyst,I know some tough girls na nabiktima rin ni Hans,kaya kung ako sayo better be alert,but don't worry if you need some helping hand,andito naman ako eh"-sabi niya at nakipagkamay sakin which is tinanggap ko naman,"friends?"-tanong niya,
"Friends"-sagot ko naman,wala eh,magaan agad ang loob ko kay Jazenn,kahit first time palang namin magkita,I think wala naman siyang gagawing masama sakin,dagdag ko pa na maamo pa naman ang mukha niya.
Sa pagkabigla namin ay bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito sa Lena!!
Sobrang hingal na hingal ito at madilim pa rin ang aurang bumabalot sa katawan nito.
Tapos napatingin naman siya sa magkahawak naming kamay ni Jazenn,kaya agad ko namang binawi ito."Do you know her?"-tanong ni Jazenn sakin,
"Y-yeah,she's my bestfriend"nauutal na ako sa sobrang takot dahil mas dumilim at nagalit si Lena sa nakita niya,waah!!Jazenn tulungan mo ako!"AAAMMMEETHYYYYYYST! HUMANDA KA SAKIN NGAYON!!!!!!"
*****tbc*****
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
Novela JuvenilA story about a girl who is afraid to love,to show her feelings and with intense hate on boys. What Love can do,to fix the heart of this girl? magtatagumpay ba o mauuwi lang sa kabiguan.