Chapter 5

24 1 10
                                    

The Discipline's office was filled with the Principal's laughter. He laughed as if what I said was something funny to him. The Disciplinarian was on sick leave so she isn't here in her office. I talked to the Principal instead.

Hindi ko inaasahan na ganoon ang reaksyon niya sa nangyari sa akin. Oo at hindi naman talaga maganda ang tungo sa akin ng mga estudyante rito, at pati na rin ng ibang guro, pero hindi ko inaasahan na pati ang mismong Principal ay ganoon din.

Hindi niya hiningi ang statement ni Cyrus. Ayon sa Principal ay hindi naman daw niya kailangan dahil wala naman daw si Cyrus sa cr. Hindi mapapatunayan ni Cyrus na hindi ko ginusto ang nangyari sa akin.

"I don't know, Ms. Bueron. Walang kahit anong masamang record si Sir Gaspar dito sa eskwelahan natin. Kung iisipin na mabuti, mas kapanipaniwala talaga na ginusto mo ang nangyari sa inyo o nagsisinungaling ka lang." Ang Principal ay umiling at tila ba sobrang dismayado sa akin.

"Pero Sir, bakit naman po ako magsusumbong sa inyo rito kung ginusto ko po ang nangyari?!" Hindi makapaniwala kong sambit.

Tinitigan niya akong mabuti bago ngumisi.

"Hindi naman lingid sa kaalaman namin lahat dito ang klase ng pamumuhay mo, Ms. Bueron. Alam namin lahat kung gaano ka naghihirap, at kung anong klaseng trabaho ang ginagawa ng iyong ina. Pwedeng gumagawa ka lang ng kwento para siraan si Sir Gaspar, para rin mahuthutan siya ng pera." He concluded as if he fucking knows everything!

Tangina.

Ni ako, hindi naabot ng utak ko 'yan. Grabeng panghuhusga naman ang ginagawa sa akin dito!

Bulok ang eskwelahan na ito! Hindi kayang proteksyunan ang kanilang mga estudyante! Sobra na rin ang discrimination nila!

Gustong gusto ko nang sigawan sa mukha ang Principal nang biglang nagbukas ang pintuan. Iniluwa noon si Sir Gaspar.

Ang itsura niya ngayon ay malayong malayo sa istura niya kanina. Kung kanina ay halata sa kanya ang pagiging demonyo, ngayon ay mukhang api at hindi kayang gumawa ng masama.

"Sir Gaspar." The principal acknowledged the demon's presence. He nodded at the Principal, too.

"Sir, hindi ko po magagawa iyon—" ani Sir Gaspar na agad ko naman pinutol.

"Sinungaling ka! Ginusto mo akong gahasain!" Sigaw ko, punong-puno ng galit. Recalling how much he violated me earlier made me both angry and lonely.

These men, really. They continue acting so innocent, it's foolish. Sarili na lang din nila ang niloloko nila.

"Alam mo Rhian, magdasal ka. Hindi maganda 'yan na gumagawa ka ng kwento para mapasama ang kapwa mo. Ipagdasal mo 'yan," ani Sir Gaspar.

Nagpupuyos na ako sa galit. Gusto ko na lang isaksak sa kanilang dalawa ang matilos na ballpen na nasa ibabaw ng lamesa ng Principal.

"Tangina niyo! Bahala kayo sa buhay niyo! Mga walang kwenta! Sinungaling at tanga! Mga kupal!" Sigaw ko sa kanilang dalawa bago padabog na lumabas ng silid.

Nakatindig si Cyrus sa haligi ng dingding, nakapamulsa at kunot ang noo, mukhang malalim ang iniisip.

Nang mapansin niyang lumabas na ako ng silid ay agad siyang dumalo sa akin.

"Kumusta? Anong nangyari? Anong sabi ng Principal?" He bombarded me with questions as he held my shoulders.

I didn't answer. I just stared blankly at him, with no expressions at all.

Napapagod akong mag-explain, and I hate doing so. Kung ayaw maniwala ng Principal sa akin, e'di huwag. Tangina niya.

At 'yong demonyo na Gaspar na 'yon, na binabaliktad pa ako, sana mamatay na siya. Sinungaling, manyak, at demonyo. Nakakapang-gigil.

Kissing the Agony (Agony Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon