HINDI KO NA inopen up yun kahit kanino sa mga kaibigan ko mas lalo na rin kay Archel. Lasing siya nung mga oras na 'yon... pero ang halik namin ay hindi ko maiwaglit sa isipan ko lalo na kung katabi ko siyang matulog.
Wednesday yun ng hapon at sinundo niya ako sa opisina. Nagyayaya si Jack ng dinner sa labas kasi sinagot na raw siya ng nililigawan niyang babae. Grabe ang pagka-proud ko sa kaniya dahil gustong-gusto niya kasi yung pinapakita palagi sa picture. Taga Mandaluyong na babae, maganda, maputi pero nag-aaral pa ng kolehiyo.
Saktong dumating si Archel nun at nasa labas kaming lahat. Paghinto ng motor namin ay napako sila sa kanilang kinatatayuan nung kinuha niya ang kaniyang helmet.
"A-Ayan ba si Archel?" nauutal na tanong ni Madam Stacy saakin at pati si Vivian ay hindi makapagsalita.
"Brendon, halikana. Medyo pagod ngayon," reklamo niya saakin at inabot ang helmet. Kaso biglang lumapit sa kaniya si Jack at inakbayan ito.
"Pre, sama ka saamin libre ko ang dinner," tumingin si Archel sa kaniya at pagkatapos saakin naman. May confusion pero tumango nalang ako sa kaniya. Signal na pumayag na para makilala rin ng mga kaibigan ko.
Sabi ni Jack sa Pizza night raw doon sa Shakey's sa SM North. Nauna kaming dalawa ni Archel habang nag kaniya-kaniya silang lahat. Hindi pa naman masyadong bumibigat ang traffic kaya hindi na kami nag-antay ng matagal.
Pumasok kaming lahat at kumagat na rin ang dilim. Ang daming inorder ni Jack para saamin. Dalawang family size na pizza at ibang mga side dish. Masayang-masaya kami para sa kaniya at halos isang oras lang din ang lumipas... dumating ang nubya niya.
Abot langit ang ngiti at namumula ang mukha sa mga asar namin. "Ayie! Congratulations sa inyong dalawa!" Si Vivian.
Tumingin ako kay Archel na tahimik lang na kumakain ng pizza sa kaniyang pinggan.
"Dalawa ang nadagdag saatin ngayon ah!" Si Madam Stacy at pinakilala ang nubya ni Jack na si Donnalyn. Tumingin din siya kay Archel at pumalakpak na parang baliw.
"Ito! Ito rin pala si Archel, Donnalyn. Best friend ni Brendon."
Naglamano siya saamin at matamis ang mga ngiti. Bagay na bagay silang dalawa at mabilis din naka-adjust si Archel kaso medyo naiilang kay Vivian dahil malagkit kung tumingin.
"Naku... kung papipiliin ako kay Archel or Brendon," tumigil siya muna at nagpatuloy, "mas pipiliin kong silang nalang dalawa. Hindi ako makapili eh—"
Pinigilan ko kaagad si Khael na nanlilisik ang mga mata kay Vivian. Dati kutsara lang ang pinupukpok sa ulo ngayon tray pizza stand na.
"Ang guwapo nga nilang dalawa eh. Pero mas matikas tingnan si Brendon kesa kay Archel. May girlfriend kana ba?" Tumingin siya kay Archel at umangal ito.
"Wala eh." Mas lumakas ang loob ko na sabihin ang nararamdaman para sa kaniya dahil siya na mismo ang nagsabi.
"Naku napaka guwapo talaga ni Archel," si Vivian na mapang-asar. Binagbigyan kami ni Jack ngayong gabi at masaya kami lahat na umuwi.
Simula nun nakilala na nila ang matagal ko ng crush. Boto naman sila saakin kung mang-asar sa opisina.
Mabuti at okay na rin ang mga documents namin. Lisensiya ko nalang ang hinihintay na marelease.
Day-off ko pagka umaga at sabi ni Archel kahit day-off rin niya kailangan siya ng half-day. Umuwi siya ng ala-una ng hapon. Pawis na pawis sa init ng tirik na araw. Hinubad ang damit na kung pipigain mo ay makakapuno ng isang baso.
Pinunasan ko ang likod niya at umaray sa may ilalim ng abaga.
"Pwede papisil jan?" Ginawa ko naman at sumisitsit sa sakit.
BINABASA MO ANG
Archel's Shadow [PIP BL COLLABORATION]
Roman d'amour"Kung maaring balikan ang panahon.... Ikaw parin 'pag nagkataon." Matagal nang nilihim ni Brendon Velasquez Cabrera ang kaniyang nararamdam para sa kaniyang childhood best friend na si Archel Palma. Kahit nawala man ang kanilang komunikasiyon sa loo...