Natapos kaming dalawa kumain nang hindi na nag-iimikan. Ayos lang sa akin. Hindi naman kasi talaga ako komportable sa kanya. Hindi naman kami magkaibigan, pala-desisyon lang talaga siya sa parteng iyon.
Sabay kami ni Cyrus na lumabas ng canteen. Dumiretso na ako sa classroom para mag-review dahil may quiz kami sa English. Hindi ko alam kung nakasunod pa rin ba siya sa akin o ano.
Bago ako makarating sa upuan ko, nakasalubong ko si Rachelie na masama ang titig sa akin. Hindi ko na masyado inisip iyon dahil normal lang naman yung titig nila sa akin dahil nga galit sila. Ang hindi ko lang inaasahan ay nang sadya niya akong binunggo sa balikat.
"Aray," bulong ko lang iyon habang hinahagod ang balikat kong dinali niya.
Nilingon ko siya, siya naman ay nakatingin na sa akin habang nakataas ang kilay at nakangisi. Mukhang naghahamon pa.
Dati pa nila ako binubully pero hindi ko ugaling pumatol, lalo na sa mga taong walang kwenta.
Inirapan ko na lang siya at tuluyan nang pumunta sa aking upuan.
"Aba! At nakuha mo pa talagang umirap?!" ani Rachelie at mukhang susugurin ako sa upuan ko nang may humawak sa braso niya.
"Ginagawa mo?" kaswal na tanong ni Cyrus.
"C-Cyrus!" gulantang na wika ni Rachelie. Mukhang hindi niya inaasahan na kakausapin siya ni Cyrus.
"What the fuck are you doing?" ulit na tanong ni Cyrus, nakakunot na ang noo at tila napipigtas na ang pasensya.
"Inirapan kasi ako ng anak ng pokpok na 'yan!" iritadong sambit ni Rachelie, sabay baling sa akin.
Hindi ako umiimik o kumikibo manlang. I was just staring blankly at them. I don't intend to explain myself and I really hate doing so. Bahala si Cyrus sa gusto niyang isipin tungkol sa akin. Kung sa palagay niya na bitch ako dahil inirapan ko si Rachelie, wala na akong pakialam doon.
I crossed my arms and sat properly, still staring blankly at these fools.
"I saw you from the door, you drew first blood. Sinadya mo siyang banggain sa balikat." si Cyrus.
"H-Hindi ko sinasadya 'yon, ah!" sambit ni Rachelie na pangit na nga, sinungaling pa.
"At ano? Sinadya niyang magpapansin sa'yo? Ako nga, hindi niya pinapansin, ikaw pa?" Mukhang iritado na si Cyrus.
Bago pa makapagsalita ulit si Rachelie, pumasok na ng classroom ang guro namin sa English.
"Good afternoon class, please, sit." ani guro namin, kaya walang nagawa ang dalawang nagtatalo sa harap ko kundi ang ma-upo na sa kani-kanilang silya.
Nag-quiz lang kami sa English at ayos naman ang score ko, pasado naman. Hindi naman ako ganoon katalino pero masasabi ko na hindi rin naman ako bobo. Sakto lang.
"As usual, Mr. Marquez got the perfect score." Nakangiting sambit ng teacher namin. Tuwang tuwa sa maasim na si Cyrus.
My classmates clapped their hands for Cyrus. Mukha naman walang pakialam 'yong isa. Siguro ay dahil normal na sa kanya ang mga ganong bagay. Siya yata ang top student ng batch namin.
Umalis na ang teacher namin sa English matapos kolektahin ang mga papel namin sa naganap na quiz. MAPEH ang sunod na subject, may PE. Magtitinikling daw kami ngayon sabi ni Sir last week. Kaya naman nang lumabas si Ma'am, nagsilabasan na rin ang mga kaklase ko para pumunta sa covered court ng school. Doon kasi nagaganap ang mga PE activities namin.
Nagsimula agad ang tinikling. Hindi ako marunong at hirap na hirap ako makasunod.
"Rhian, gusto mo bang bumagsak sa akin?" Mariin ang titig ni Sir sa akin.
Medyo napahiya ako dahil nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi lang naman ako ang nahihirapan makasunod, iyong iba rin naman. Bakit ako lang ang sinusuway?
Napatingin ako sa banda ni Cyrus at nakita kong mariin siyang nakatingin sa teacher namin. Naramdaman siya siguro na may nakatingin sa kanya, kaya napatingin siya sa akin.
Nang magtama ang mga mata namin, lumambot agad ang ekspresyon niya at nag-iwas ng tingin.
Mas lalo kong pinagbuti ang pagsasayaw. Dahil mainit, tagaktak na ang pawis ko. Mukhang maasim na rin ako. Tangina kasing tinikling 'to.
Ang buhok kong mahaba ay hindi ko maitaas dahil wala akong pantali ng buhok. Ang likod at dibdib ko ay basang basa na rin ng pawis. Wala akong inner shirt dahil hindi naman ako naibibili ni Mama ng gano'n. Dumidikit tuloy sa katawan ko ang unipormeng suot ko.
Nagpaypay ako gamit ang kamay. Sobrang banas talaga. Kung bakit pang alas dos ng hapon ang PE namin, hindi ko alam. Nakakainis.
"Okay, okay! One last time, class! After nito, dismiss na kayo," anunsyo ni Sir.
Nagpalakpakan ang mga kaklase kong halatang mga pagod na rin. Nakakapagod dahil mainit ang panahon, at mag-iisang oras na rin kaming sumasayaw.
Itinaas ko ang mahaba kong buhok para naman mahanginan nang kaunti ang batok ko. Pero ilang segundo pa lang nakataas iyon, ibinaba na agad ni Cyrus.
Nag-init agad ang ulo ko. Paano 'to nandito sa harap ko e nandoon lang 'yon kanina sa may bench? At bakit ba siya nakikialam sa akin?! Mainit na nga ang panahon, sasabay pa ang ulo ko gawa ng maasim na pakialamerong 'to.
"Get your hair down, and fucking wear this." He held out a plain white shirt.
I gave him a confused look. He groaned.
"Kitang kita na ang bra mo dahil sa pawisan mong dibdib. The motherfucking teacher has been staring at you while you were dancing. If you don't wear my shirt, he'll keep on gawking at your almost naked body. And I fucking swear to you, Rhian, I'll get expelled from beating the shit out of that piece of shit," he said, almost pleading.
Hindi ko makuha ang sinasabi niya at lito pa rin akong nakatingin sa kanya.
I looked at our teacher, and he's right. The teacher is looking at me right now. His eyes were fixated on my chest.
Agad kong nakuha ang ibig sabihin ni Cyrus. Mabilis kong isinuot ang t-shirt na bigay niya sa akin.
He exhaled like he wasn't able to breathe properly for a while.
"Wipe your sweat." He handed me a white towel. Inamoy ko iyon. Mabango naman at mukhang hindi pa nagagamit, gaya ng t-shirt niya.
"That's unused, and FYI, Rhian, mabango ako. I don't smell. Ikaw itong maasim," he said as he turned his back on me.
Ang kapal ng mukha! Maasim? Ako?!
Well... medyo totoo naman.
"Cyrus!" I called.
He stopped walking, but he didn't turn to face me.
"T-Thank you," I uttered.
He only nodded and continued walking.
BINABASA MO ANG
Kissing the Agony (Agony Series #1)
RomanceON-GOING Rhian Amelie Bueron, a girl who's always bombarded by judgments because of her chosen work. No one takes her seriously in society, in life, and even in love. She lived her life with people who think ill of her. She thought that maybe, in th...