MATAGAL KO NA RING balak ang bumili ng motor para sakin. Mabuti at nandito si Archel, laking pasalamat ko sa kaniya dahil siya ang mas eksperto sa pagpili nito. Sinabi niya sakin na itong Honda ang maganda para mas tumagal at madali makabili ng parts.
Nakalimutan ko na thirty-six months pala ang nakalagay mali ang pagkabasa ko nung napapunta ako rito. O siguro baka nagbago lang dahil mabilis ang rotation ng pagbebenta ng motor.
Madami na rin kasi ang gusto na mag-motor dahil mas tipid sa pamasahe. Sumang-ayon na rin ako kay Archel at pumirma na ako sa kontrata ng bayarin. Nung matapos yun ay meron pa raw na iproproses na mga documents sa plate number at ORCR. Binigyan din kami ng temporary na plate number para ma break in ang motor.
Pag-uwi sa bahay ay halos ayaw bitawan ni Archel ang manubela sa sobrang pagkamangha dahil gustong-gusto niya ito at first glance. Masaya ako kung makita ang mga matatamis niyang ngiti.
"Punta tayo sa Venice dun sa Taguig?"
"Sige ba," medyo excited kong sagot sa kaniya dahil iyon ang first date namin ni Archel kung magkataon. Kung bibilangin niya yun, pero para saakin... oo.
"Kailangan kasing i-break in ito at mas maganda sa Taguig dahil malayo, gusto mo ba bukas?"
Napatikom ang bibig ko sa kaniyang tanong. Parehas ang out namin bukas at sabado walang pasok yun saktuhan talaga. Tinulungan ko siyang ilagay ang motor sa loob ng bahay para hindi manakaw sa labas at natawa kaming dalawa dahil mabigat iyon kailangan na lagyan ng platform para mas mabilis maangat.
"Aalagaan ko yung junior natin," sabi niya.
"Ako na mag p-process ng mga ibang kailangang documents kasi magpapatulog ako kay Madam para mas mabilis may kilala kasi siya sa LTO."
"Edi mabuti para makakagala tayo hindi na mag c-commute..."
Kitang-kita ko sa mukha ni Archel ang sincerity nito sa kaniyang sinasabi saakin. Pagka-umaga ay excited kami dalawang umalis suot-suot ang helmet na biniili rin namin parehas sa mall.
Mas umangas ang tindig ni Archel kung naka motor... mas lalong gumwapo. Umangas ako at biniro, "kapit ka ng mahigpit sakin lilipad tayo."
Sinutok ko siya sa tiyan at sinigawan. "Walang hiya ka, kakabili lang natin nito kagabi!"
Masaya ang araw na ito. Nung pina-andar na niya ay para akong nasa cloud nine dahil una mas mabilis ang takbo namin kesa sa usad ng traffic. Sumisingit lang sa maliit na espasiyo sa gitna ng mga bus at ibang apat na gulong mga sasakyan.
Hindi ako kumapit sa kaniyang bewang kundi sa kaniyang balikat hanggang maka-abot kami ng opisina. Pagbaba ko ay tinanggal niya ang kaniyang helmet at ganun din ako.
"Dadalhin mo ba ito?"
Kinuha niya agad, nilagay sa kaniyang braso at tumango. "Mauuna na ako. Ingat sa trabaho, sabihan mo ako kung anong oras ka uuwi para ganun na rin out ko."
Nag-isip agad ako ng isasagot sa kaniya. "Mga alas singko mo ako sunduin para makapunta tayo sa Taguig."
Tumingin muna siya sa itaas at nag-isip ng panandalian. "Sakto alas singko rin out ko eh," sagot niya sakin at mas nagalak ako sa kaniya.
"Sige na... ingat ha. Text nalang—"
"Kiss ko asan?" pabiro nitong singgit sa sinasabi ko. Halos umatras ang dila ko sa kaniyang sinabi. Loko talaga itong lalaki na ito, kung pwede lang sana matagal ko na siyang hinalikan sa lips kahit nasa labas ng opisina.
Ganun ko ka mahal si Archel... pero wala kaming label dalawa.
"Ulol. Mauna kana nga!" Sinuot na niya ang helmet at kumaway sakin at hinintay kong mawala ang motor saaking paningin. Pagka time-in ay dumiretsiyo sa admin office at may mga bago raw na salta sa opisina.
BINABASA MO ANG
Archel's Shadow [PIP BL COLLABORATION]
Romance"Kung maaring balikan ang panahon.... Ikaw parin 'pag nagkataon." Matagal nang nilihim ni Brendon Velasquez Cabrera ang kaniyang nararamdam para sa kaniyang childhood best friend na si Archel Palma. Kahit nawala man ang kanilang komunikasiyon sa loo...