Chapter 5

633 10 0
                                    



Kinaumagahan ay maagang nagising si Sarah. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom ngunit laking gulat niya ng isang hindi kilalang lalaki ang nandoon. Tila nagtitimpla pa ito ng kape.


“Lakas din ng loob ng magnanakaw na to ah. Nagawa pang magkape!” Sa isip-isip ni Sarah


Dahan-dahang lumapit sa may kusina si Sarah, pinulot ang walis tambo na nakita at hinanda ang sarili para paluin ang “magnanakaw”. Ngunit hindi alam ni Sarah na napakiramdaman na siya ng lalaki. Alam ng lalaki na papaluin siya ng babaeng nasa likuran niya. Nang papaluin na ni Sarah ang lalaki ay nakailag to. Hinawakan nito ang tambong hawak ni Sarah at sinandal si Sarah sa may dingding. Mahigpit ngunit hindi naman masakit ang paghawak niya sa braso ni Sarah, inilapit niya rin ang mukha niya rito upang ipahiwatig kay Sarah na hindi ito takot sa kanya.


Walang ibang nagawa si Sarah kundi ang sumigaw. “Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!”


Maya-maya ay nasa kusina na rin si Richard, nagulat siya sa nakita at sinabi, “Anong nangyayari dito?”


Pagkasabi nito ay binitawan na ng lalaki si Sarah, si Sarah naman ay tumakbo sa likuran ni Richard.


“Kuya, magnanakaw yan! Tumawag ka na ng pulis! Bilis!” Pagsusumbong ni Sarah


Lumingon si Richard kay Sarah, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at nakangiting sinabi, “Hindi siya magnanakaw, siya ang bagong body guard ko. Siya si Gerald.”


Namilog ang mata ni Sarah sa sinabi ng kanyang kuya, “Siya? Body guard mo?”


“Yes.” Bumaling naman si Richard kay Gerald, “I guess you’ve already met my sister. Siya si Sarah.”


Dahil sa narinig niya, lalong napatago sa likod ng kanyang kuya si Sarah. Mali pala siya ng pag-aakalang isang magnanakaw si Gerald.


Iniabot ni Gerald ang kanyang kamay kay Sarah sabay sabi, “Salamat sa magandang pagwelcome sa akin Ms. Lim, Gerald Montenegro po at your service.”


Nakipagkamay si Sarah kay Gerald, “Pasensya na. Hindi ko sinasadya. I’m very sorry to what happened earlier.” Nahihiyang sabi ni Sarah


Pagkatapos makipagkamay ay bumaling si Sarah sa kanyang kuya at hinampas niya ito ng malakas sa braso.


“Aray! Para saan yun?” Gulat na tanong ni Richard

Slow Dance, RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon