Chapter 10

702 19 9
                                    

Author's Note:

Dedicated po ang chapter na to sa lahat ng naglike at patuloy na bumabasa ng fan fic ko. Enjoy! And spread the love! :-)

**************

Chapter 10

“Maya?”

“What are you doing here?”

“Maya can you hear me?”

Tila natauhan si Maya, tinakpan niya ang bibig niya na nakabuka ng konti dahil sa pagkagulat at pagkatapos maayos ang sarili ay sinabi, “Ahh, ok lang ako. Kumusta ka na Richard?”

“I’m good.” Matipid na sagot ni Richard. “Ok ka lang ba talaga?” Dagdag na tanong nito

“Ahh, oo. Nagulat lang ako. Hindi ko kasi…” Aligagang sabi ni Maya

“Hindi mo inaasahang makikita mo ako dito? Ako din naman eh.” Tila nahihiyang sabi ni Richard. Nabalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa magsalita si Richard

“Uhmm, by the way, bakit ka nga pala nandito?” Tanong ni Richard

“Hinahanap ko kasi yung boss ko, ako yung temporary secretary niya eh.”

“Ta—talaga? Coincidentally, hinihintay ko rin yung temporary secretary ko. Sabi kasi ng kapatid ko andito na raw yung secretary ko. I’m just waiting for her text to describe to me what he/she wears.” Pagpapaliwanag ni Richard

Tinitigan naman ni Maya si Richard. Naisip niya na malaki na ang pinagbago nito. Mas naging matipuno ito, mas naging gwapo at disenteng disente na siya tingnan sa suot niyang formal attire na blue polo with black coat. Blue polo at black coat? Napaigtad si Maya sa naalala niya at napansin naman ito ni Richard.

“Is there anything wrong Maya?”

“Uhmm, wala naman, ano kasi, kagaya ng suot mo yung suot ng boss ko. Yun kasi yung sabi sa akin ni…” Sabi ni Maya bago magsalita si Richard

“Excuse me. Sorry, it’s my sister Sarah.” Sabi ni Richard

“Sarah?” Gulat na tanong ni Maya

Nagtataka naman si Richard sa reaction ni Maya. “Why? Is there something wrong?”

“Hindi ako sure pero may kutob ako na siya yung kasama ko kanina. Si Gerald talaga!” Tila naiinis na sabi ni Maya, tila nagdadabog ito at palakad lakad.

Hinawakan ni Richard ang balikat ni Maya at hinarap niya ito sa kanya. “Wait. Pati ako naguguluhan sa’yo. Ano bang nangyayari?” Pagtatanong ni Richard

“Sa—Sarah din kasi yung pangalan nung babae na naghatid sa akin at coincidentally kakilala siya ni Gerald na bodyguard mo, na best friend ko.”

“So you are implying that we are…”

“Yes, we have been set up by your sister and my friend.” Sagot ni Maya

“Bakit naman nila tayo iseset up?” Naguguluhang tanong ni Richard

“I just want to ask you, may nakwento ka ba kay Gerald nung tungkol sa…” Hindi maituloy ni Maya ang gustong sabihin dahil nahihiya siya

“Tungkol saan?” Sabi ni Richard

“Tungkol sa atin.” Diretsong sagot ni Maya

“To tell you the truth, oo, sinabi ko kay Gerald yung tungkol sa atin.” Pag-amin ni Richard

“There’s your answer. Malamang na naikwento na ni Gerald kay Sarah yung nalalaman niya.” Seryosong sagot ni Maya

Nahiya naman si Richard dahil sa tingin niya ay kasalanan niya ang nangyari. “I’m so sorry Maya. This would not have happened if I never told that to Gerald. I’m very sorry that I brought you to this mess.” Nakayukong sabi ni Richard

Slow Dance, RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon