ORDINARYO. Ayun lang ang salitang kaya kong sagutin kung ipapaliwanag saakin ang unang araw ng Mayo. Mainit, maingay at mahirap makipagsabayan sa buhay lalo na tanging sampung libo nalang ang natitira saking ATM.Ang hirap pagsabayin ng mga bayarin kasama na ang matrikula ng kapatid kong si Angelo na forth year na ngayong taon sa kursong Architecture. Halos mangatog na ang tuhod ko sa kaka-antay ng bus papuntang Quezon City para pumasok sa Reichs Call Center.
Sa halos tatlong taon kong pananatili sa trabaho ay baka sakaling ma promote ako ng may-ari na si Reichs. Merong isang bus na wala halos pasahero, bagong labas siguro. Niyakap ko ang bag ko sa aking dibdib at sumunod sa agos ng mga tao na nagmamadali ring pumasok sa kani-kanilang trabaho.
Sa dalawangput lima kong paghinga sa mundo ay ngayon lang ulit nakadungaw sa bintana ng bus sa oras ng rush hour.
Mahirap makipagsabayan sa mundo lalo na nag-iisa lang ako sa buhay. Mahirap maging panganay yung tipong isang kembot lang ay may hinihingi agad sayo.
Mabuti na rin at natapos ko ang Office Administration kong kurso noon. Nakahanap ng maganda trabaho at mga kaibigan. Nauna na raw si Khael sa akin dahil hinatid ng kaniyang nubyo.
Napapabuntong-hininga nalang ako sa lahat-lahat at kung hindi sana naputol ang komunikasiyon namin ni Archel sa Facebook, malamang katuwang ko na rin siya dito sa kamaynilaan. Wala rin kasing magandang trabaho sa probinsiya namin sa Guimaras na kayang sumuporta sa mga bayarin nila mama at papa.
Matagal na rin kasi nong huling nagkanobya ako. Maganda lang naman pala lahat sa umupisa, pero mas nakakalito habang tumatagal ang relasiyong namin ni Briana. Hindi rin pala ganon katatag ang sarili ko na mag-commit sa isang tao kung alam ko sa sarili ko na patuloy parin ako sa pagtatago sa anino ng nakaraan namin ni Archel.
Sa pagbaba ng bus ay dumiretisyo ako papunta sa opisina at bumungad ang matamis na ngiti ni Stacy saakin. Siya ang una kong naging kaibigan pagkatapos akong matanggap sa trabaho noon.
“Bakit ba kasi hindi ka nalang bumili ng sarili mong motor?” medyo may sarkasmo sa kaniyang boses habang naghihintay na mapuno ang kaniyang personal na baso ng tubig mainit mula sa dispenser.
Matawa akong tumingin sa kaniya sa paglapag ng time slip.
“Ayaw ko mapa-aga ang pag-akyat ko sa langit,” pabiro kong sagot sa kaniya at natawa rin ito ng bahagya. Mas matanda sakin ng dalawang taon si Stacy, engage na rin sa kaniyang hapon na nubyo.Matalino at graduate ng Psychology kaya nasa managerial position kaagad. Samantalang ako… hindi ko alam kung saan ako tatangayin ng agos. Walang klaro na direksiyon.
“Guwapo ka naman at kayang makabingwit ng foreigner nating mga kliyente—“
“Palagi mo nalang akong binibiro ng ganiyan. Pupunta na ako sa station ko,” pagputol ko sa kaniyang sinasabi. Subalit, sa likod ng aking utak ay natatanong ko rin yun sa sarili ko.
Kailan ba?
Kailan ba muling bubukas ang puso ko sa ibang taon kung patuloy kong hinahanap si Archel? Sa pag-upo ko sa aking office table ay diretsiyo nang sinagot ang tawag ng isang kliyente na gustong kumuha ng glass door mula sa aming kompaniya.
Glass door at automotive parts ang nakatoka sa team namin ngayong buwan. Busy na rin ang lahat sa kaniya-kaniyang business para maka-abot rin sa quota pangdagdag sweldo.
Ganun parin… ordinaryo ang araw kagaya rin kahapon. Nawawala ang passion sa trabaho, yung tipong sumasagot nalang ako sa tawag para may sweldo at makabenta. Siguro dahil lang sa pagod, pero hindi eh… alas nuwebe palang ng umaga. I feel drain at walang gana sa lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Archel's Shadow [PIP BL COLLABORATION]
Romance"Kung maaring balikan ang panahon.... Ikaw parin 'pag nagkataon." Matagal nang nilihim ni Brendon Velasquez Cabrera ang kaniyang nararamdam para sa kaniyang childhood best friend na si Archel Palma. Kahit nawala man ang kanilang komunikasiyon sa loo...