Chapter 1

97 6 4
                                    

Akala ko noong una, nanaginip lang ako na nagsiswimming ako sa hot spring. Kaso, tangina, sa ihi pala ako nag-swimming. Ang nakakabwisit pa, hindi pala iyon isang panaginip.

"Shit! Shit! Shit!" sigaw ko habang bilis bilis na bumabangon upang makaalis sa nakakadiring pwesto na punong-puno ng mainit na ihi.

Ang nipis nipis na nga ng kutson namin, ang panghi panghi pa. Tangina naman talaga.

"Ma?! Ano ba naman 'yan?! Dito ka na naman umihi sa kama? Ako na naman ang maglilinis nito!" reklamo ko sa nanay kong lasing na lasing na naman.

Si Mama kasi, sa sobrang kalasingan, dito na lagi sa kama namin inaabot ng pag-ihi. Madalas ay may pagsuka rin na kasama.

"Haha, ano, Rhian? Sawang sawa ka na naman sa buhay mo? Letse kang bata ka! Naglilinis ka lang ng ihi at suka ko, kung makareklamo ka, akala mo naman ay palamunin mo ako!"

Napahilamos ako sa mukha ko kahit walang tubig. Sawang sawa na talaga ako, Ma. Tangina naman.

Sino ba ang hindi magsasawa sa ganitong pamumuhay? Sa ibang bahay, ang salubong ng mga nanay sa mga anak nila tuwing umaga ay masarap na almusal. E sa akin? Ano ba ang salubong ng nanay ko? Ihi? Suka? Mga mura?

Buntis pa lang ang nanay ko, iniwan na siya ng tatay kong gobernador ng lunsod namin. May pamilya na raw kasi ang tatay ko nang mabuntis niya si Mama, kaya talagang hindi niya kami pwedeng panagutan.

Sa totoo lang, wala naman akong pakialam. Sanay na rin naman akong mag-isa sa buhay ko. Batang bata pa lang ako, iniiwan na akong mag-isa ni Mama sa bahay namin para makapaghanap buhay siya. Kaya bata pa lang ako, marunong na ako sa gawaing bahay, at marunong na rin akong mag-alaga sa sarili ko.

Kung hindi kasi ako kikilos sa bahay namin, magmimistulang basurahan ito kasi hindi naman naglilinis si Mama. Nagkakalat pa nga, e. Kaya hindi ko pinapabayaan sa paglilinis ang bahay namin,  para kahit gawa lang sa yero ang mga dingding, at plywood lang ang sumosoporta sa buong kabahayan, ay malinis pa rin ito at hindi gaanong nakakahiya.

Umaalis si Mama para magtrabaho tuwing alas sais ng gabi. Umuuwi siya ay alas sais ng umaga, saktong pagpasok ko sa eskwelahan. Bago ako pumasok, nagluluto na ako at nagsasaing ng pagkain ni Mama sa buong maghapon.

Nasa ika-walong baitang na ako. High school na, kaya medyo nahihirapan na akong pilitin si Mama sa pagpapatuloy ko sa pag-aaral. Ang usapan kasi namin, hanggang Grade 6 lang ang ipagpapaaral niya sa akin, ngunit ayaw ko naman na huminto agad doon, lalo at alam ko sa sarili kong kaya ko naman.

Katuwiran kasi ni Mama, para saan pa ang pag-aaral ko kung gagaya lang naman daw ako sa kaniya at sa trabaho niya. Ganda lang naman daw ang kanilangan doon, at maganda naman daw ako, kaya para saan pa ang pag-aaral.

Prostitute kasi si Mama. Nabubuhay kami kasi binebenta niya ang katawan niya gabi-gabi sa kung sino-sino. Kalat din sa lugar namin ang ginagawa niya kaya wala akong kaibigan sa eskwelahan. Madalas din akong kutyain ng mga kamag-aral ko, dahil marumi raw ang nanay ko.

Alam kong mali ang ginagawa ni Mama. Pero hindi ko iyon ikinakahiya, kasi ginagawa niya iyon para mabuhay kaming dalawa. Sex work is work. Hindi naman kami mapapakain noong mga taong nanghuhusga sa amin, kaya hindi ko na lang pinapansin ang mga pangungutya nila sa amin ng nanay ko.

Pero kahit na hindi ko ikinakahiya ang pagiging prostitute, ayaw ko pa rin sa trabahong ito. Kasi iba naman ang pangarap ko. At iyon ay ang maging isang guro. Gustong gusto kong nagtuturo sa mga bata, kaya kung papalarin, ang pagiging guro ang pagpupursiguhin kong makamit.

Teacher Rhian, bagay na bagay sa akin. Nakakatuwang isipin na isa ako sa magiging kasangkapan upang magkaroon ng kaalaman ang mga bata na tuturuan ko balang araw. Hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Alis na ho ako, Ma," sambit ko matapos magmano sa ina.

"May sinaing na ba? May ulam na ako?" tanong niya habang nakapikit. Mukhang iniinda pa ang sakit ng ulo dulot ng hang over.

"Opo, mayroon na po. Alis na ho ako."

Alas sais y media nang makarating ako sa eskwelahan. Masyado pang maaga dahil alas syete y media ang simula ng klase. Naglalaan talaga ako ng isang oras upang maglinis ng silid-aralan namin at magbasa ng mga libro ko, upang may maisasagot ako sa recitation.

Hindi kasi ako makapag-review sa bahay, dahil laging nag-aaway si Aling Rosa at Manong Kiko, ang mga kapitbahay namin ni Mama na mag-asawa. Laging lagabagan ang bahay nila at dinig na dinig ng mga kapitbahay. Ang dami tuloy laging tsismosa sa kalsada.

"Hmmm, so ganito pala iyon. Ngayon alam ko na kung paano i-solve." Tumatango kong sambit sa sarili ko matapos makuha ang tamang formula sa lesson namin sa Mathematics.

"Alam mo na? Paturo ako."

"Huh?!" gulat kong sigaw habang hawak hawak ang dibdib ko.

Tangina, may tao pala rito?! E kanina pa ako nagsasalita mag-isa ah? Baka isipin niyang baliw ako, madagdagan pa ang pangungutya sa akin.

"Hehe, sorry. Nagulat kita?" tanong niya habang naka-peace sign.

"Hindi," malumanay na sambit ko at tinalikuran na siya.

"Rhian hindi ba? Ikaw si Rhian? Iyong anak ng prosti? Paturo naman." Kinalbit niya ang balikat ko.

Kung ibang anak siguro ng prostitute ang sinabihan niya, malamang ay na-offend iyon. Pero dahil wala naman akong pakialam sa opinyon nila, ayos lang sa'kin.

Tsaka sino nga ba ito? Hindi naman kami close, pero namumukhaan ko siya. Siya iyong first honor namin. Nalimutan ko lang ang pangalan. Citrus? Cairus? Ano nga ba?

"Hindi ko alam kung paano. Huwag mo akong guluhin," sabi ko nang hindi pa rin siya pinapansin.

"Kasasabi mo lang kanina na nakuha mo na, e! Sige na oh. Libre kita ng recess? Gusto mo? Spaghetti o sopas? O diet ka kaya tubig na lang noh?"

"May pambili ako ng pagkain ko. Tsaka, para saan pa at naging first honor ka kung hindi mo alam kung paano mag-solve?" medyo naiirita ko nang tanong sa kanya.

"Oo nga noh? Sige, Rhi. Ako na lang. Yakang yaka ko na 'to!" wika niya na may halong pangungumbinsi sa sarili.

Tsaka anong, Rhi? Close ba kami?

"Huwag mo ako tawagin na Rhi. Hindi tayo close."

"Sus! Iyon lang ba?"

Tumindig siya sa kinauupuan niya at lumipat sa tabi ko, tapos ay umakbay sa akin.

"Ito? Close na ba tayo? Pwede na kita tawagin na Rhi?" sabay ngiti na labas ang perpektong mga ngipin.

"Bahala ka riyan." Inirapan ko siya.

"Simula ngayon, close na tayo ha? Sabay tayong mag-lunch." Anunsyo niya, at mukhang wala siyang pakialam kung tututol ako. Basta siya ang masusunod. Napa-irap na lang ako. Bahala siya.

Kissing the Agony (Agony Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon