Isang buwan na ang nakalipas ng magsimula kaming magsabay sa lunch ni Cyrus. Hindi ko naman sinasabi pero makulit siya at siya naman ang nasusunod, kaya hinayaan ko na. Kapag nakikita niya na wala akong pagkain ay nililibre niya ako, na ayaw ko naman dahil baka isipin niya ginagawa ko siyang sugar daddy.
"Masama ang tumatanggi sa grasya, Rhi. Tsaka, may trabaho ako kaya sariling pera ko 'yan at hindi kay Lola," sambit nito noong sinubukan kong tanggihan ang libre niya sa akin.
Ayaw ko lang kasi na parang ginagamit ko siya. Nakikita rin ng ibang kaklase namin na binibigyan niya ako ng pagkain at dumadagdag lang 'yon sa pang-insulto nila sa akin. Na ginagamit ko raw si Cyrus, na paaawa ako kay Cyrus, na gaya ng nanay ko, pokpok din ako at nilalandi ko si Cyrus.
Sinabi ko sa kanya iyon at halos itumba niya ang upuan niya sa classroom. Huminga siya nang malalim at bahagyang nag-isip, bago ako binalingan.
"Huwag mo na silang pansinin. Alam naman nating dalawa na hindi iyon totoo. At kusa naman akong nagbibigay sa'yo," aniya.
"Pero sayang din kasi ang pera na ginagastos mo para sa akin. Hindi mo naman responsibilidad na pakainin ako," sabi ko dahil iyon naman ang totoo.
He massaged his temples, he seemed so stressed and frustrated.
"It's my choice to help you. I want to help you."
"Ano bang trabaho mo at parang ang dami mong panlibre sa akin?" usisa ko. Ayaw niya naman magpaawat, eh.
"Nagsusulat. Academic assistant."
"Sabagay... matalino ka nga pala."
He smirked. Mukhang nagyayabang dahil napuri ko.
Hindi ko na siya pinansin at hindi na rin naman siya nagsalita. Natapos ang araw na iyon sa eskwelahan.
"Bye, Rhi. Alis na 'ko." paalam ni Cyrus na tinanguan ko lang.
"Ingat ka pauwi," aniya bago lumabas nang tuluyan sa pintuan.
Nakita ko ang pagbaling ng ibang kaklase namin sa akin. Ang mga babae ay masama ang tingin, ang iba ay mukhang wala naman pakialam kaya umalis na rin.
"Ang tigas talaga ng mukha mo 'noh?" si Rachelie na naman. Tangina.
Nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit para makaalis na. Hindi ko siya pinansin.
"Hoy, pokpok! Kinakausap kita!" Hinila niya ang braso ko at naramdaman ko ang diin ng kuko niya roon.
Still, I didn't respond. I gathered all my things and I was about to leave when she suddenly pulled my hair.
Napaatras ako dahil sa buhok ko na nahila niya.
I groaned in pain, but I didn't cry. I won't give her that satisfaction.
"Manang-mana ka sa nanay mo! Pokpok ka rin, e! Hindi nga kami pinapansin ni Cyrus, tapos ikaw? Ka-close niya?! Ano? Ginagamit mo rin ang katawan mo kagaya ng nanay mong marumi!" singhal niya. Dilat na dilat ang mga mata sa galit, lalo tuloy pumapangit.
"Tapos ka na bang tumahol? Uuwi na kasi ako, e," simpleng sagot ko.
I can tolerate everything that they're doing to me. I have long accepted my fate here in school... and maybe, even in life.
No one will take me seriously because they crucify my mother. Even though I am not my mother, their hatred will always be directed towards me. And I can't do anything about it.
The people in society crucify and shame sexworkers as they always think that they are homewreckers.
Pero... kailan ba maiisip ng mga tao na ang mga lalaki ang nangangaliwa sa pamilya nila. Na nagtatrabaho lang ang mga pokpok na tinatawag nila. Na hindi naman ang mga sexworkers ang nangako sa altar, sa harap ng Diyos, na hindi sila kailanman mangangaliwa.

BINABASA MO ANG
Kissing the Agony (Agony Series #1)
Roman d'amourON-GOING Rhian Amelie Bueron, a girl who's always bombarded by judgments because of her chosen career. No one takes her seriously in society, in life, and even in love. She lived her life with people who thinks ill of her. She thought that maybe, in...