I CAN'T BELIEVE na ang nag d-drive ng taxi ay si Archel. Naduduwal ako sa sobrang bilis at sa umpog ng gulong sa humps kung dadaan kami sa short cut. Medyo malubak ang ibang daan at kahit anong pigil ko ay naduduwal ako. Agad naman niyang hininto ang sasakyan at dali-dali akong lumabas.
Napakapit ako sa poste at sumuka sa gilid ng puno malapit sa may kanal. Para akong mamamatay sa sobrang sakit ng tyan ko at lumabas ang dalawa sa sasakyan.
Hinimas-himas ni Khael yung likod ko habang sumusuka ulit. Nakakahiya talaga! Napasandal ako sa pader at inabutan ni Archel ng isang water bottle na hindi malamig.
Agad kong hinablot sa kamay niya at nagmumunog sa sobrang pait at naghahalong acid.
"S-Salamat..." nauutal kong sabi sa kanilang dalawa at dinapak ni Khael ang pwet ko.
"MAHINA KA PALA EH!" natawa rin si Archel dahilan kung bakit ako napangisi sa sarili kong katangahan.
Habang nag-aantay na makarating sa bahay ay binasag ni Archel ang katahimikan sa loob ng taxi.
"Bakit ba kasi kayo nag-inuman? Saktong merong isang babae na nagpahatid sakin malapit sa Epic. Paano ka nalang niyang uuwi, Brendon? Alangang matutulog ka sa kalsada," natatawa nitong tanong sakin at si Khael naman ay pinulutpot ang kaniyang kamay sa aking katawan.
Hindi ko talaga kaya ang maalog na byahe lalo na kung lasing ako. Mabuti nandito itong mokong na ito at alam kung paano ako hindi masusuka sa byahe. Ilang beses na rin kasi kaming magkasama sa bar kung magkayayaan.
Pasalamat nalang talaga ako sa kaniya. Subalit, para akong nasa langit kung marinig ang boses ni Archel. Hindi naman ako desperado na umamin kung lasing, may sense of privacy pa naman ako.
"Edi doon nalang sa may gilid ng bouncer matutulog," pabiro kong sagot sa kaniya at natawa lang si Archel sakin.
"Hindi ka naman umiinom dati ah? Anong nangyare... naging city boy kana rin?" Nawala sa panandaliang segundo ang kalasingan ko sa kaniyang tanong. Biglang bumalik ang nakaraan namin na after nun ng cheer dance practice ay game na game si Archel na uminom ng alak.
Gin at grape juice yun, tandang-tanda ko pa dahil ayun ang una kong tikim ng alcohol. Wala sana ako ron kaso hinatak niya ako at wala na rin akong magagawa dahil nahuli na ako ng iba naming classmates na lalaki.
Doon ko naramdaman na special ako para kay Archel. Kung saan man siya, palagi niya akong dala sa kagaguhan man o ka inuman. Pabebe ako nun pero napasubo rin.
Suka rin ako nang suka nun katulad nang nangyare kanina. Inabutan din niya ako ng isang water bottle nun na kasama sa meryenda namin. Sinave raw niya para sa kaniya pero parang mas kailangan ko raw.
Napaka sweet na klase ng kaibigan. Medyo playboy lang talaga itong si Archel, kaya nun pag-uwi kong lasing. Pag gising ko kaumagahan pinalo ako ni Papa.
Hindi ko rin alam kung pinalo si Archel, pero grabe yung paghingi niya sakin ng pasensiya. Sumama rin loob ko sa kaniya nun kaya hindi na ako sumasama sa kaniya pag-inuman.
Napansin kong halos isang minuto ko rin pala yung binalikan at hindi ko nasagot ang kaniyang tanong. Kahit hirap na hirap ng magsalita ay pinilit ko parin dahil minsan ko lang siya makasama.
"H-Hindi ko rin alam eh," ayun ang pinaka-unsure kong sagot sa buong buhay ko. Bakit nga ba? Minsan natanong ko rin yan sa sarili ko.
"Sabihan mo ako sa sunod para may maghatid sayo pauwi," seryosong saad ni Archel kina-wild ng mga paru-paru sa aking kalamnan. Pinilit ko na hindi kiligin sa kaniyang suggestion, pero gustong-gusto ko siya ulit na makasama.
May pagtataka na sa mga mata ni Khael habang nakatingin sakin. Nahahalata niyang medyo close kami ni Archel kahit wala ako sa kanilang kinukwentong Archel Palma.
Malapit na rin kami at nagsalita si Khael, "ikaw muna ang unang ihahatid." Napatingin ako sa kaniya na madaming tanong. "Ikaw na malapit bahay mo kesa sakin," anas ko naman sa kaniya at tumingin si Archel sa rear mirror ng sasakyan.
"Wag ka mag-alala pre, kaibigan ako ni Brendon. Archel nga pala, pasensiya hindi agad ako nagpakilala sayo."
Sa huli, sumang-ayon din si Khael at tinapik ako sa balikat habang kumaway bago sinarado ang pintuan. Tinuro ko ang daan papunta sa bahay at ilang minuto lang nasa gate na ang sasakyan.
Bumaba si Archel at inalalayan ako. "Dito pala ang bahay mo. Ngayon alam ko na," mahina nitong bulong kasabay ng nahihirapang pag-alalay sakin. Medyo malaki talaga katawan ko dahil nag g-gym dati nung kami pa ni Briana.
Gusto niya raw kasi malaki ang katawan kaya pinagbigyan ko. "Asan ang susi?"
"Nasa bulsa ko, nilagay na ni Khael para hindi na mahirapan."
Hindi ko maabot dahil nasa kabilang banda at ang kamay ko ay nasa balikan ni Archel. Kusa na niyang kinapa sa malamlam na ilaw ng poste. Napahagikhik nalang ako sa kaniyang ginagawa.
"Baka iba na makapa mo niyan," maduming biro ko sa kaniya at natawa rin ito hanggang nakuha ang susi sa loob ng malalim kong bulsa.
"Akala mo naman hindi ko nakita 'yan dati? Manigas ka jan." Inalalayan niya ako sa sofa at nagpa-alam na iihi lang saglit. Umiikot ang paningin ko habang nakasandal sa sofa hanggang bumalik si Archel na merong isang bimpo at maligamgam na tubig sa planganita.
Nilagay niya yun sa bibig ko at huminga ng malalim para mas mabilis mag-evaporate ang alcohol sa katawan. Medyo bumiti ang pakiramdam ko sa kaniyang ginagawa at ngumiti ito sakin.
"Akin na nga number mo, parang hindi tayo magkaibigan..." dinikta ko nalang sa kaniya at nakuha naman niya kaagad.
"Aalis na ako ah, matulog kana—"
Maglalakad na sana ito sa pintuan nang habtlutin ko ang kaniyang kamay.
"Yung bayad ko..." He tsked in my foolishness. "Sige na sakin na yun—"
Nilagay ko ang isang libo sa kaniyang kamay at tumingin siya sakin.
"Sobra ito, sandali lang titingnan ko ang meter mo. Matigas ka talaga kahit kalian." Lumabas si Archel at hinintay ko siyang bumalik. May panukli na ito at nasa six hundred rin pala ang bill namin.
"Salamat, Brendon."
Tumango lang ako sa kaniya at tuluyan na siyang umalis bago nilock ang gate. Narinig ko na rin ang papalayong ugong ng kaniyang taxi at sa oras na katahimikan ulit ang naririnig ko... pinikit ko nalang mga mata ko sa sobrang antok.
BINABASA MO ANG
Archel's Shadow [PIP BL COLLABORATION]
Romansa"Kung maaring balikan ang panahon.... Ikaw parin 'pag nagkataon." Matagal nang nilihim ni Brendon Velasquez Cabrera ang kaniyang nararamdam para sa kaniyang childhood best friend na si Archel Palma. Kahit nawala man ang kanilang komunikasiyon sa loo...