Chapter 3

115 12 2
                                    

AFTER LUNCH sumama ako sa logistic team namin. Tuwang-tuwa naman ang dalawang kasabayan ko dahil isang location lang ang pagdadalhan nito.

"Bakit mo naman napag-isipang sumama, sir?" tanong ni manong driver saakin sa maliit nabinta. I give a soft chuckle at him because I know in myself the essential reason. If hindi yun si Archel, edi makakatulog padin ako ng mahimbing dahil nakita ko personally na hindi siya.

Pero... paano kung si Archel nga ang makikita ko pagkatapos ng mahabang byahe?

"May kailangan lang akong I-confirm sa buyer," mahinahon kong sagot sa kaniya.

"Ahh... may kaibigan ka pala sa Sampaloc."

Wala akong maisagot sa kaniya at sumag-ayon nalang ako sa kaniya. Nagpapahinga ang dalawa kong kasama sa likod ng van dahil mahaba-haba pa talaga ang byahe. Sa kabutihang palad ay medyo maganda ang takbo namin dahil hindi rush hour.

Kaunting tiis nalang talaga at malapit na kami sa location. Nung pinark ni manong driver ang sasakyan sa gilid ng Alfredo shop ay bumilis ang pagtibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan.

Bumaba ang dalawa kong kasama at sumunod ako sa kanila. Nagtanong kami sa isang may edad na lalaki kung nandito si Archel na nag-order saamin ng glass door. Halos kabusin ang ng hininga sa anxiety. Nasobrahana yata ako ng kape ngayong araw para lang magising.

Pumasok ang matandang lalaki sa shop at may tinawag. I can feel my knees wobble when someone goes out. Medyo pamilyar ang kaniyang tindig at natulala nalang ako ng makita si Archel!

Bakas sa mukha niya ang pagka mangha nang makita ako na nakatayo sa gilid ng side mirror. Nagkasalubong pa ang kaniyang kilay bago ito lumapit saakin. Kakaibang lamig ang nararamdaman ko saaking mga daliri pati na rin ang tyan kong bumabaliktad.

Kung panaginip ito ay ayaw ko ng magising kung si Archel ang kasama. Pero mali, hindi ito panaginip dahil tinapik niya ako sa balikat at lumabas ang kaniyang magagadang ngipin sa isang matamis na ngiti.

"Ikaw na ba iyan, Brendon?" I can feel the excitement in his voice. Natigilan ako ng ilang segundo bago mapangiti sa kaniyang tanong.

"A-Archel?" Kahit sobrang halata na siya ito ay nagtanong parin ako.

"Oo, ako nga! Ang tagal nating hindi nagkita, kamusta kana?!" Inakbayan niya ako at tinapat sa matandang tinanungan namin kanina. Bakas sa kaniyang pagtawa ang kaligayahan nung nakita niya ako.

"Tito, ito pala yung sinasabi ko sa inyong kaibigan ko sa Guimaras."

"Brendon, sir tito Alfred nga pala. Siya ang may-ari ng shop na ito," dagdag pa niya at naglamano ako sa kay Tito Alfred dahil na rin sa saya. Kaka-iba ang pakiramdam kung malapit si Archel.

Pagkatapos kasi ng high school ay lumuwas ako sa Manila. Doon sa Pasay kina lola, third year ako nun at masaya kaming tatlo kasama ang Tita ko. Pero sa kasamaang palad pag-uwi ko galing sa university ay sinabing na diagnose si lola sa sakit na cancer.

Cancer yun sa ovary, may tumubo raw na isa pang obaryo at cancerous. Huli na rin ang lahat dahil ayaw niyang magpagamot. Kinain ng bukol ang kaniyang katawan hanggang binawian siya ng buhay.

Hindi ko iyon pina-alam kina Archel, pero alam kong nalaman din nila dahil sa balita saamin. Pagkatapos nun... bumukod na pagkatapos makahanap ng trabaho. Doon sa Novaliches napadpad.

"Kamusta ka, Brendon? Abay, kinukwento ka saakin nitong si Archel dahil may kaibigan daw siya sa Manila... kaso hindi niya alam kung saan hahanapin," nakakatawa ang sinabi ni Tito Alfred saakin.

"Oo, hinahanap kita eh at sinabi ni Tita sa Novaliches ka raw pero hindi ko alam saan ron. Alam mo naman sa probinsiya lang ako, pero namamasda rin ng taxi ni Tito para may extrang kita."

Archel's Shadow [PIP BL COLLABORATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon