" Bamtan!"
Sigaw ng mga tao sa amin. Nasa backstage palang kami pero dinig ko na ang sigaw ng mga tao sa labas. Awards night ngayon, kaya naman naka ayos kaming lahat. Hindi pa naman natatawag ang pangalan namin, kaya hindi pa kami lumalabas. Nakahanda na din ang mga earpiece namin, kung makakakuha kami ng awards ngayon, kailangan naming magperform, kaya naka ready kami.
" Boo! Brian!" Hindi ako lumingon sa kung sino man ang nagsabi niyon, wala akong pakialam, pumunta ako dito para sa award, hindi para sa basher.
Naupo kami, sa likod ako banda para hindi ako madaling mahahagip ng camera, iniharap naman namin sina Alex, Timothy, at Theodore, makukulit kasi sila sa camera, kaya nakakatawa silang tignan.
" Brian! Out!" Sigaw ulit ng babae sa likod, ganon na ganon ang boses simula palang kanina nang makapasok ako, hindi ko pa din pinansin.
Nagsimula na ang awarding, tahimik kaming nanunuod, ngumingiti ako kapag nakakakita ako ng mga Army's na may hawak na Army bomb at inaabangan kaming makakuha ng award. Kahit na awarding nandito sila sa amin.
" Bamtan! Bamtan! Bamtan!" Sambit ng mga nanunuod habang nagpapaliwanag ang mga MC sa harapan, tumatawa naman ang iba kong kasama kapag sumisigaw sila.
Agad kong kinuha ang pagkakataon na iyon para hanapin ang kung sinong sumisigaw sa pangalan ko kanina pa. Agad kong namataan ang babaeng may hawak ng mukha ni Cody, tinitigan ko siya ng mabuti.
Siya ba iyong Andrasteia?
" Brian! Focus." Bago ko binalik ang tingin sa harapan ay ngumiti siya sa akin.
Nang humarap ako ay saka ako nanunod sa mga nagpeperform na. Ang mga bagong grupo na kakabuo lang ay nauunang mag perform, bago sila makakuha ng award, ganoon kasi ang takbo, kapag naman hindi na bago ang grupo, kukuha muna kami ng award, bago kami magpeperform isa isa. Bakit ako nginitian noong babae, si Andrasteia?
Baka nakilala niya ako? At saka bakit niya sinisigaw ang pangalan ko?
" Wow, that performance is so lit, all of the members are so cute." Tumatawang puri ng MC sa mga grupo na kakatapos lang magperform.
Nakakatuwang makita na may nabubuong ibang grupo. Dahil isa lang ang ibig sabihin niyon, natupad na nila ang pangarap nila. Kahit ako noon noong bago palang sa industriya na pinasukan ko, hirap na hirap ako, dahil pinagsasabay ko ang pag aaral at ang trabaho ko na ito. Ilang oras nang matapos ang performance ng bagong mga grupo, nagsabi na sila ng mga nanalo ng awards.
Pumapalakpak naman ako habang pinanonood sila.
" Thank you for this award. We are not expecting this, this is our first win!" Agad akong nagulat nang mapakita ako sa projector, agad kong hinanap ang camera na iyon, at saka ako nag thumbs up, para maipakita kong nag eenjoyam ako sa pinanonood ko.
Tumili naman lahat ng Army's nang maipakita ako, kaya naman tinakpan ko na ang mukha ko dahil nahihiya na ako.
" Thank you so much, we can now sleep peacefully." Tumawa kami sa sinabi nila.
Uminom ako ng tubig, at saka ko tinignan kung nasaan na si Andrasteia, busy na siya manuod sa harapan, kaya hindi niya napansin ang titig ko. Siya lang ang basher ko na hindi ko nakakalimutan ang pangalan, pangatlong pagkikita na namin ito.
" Now, let's move on with the senior groups." Nag ayos na ako ng aking sarili, baka kasi tawagin kami kaagad. Uminom din ng tubig ang mga kasamahan ko, dahil siguro ay kinakabahan sila.
Sana makauwi kami kahit isa.
" Best group award goes to~" Pambibitin ng mga MC. Agad namang inilawan ng mga Army's ang kanilang lightstick, at saka nila isinisigaw ang pangalan ng grupo namin.
" Yes, Bamtan!" Tumayo kaming pito, pumalakpak kami at saka bumati sa ibang grupo na nadadaanan namin. Sabay sabay kaming naglakad na pito sa harapan.
" Thank you so much for this Army's. We are so happy tonight, you made us happy tonight."
Bumalik kami sa upuan namin.
" Best song of the year goes to Bamtan!" Mas lalong naghiyawan ang mga tao sa sinabi ng MC, tumayo nanaman kaming pito at saka kami pumunta sa harapan. Si Alex naman ngayon ang nagsalita.
" Thank you again, Army's! We can eat plenty tonight!"
Nakalagpas ng ilang groups, tinawag nanaman ang aming pangalan.
" Best pop group of the year goes to Bamtan!"
Nakailang awards at balik kami sa stage. Hanggang sa band groups naman na ang tinawag, ito yung mga grupo na banda sila. Kung minsan ay may dalawa silang singer o iisa ganoon. Ilan lang naman sila kaya iyong ibang grupo ay nakakadalawang awards, ang saya nilang tignan, kaya nakakatuwa. Lalo na kapag makikita ang reaksiyon nila sa projector, sobrang saya nila.
They deserve it.
Sumunod naman sila sa duo groups. May iilan lang na grupong lalaki, panay babae ang marami. Nakakuha din sila ng award, may iba naman na wala, ganiyan naman minsan, minsan nananalo ka, minsan talo ka, kailangan mo lang talagang masanay na hindi ikaw palagi ang nangunguna. Kumbaga, hindi ikaw lagi ang bida.
" Grabe, kanina pa ako inaantok, sana kapag nakakuha ka na ng award, Brian, umuwi na tayo." Tumawa ako sa sinabi ni Nathan.
" Makakakuha ako."
Ilang minuto ay nagkaroon ng breaktime ang mga MC, hindi din naman madali ang ginagawa nila, kaya naman pinagpapahinga din sila, napapanood kami sa TV, kaya may commercial break din.
" Nandiyan yung Andrasteia ano?" Lumingon si Cody kay Andrasteia, kumaway naman siya. Umiwas ako ng tingin sa ginagawa nila.
Si Cody pala ang gusto, pero pangalan ko ang sinisigaw.
" Wow, after that wonderful commercial break, let's move on with the solo awardees." Kinabahan ako. Hinawakan ni Nathan ang aking hita at saka niya ako niyakap, alam kong nag aalala din siya sa akin.
Sana makakuha ako ng award, kahit na isa lang. Kaya hindi pa kami makaalis dahil nasama nga sa botohan ang kanta kong Filter sa solo, kaya sana may nakalaang isa para sa akin.
" Woo! Brian!" Dinig kong sigaw ni Andrasteia, lumingon ako, ngumiti siya.
Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Tama ba ito?
" And the most streamed and viewed solo song for this year is Brian Aries Mathiela from Bamtan!"
YOU ARE READING
His Darkest Words ( His Darkest Series #2)
FanfictionBashers. Iyan ang pilit na iniiwasan ni Brian Ares Mathiela. Ang main dancer, vocalist, at isa ding makne ng grupong BTS. Pero tila mapait ang tadhana sa kaniya, dahil may isang babaeng manghihila sa kaniya paibaba- A basher. A beautiful basher...