78

6 0 0
                                    

Jacob

Tahimik lang kaming lima. Parang ni isa sa amin ay walang planong basagin yung katahimikan.

"Jacob, umamin ka na." Kendrick suddenly stood up and walked out. Alam kong galit sakin si Drick.

"Mga kuya, sorry. Sorry talaga na tinago ko. Naghihintay lang talaga ako ng mga timing." Panimula ko. "Kami na ni Eliza." Nakayuko kong sabi.

"Huwag kang mag sorry Jac, dahil nagmahal ka lang naman." James said. "Pero Jac, alam mo ba kung anong pinasok niyo? The fans are now wondering kung ano yung real score between the two of you. Some might like it, pero marami ang hindi matutuwa." He added.

"Jac, sana inisip mom una yung mga pwedeng mangyari. Dahil ba sobrang mahal mo kaya mo nang itaya yung pinaghirapan mo? Pinaghirapan natin? Jac, ganon ba 'yun?"

Tahimik lang sila. Ang sakit. Nag mahal lang naman ako.

"I understand, Jacob. Mahal mo yung tao, and no one is blaming you for that. Pero, I just hope you did the right choice." Kuya Sander said.

"Love can make you go blind takaga 'no? Kayang-kaya nating isugal yung mga matagal na nating pinangarap sa mga bagay na hindi natin siguradong magtatagal ba." Ang huling narinig ko kay Sylver bago sila tumayo at tinapik ang balikat ko. Isa-isa na silang umalis at naiwan ako dito sa studio na hindi na alam kung ano ba ang mararamdaman.

Too FarWhere stories live. Discover now