Note : If you are into slut shaming, then please, don't continue reading this. As an advocate of women empowerment, I wanted to stop slut shaming in this distorted society. Women don't bring other women down. Women lift each other up.
Thank you.- Liah
I don't believe in love... but I believe in him. It is frightening, but he's worth fighting for. I can risk it all.
"Tangina mo! Gago amputa, ang baho naman ng hininga!" reklamo ko habang pinapasadahan ng tissue ang aking kaliwang pisngi.Hindi ako naiintindihan ng sundalong ito pero wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Bahala siyang manghula kung anong mga sinasabi ko. Bahala siyang mabaliw sa kaiisip.
Narito kami ngayon ni Dorothy sa club kung saan laging pumupunta ang mga sundalo na rito lang din naka-based. Dito sila pumupunta para mag-unwined sa trabaho nila, dito sila pumupunta para mag-inom, at dito sila pumupunta para magparaos.
Isa ako sa mga parausan ng mga sundalo na iyon. Ilang sundalo na rin ang sinwerte sa akin, ngunit dahil maganda ako, mapili ako sa pinapatulan ko.
Katulad na lang noong napagmura ko. Gwapo nga at dahil may lahi, pero tangina, aanuhin mo ang kagwapuhan kung hindi mo naman mahalikan dahil amoy bulok ang hininga?
"Rhian! Huwag mo nang pansinin iyan! Tara na!" ani Dorothy at mabilis akong hinila paalis sa club na iyon.
"Teka lang naman. Dahan-dahan ka naman, Dorothy! Matatapilok ako sa sobrang bilis mong maglakad!" reklamo ko sa kaibigan.
Buong buhay ko yata, nagreklamo na lang ako nang nagreklamo. Ang bilis ko kasing mairita. Ang magreklamo sa buhay ay ang coping mechanism ko.
"Ang kupad mo naman kasi! Baka hindi natin maabutan si Ethan!" ani Dorothy.
Napatawa na lang ako at napailing dahil sa sinabi ng kaibigan.
I can't help but wonder, why are some people still getting head over heels for someone who clearly shows no interest in you?
Nagmumukha ka na ngang tanga, nagmumukha ka pang talunan.
Bakit ka mag-aaksaya ng oras sa isang tao na hindi ka naman mahal? Hindi na uso ang pagiging martyr. At hindi rin uso ang pagiging tanga. Dapat ay hindi masyadong kina-career ng mga tao iyon.
"Umaasa ka pa rin na maaakit mo ang isang 'yon, e, ni hindi ka nga yata kilala no'n?"
Tumigil si Dorothy sa paglalakad at tiningnan ako nang masama.
"Bruha ka! Kaibigan ba talaga kita?!" aniya at umirap.
"Oo naman. Kaya nga kita pinaprangka kasi ayaw kitang masaktan."
"Naku! Ewan ko sa'yo, Rhian! Gano'n ba talaga kapag hindi nadidiligan? Sumasama ang ugali?"
"Okay lang na hindi ako nadiligan tonight, girl. Ang mahalaga, humihinga."
Nanatili kami ni Dorothy sa labas ng club sa loob ng halos isang oras. Hindi nakatulong sa sitwasyon ko ang mini skirt at high heels ko, dahil pinapapak na ng mga lamok ang mga binti ko at sobrang sakit na ng mga paa ko.
"Ano, Dorothy? Wala pa ba? Uwing uwi na ako," reklamo ko na naman.
"Ang tagal nga, ih! Hindi mo ba nakitang pumasok? Kanina pa siya dapat nandito."
"Malay ko? Umihi ako 'di ba? Ikaw ang naiwan dito? Hindi mo nakita?"
"May kumausap sa akin kanina, e. Ang gwapo kasi at mukhang bago lang dito. Syempre kinausap ko muna. Hindi ko napansin 'yung mga taong dumadaan."
BINABASA MO ANG
Kissing the Agony (Agony Series #1)
RomansaON-GOING Rhian Amelie Bueron, a girl who's always bombarded by judgments because of her chosen work. No one takes her seriously in society, in life, and even in love. She lived her life with people who think ill of her. She thought that maybe, in th...