Chapter 1

2.7K 13 2
                                    

It's been months since I was back here in Manila. Masyado kasi akong nasubsob sa pag-aasikaso ng mga bagay regarding sa company. Expansions here and there, new business partners from different countries and many other things to be settled. *sigh* Doing so many things made me miss this place so much. I missed my friends, family and HER. Even though I was far away, she is the one I've been thinking of most of the time.

"Kuya Richard!"

Oh, there she is!

"Sarah!"

Sinalubong ng mahigpit na yakap ni Sarah ang kanyang Kuya Richard.

"Namiss kita!" Bati ni Richard sabay akbay sa kapatid

"Namiss din kita kuya! Sobrang sobra!" Sagot ni Sarah habang kumakawala sa pagkaakbay ng kanyang kuya.

"For real? I'm sure hindi naman ako yung namiss mo kundi yung mga pasalubong ko sa'yo."

Napakamot sa ulo si Sarah sabay sabing, "Si kuya naman eh!"

"Hahaha. Ikaw talaga. Tara na, sa bahay ko na ibibigay yung mga pasalubong ko sa'yo. At wag kang mag-alala, for sure magugustuhan mo tong lahat."

"Sabi mo yan ah!"

Dumiretso na sila sa kotse at agad na umuwi sa kanilang bahay.

***********

*knock* *knock*

"Kuya?" Pabulong na sabi ni Sarah habang nakasilip sa pinto ng kwarto ni Richard

Naglalaro ng solitaire sa kanyang laptop si Richard ng tinawag siya ni Sarah.

"Bakit bunso?"

"I just want to say thank you doon sa lahat ng pasalubong mo. Nagustuhan ko lahat." Masayang sagot ni Sarah

"Sabi ko naman sa'yo eh, magugustuhan mong lahat yun. Ikaw kaya palagi kong iniisip nung nasa ibang bansa ako." Tugon naman ni Richard habang pinapasok niya si Sarah sa loob ng kwarto.

Slow Dance, RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon