Chapter 3

665 8 0
                                    

Hindi lingid sa alam ng lahat na isang malaking kumpanya ang pagmamay-ari ng pamilya nila Sarah at Richard. At dahil dito, marami ang naiinggit sa kanila. Marami sa kakompetisyon ng kanilang kumpanya ang gustong magpabagsak sa kanila.

Isang araw habang papunta ng opisina si Richard ay isang kahinahinalang lalaki na nakamotor ang sumusunod sa kanya. Hindi ito napapansin ni Richard dahil may iba siyang iniisip. Iniisip niya kasi ang mga aplikanteng kanyang makakaharap ngayon para maging body guard niya at ng kanyang pamilya. Matagal tagal na rin kasi silang nakakatanggap ng mga death threats mula sa mga hindi kilalang tao.

Samantala, nasa may harap na ng Lim Aviations ang mga nakapilang aplikante sa pagiging mga body guards ng pamilya Lim.

Maya maya ay dumating na si Richard sa tapat ng kanilang opisina. Nakababa na siya ng kotse ng may humarurot papunta sa kanyang harap na isang motorsiklo, huminto ito ng hindi kalayuan sa kanya. Bumunot ng baril ang lalaking sakay nito sabay tutok kay Richard. Kakalabitin na sana nito ang gatilyo ng humarang ang isang lalaki sa harap ni Richard.

*Bang!*

At sa isang iglap, nawala ang lalaking sakay ng motorsiklo at bigla namang bumagsak ang lalaking nasa harap ni Richard.

*********

"Nasa langit na ba ako?"

"Hindi po sir. Nasa St. Luke's pa lang po kayo." Pabirong sagot ng nurse

“Excuse me po sir. Lalabas na po ako.” Dagdag ng nurse

Dahan dahang umupo ang lalaki at nagtanong bago pa makalabas ang nurse. “Ughh, uhmm miss, ano bang nangyari?”

“Sir, nabaril po kayo.”

“Pwede na ba akong lumabas mamaya? Wala kasi akong pambayad dito eh.” Nahihiyang sabi ng lalaki

“Ay sir. Pasensya na po pero kailangan niyo pong mag-stay dito for 3 more days para makarecover po kayo ng maayos pero…”

Nagulat ang lalaki sa narinig. “Ano? Hindi pwede miss. Wala kasi akong pambayad.” Akmang tatanggalin na nito ang dextrose niya ng pigilan siya ng nurse

“Sir wag na po kayong magpumilit ng umalis. Mapapagalitan po ako sa ginagawa nyo eh.”

“Pero miss…”

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Richard.

Napakunot ang noo nito at sinabi, “Nurse, anong nangyayari dito?”

Napayuko ang nurse at sinabi, “Ah, eh sir. Nagpupumilit na po kasing lumabas si Mr. Montenegro.”

Napatango si Richard. “Ok you can leave now. Ako na lang magpapaliwanag sa kanya. Thank you.”

“Sige po. Excuse me sir.” At dali-daling lumabas ng kwarto ang nurse

Tila nagulat ang lalaki sa nakitang tao sa harap niya. “Mr. Lim? Ano pong ginagawa niyo dito?”

“Gerald Montenegro, right?”

“Yes sir. Ano pong magagawa ko para sa inyo?” Gulat ngunit masayang bati ni Gerald kay Richard.

Lumapit si Richard sa kama ni Gerald, hinawakan nito ang balikat nito at sinabi, “Nagpapasalamat ako sa’yo ng sobra sobra dahil ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Utang ko sa’yo ang buhay ko.”

“Wag niyo pong sabihin yan sir. Sa katunayan, ako po ang may utang na loob sa inyo, sa pamilya niyo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Matagal pong naging empleyado ang kuya ko sa kumpanya niyo. Naaalala niyo po ba si Miguel Montenegro?”

“Yes. Siya yung unang scholar ng foundation namin. He became one of our finest pilots but unfortunately namatay siya sa isang plane crash. Ikaw pala yung sinasabi niyang nakababata niyang kapatid.”

“Opo sir. Ako po yung bunso niyang kapatid. At kung hindi po dahil sa inyo, kung hindi po dahil sa magandang pakikitungo niyo sa kuya ko, hindi po giginhawa ang buhay ng pamilya namin.”

“Naging mabuting empleyado ang kuya mo, sinuklian ko lang ang pagiging tapat at masipag niyang empleyado.”

“Kaya po nagpapasalamat ako ng marami sa inyo sir.”

“Nagpapasalamat din ako sa’yo. Ikaw ang nagligtas ng buhay ko.”

“Quits lang naman po tayo sir.” At nagkatawanan sila.

“Ok lang ba kung Gerald na lang ang itawag ko sa’yo?”

“Opo sir. Wala pong problema.”

“Gerald, wag ka na nga palang mag-alala sa gagastusin mo dito, sinagot ko ng lahat ang dapat bayaran.”

“Naku, marami pong salamat sir.”

“Pero may hihilingin sana ako sa’yo.” Tila nahihiyang sabi ni Richard

“Kahit ano po sir. Ano po ba iyon?”

Huminga muna ng malalim si Richard. Alam niya kasing maaring tanggihan ni Gerald ang kanyang alok. “Gusto sana kitang kunin bilang personal body guard ko.”

“Naku sir…”

Napayuko si Richard at mahinahong sinabi, “Ok lang kung ayaw mo. Alam ko namang mahirap para sa’yo na isugal ang sariling buhay para sa iba.”

“Ay sir, nagkakamali po kayo. Kaya po talaga ako nandoon para mag-apply bilang body guard niyo.”

Nagulat siya sa kanyang narinig, “So ibig bang sabihin nito?”

“Opo, tinatanggap ko po yung alok niyo at karangalan ko pong mapagsilbihan kayo.” Nakangiting sagot ni Gerald

Iniabot ni Richard ang kanyang kamay at nakipag-shake hands siya kay Gerald. “No, the pleasure is mine dahil nakahanap ako ng isang taong handang isakripisyo ang sariling buhay para sa iba.”

Slow Dance, RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon