SALAMAT AT DITO KA PARIN! Sana nagustuhan mo ang kwento ni Brendon at Archel. Open na po for reservation ang libro na ito for traditional publication. Please kung interesado ka ay mag-message rito saakin para sa details.
GOD BLESS SA INYONG LAHAT!
------
NAKA-UWI NGA NUN SI Archel at lutang ako na nag t-trabaho. "Madam... pwede ba akong tumuloy sa bahay mo kahit ilang araw lang?" naluluha kong pagpapa-alam sa kaniya.
Lumapit siya sa saakin at niyakap ako ng maghipit. Naiyak sa kaniyang bisig at pumayag. Lahat ng mga kasamahan ko sa trabaho ay dinamayan ako. Kaso sa oras na magkakahiwalay kami... kumakatok ang depression sa dibdib ko.
Isang linggo akong tumuloy kina Madam kasama ang nubyo niya. Nanlumo si Sir Takero sa kwento ko.
"What's your plan, Brendon?"
"I-I don't know yet, sir," nauutal kong saad dahil ayun ang totoo. Pinapakain ako ni Madam tabi rin kaming matulog dahil kung madaling araw ay umiiyak parin ako.
Isang araw ay napagdesisyunan kong umuwi na saamin. Nasa gate si Ate Vienna, nakita ako at nilapitan. "Ayos ka lang ba, Brendon?" may pangamba sa kaniyang tono. Ngumiti ako ng hilaw kahit hindi naman talaga.
"Grabe ang kaibigan mo na'yon. Pero ang ganda ng desisyon mo na pauwiin siya sa tinakasang responsibilidad," wika ni Ate Vienna na kinalakas ng loob ko. Lahat sila sang-ayon sa desisyon ko pero ayon ang pinakamasakit kong ginawa sa buong buhay ko.
"Dito kana kumain sa bahay. Pwede mo akong kausapin habang naghihilom pa ang mga sugat." Tumango ako sa kaniya at binuksan ang bahay. Madilim ito... katulad ng pananaw ko sa buhay.
Kinaka-usap ko naman si Mama pero iniiwasan kong i-open ang saamin ni Archel. Kahit hindi ko inuutusan ang katawan ko na umiyak at kusang pumatak—naalala ko ang mga memoryang nabuo namin sa loob ng bahay na ito. Binuksan ang ilaw at tinanaw ang isang liham sa lamesa.
Mabigat ang bawat hakbang pero kinaya ko. Papel lang ito, subalit kasing bigat ng isang hollowblock paghawak. Binuksan at binasa.
Dear Brendon,
Kamusta na? Alam kong isang linggo mo ito bago mababasa. Gusto kong kamustahin ang pakiramdam mo. Pasensiya na at natutuluan ang papel sa ibaba. Hindi ko rin mapigilan eh. Nilinis ko na rin ang bahay para pag dating mo ay wala ka ng aatubiling.
Hindi ko inoff ang ref dahil baka mabulok ang mga gulay. Iniwan ko nalang ang teddy bear na napalunan mo sa pinakamasayang gabi nating dalawa. Hindi na ako nag-iwan ng bakas sa bahay para hindi na rin ako kumatok sa puso mo.
Sobrang hapdi pala ng ganitong pakiramdam, Brendon. Para akong masisiraan ng bait. Putulin mo nalang lahat ng komunikasiyon natin, wala akong kwentang kaibigan.
Makakahanap ka rin ng katulad mo. You deserve someone better than me.
Love,
Archel Palma.
Pagkatapos kong basahin ang liham na'yon ni Archel ay pumunta ako sa junior namin. Himas-himas ang motor at dinadadama ang kaniyan presensiya. Ang mga kapit sa bewang at ang unang gabi na basa kaming umuwi. Kung hawak ko ang manubela... parang nandito parin siya.
LUMIPAS PA ang maraming buwan at bagong taon na pero hindi parin nawawala ang sakit. Hanggang kalian ako ganito? Napagtanto ko rin sa sarili ko paano kung hindi si Khael umabsent nang araw na iyon?
Paano kung hindi na ako sumunod sa logistic namin para ihatid ang laminated glass door? Paano kung hindi na ni Tito Alfred tinawag pa si Archel sa loob ng shop para i-confirm?
BINABASA MO ANG
Archel's Shadow [PIP BL COLLABORATION]
Romance"Kung maaring balikan ang panahon.... Ikaw parin 'pag nagkataon." Matagal nang nilihim ni Brendon Velasquez Cabrera ang kaniyang nararamdam para sa kaniyang childhood best friend na si Archel Palma. Kahit nawala man ang kanilang komunikasiyon sa loo...