Ch. 02

38 0 0
                                    

Chapter Two-Having a boy bestfriend

Brianna's POV

Pagkapasok namin sa canteen. Pinagtitinginan nanaman kami.

Tama kayo ng basa 'nanaman.' 'Pag kasi nagsasabay kami laging ganito tapos bulungan kahit na rinig na rinig mo naman yung iba. Ts! 'Di na sila nagbago. Ang paplastic.

'Narinig mo ba? Break na sila ni Ian? And Mia and Ian are dating!' girl1

'Talaga? 'Di naman kasi talaga siya ganun kaganda no. Pero 'di rin maganda si Mia. Mas maganda ako sa kanila. I mean tayo!' girl2

'Oo. Tomo! Mas maganda tayo.' girl1

'So nililigawan na ba siya ni Steve?' girl2

'Siguro. Magkasama eh oh.' girl1

'Pero 'di ba dati naman nagsasabay din sila?' girl2

'Oo. Pero syempre ngayon wala na sila ni Ian. Kaya pwede na. Ang bilis naman. Londe!' girl1

'Oo nga! LANDE!' girl2

Sus? Parang naman 'di malandi sila Ian at Mia no? Ts.

Hinayaan na lang namin ni Aiden yung mga bulung-bulungan at bumili na ng pagkain.

Umupo kami sa table for two sa side. Oo, may ganun sa canteen namin. Sosyal dating pero ung mga nag-aaral dito average lang naman. 'Di mayaman, 'di mahirap. Pero marami rin namang mayaman.

* * * * * * * * * *

Steve's POV

Sus! Dami talagang chismosa sa eskwelahang ito. Mga may kaya naman kasi eh.

Mayaman naman ang pamilya namin. Pero hindi naman kami nakikipagsosyalan tulad ng iba. Rank 6 ang business namin dito sa Asya.

Alam kong narinig din ni Dione ang mga bulung-bulungan at hindi na lang niya pinansin. Kaya hinayaan ko na lang din.

Syempre kailangan cool lang kase kasama ko ang babaeng mahal ko. Dapat 'di ako mapahiya.

Tama kayo ng basa. Mahal ko nga ang babaeng kasama ko ngayon.

Simula pa lang. 

Umorder na kami ng pagkain at umupo na.

"Ano ba kasing nangyare? Sinong nagpaiyak sa'yo ha? Uupakan ko yung gagong yun!" pambabasag ko sa katahimikan.

"Haha! Sobra ka naman. Pabayaan mo na sila. Bagay naman silang magsama eh. Ang papanget!" Yes! Napatawa ko siya!

Ang ganda niya talaga 'pag masaya at ngumingiti siya. :)

Kahit alam kong may konting lungkot pa rin doon sa ngiti niyang 'yon.

"Sila? Sinong sila? Teka, tungkol ba kay Ian? May babae siya? Sino? Sigurado naman akong 'di tatalab yung ganda nun sayo!" panigurado yung tungkol nanaman sa gagong Ian na yun! Yung boyfriend niyang wala namang binatbat sa kagwapuhan ko.

Gwapo naman talaga ako eh! ;)

"Sinabi mo pa! Talagang hinde no! Si Mia. Nagddate sila ni Ian." edi ibig sabihin break na sila ni Ian? Yes! Magkakachance na'ko. Wohoo! At gagawin ko ang lahat mahulog lang siya sa'kin at maging masaya siya.

"Sabi ko na nga ba eh. Walang laban sa'yo! Pero lagut sa'kin yung ex mung 'yon! Baka nga 'di siya makauwi eh. Sa hospital muna! Haha!" Malakas ako eh! :P

Atsaka wala naman talagang laban yung Mia na yun sa kagandahan nitong DioneKO eh.

KO agad? Syempre, magiging akin din siya. Tiwala lang. :D

Dione ang tawag ko sa kanya, halos kasi Brianna ang tawag nila. Gusto ko kasi special. Haha!

"Hayaan mo na. :)" aw, hayaan? Mahal niya pa rin siguro. Ayaw niyang masaktan eh. Amfufu! T.T

"Osige, sabi mo eh." hindi ko hahayaan no. Sinabi ko lang 'yon kasi baka mamaya magalit sa'kin 'tong si Dione. 'Di ko kakayanin 'yon! Mayayari sa'kin mamaya ung putanginang 'yon!

Pagkatapos nun. Wala ng umimik sa'ming dalawa.

Tinititigan ko siya kapag 'di siya nakatingin.

Ang ganda niya talaga. Kahit 'di siya maputi tulad ng ibang wala naman laban yung mga yun sa kanya.

Ang ganda rin ng mga mata niya, kulay purple at ang cool.

Alam kong ganun ang kulay ng mga mata niya pero hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang itago ang mga ito.

Haay, sana ako na lang...

* * * * * * * * * *

4months later...

Oo, binugbog ko si Ian nung dismissal nung araw na 'yon. At pagkatapos din ng araw na 'yon 'di ko na nakita o nakausap man lang si Dione.

Miss na miss ko na siya! Bat ba hindi na siya pumapasok?

Sinubukan kong dalawin siya sa apartment niya. Pero wala na raw siya roon.

Asan na ba siya? Shit. Mababaliw na 'ko eh!

Sarap lang sapakin 'pag nakikita ko yung ugok na ex niya! Alam kong isa siya sa mga dahilan kung bakit wala akong nakikitang Dione ngayon.

At may gana pa siyang ngumiti at tumawa pagkatapos ng ginawa niya kay Dione?! Gagung 'yon.

* * * * * * * * * *

Camille's POV

Katabi ko ngayon si Vanesse.

Na sa classroom kame.

At sa tuwing mapapatitig ako sa direksyon nila Ian at Mia na naglalandian gusto ko silang ipahagis sa Bermuda Triangle. Mabuti nga 'yon nakatikim si Ian ng bugbog kay Steve. Nang matuto siya.

Sinabunutan naman namin non si Mia. Bwahahaha! Ang bait namin no?

Pero pagkatapos ng araw na 'yon 'di na nagparamdam si Brianna.

Miss na namin ang bestfriend namin. Waaah! T.T

Nung bumisita naman daw si Steve sa apartment niya wala na daw siya dun. Asan na kaya siya? :(

"Vans, miss ko na si Bri. T.T" sabi ko kay Vanesse

"Ako rin eh. Asan na kaya siya? Langyang babaeng 'yon! Iniwan tayo. Waaah!" lagot na. Umiyak na si Vanesse.

"Tahan na. Pareho lang naman tayong namimiss siya eh. Huhu." sagot ko.

At 'di na lang kami umimik hanggang matapos ang period.

* * * * * * * * * *

A/N: Please support po. :) Mawawala muna saglit ang about sa Pilipinas dahil magfofocus po tayo kay Brianna. :) Na...you'll see sa next chapter. :)

The Bitch and the JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon