56

7 0 0
                                    

Gumising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang kulay putting kisame at ang amoy ng gamot. Teka, nasaan ba ako? I adjusted my vision at napalingon ako sa gilid ko ng may maramdaman akong gumalaw doon.

"Caroline! Thank God you're okay!" saad ni Kuya Sander na parang wala pang tulog. Bakas kasi ang pagod sa mukha at mata niya.

"Alam mo bang isang buong araw kang tulog? 'Wag mo na kaming pag-alalahanin ng ganon." Kuya combed my hair using his fingers. I slowly nodded my head and smiled at him. I missed Kuya Sander. Sa sobrang busy niya sa carerr niya ay hindi na kami halos nagkakasama o nag-uusap. Ngayon na lang ulit.

"Sila mama?" tanong ko sa kaniya at pinalibot ang tingin ko sa paligid.

"Pinauwi ko muna, siguro mga 6 p.m. ay nandito na ulit 'yon sila. Sina Venice at Hilary pinauwi ko rin muna para makapagpahinga. Grabe ang iyak ni Venice kahapon." Sagot ni Kuya sa tanong ko. I smiled sadly, dahil sobra ko silang pinag-aalala. Ang dami kong oras na naabala at nasayang.

Tapos si Venice, masayahing tao 'yun eh. Hindi 'yun madaling umiyak, pero ako pa pala ang magpapaiyak sa kaniya. Iniwas ko ang mga mata ko kay Kuya Sander at pasimple ulit 'tong pinalibot sa paligid. Nagbabakasakaling narito pala siya.

"Si Jacob ba?" Tanong ni Kuya sa akin kaya agad akong napalingon sa kaniya. "Galing siya dito kaninang umaga. Nag dala ng bulaklak at prutas. DI na muna ako umattend sa shoot namin, ayokong iwan ka dito mag-isa." Pagpapatuloy niya. Napangiti na lang ako kay Kuya, the best talaga, walang katulad.

Tumalikod muna sa akin at pinagbalat ako ni Kuya Sander ng mansanas. Muling pumasok sa isip ko si Jacob, hindi pa rin nawawala yung tampo ko sa kaniya. Mahina na lang akong napatawa at napailing. Saka lang talaga tayo mahalaga at naaalala kapag may nangyari nang masama sa atin. Awit! 

Too FarWhere stories live. Discover now