08

35 26 0
                                    

" Ikaw, Brian, papayagan kitang magkita kita kayo ni Andrasteia pero saating dalawa muna."

Pabulong na sambit sa akin ni Kyle nang pababa na kami ng sasakyan galing parin kay Andra. Iyan nalang ang nickname ko para sa kaniya.

" Salamat, Kyle. Pero hindi na ako babalik doon, ngayon lang, o kung hindi pa siya makalabas, ako parin ang bibili ng groceries niya." Nag aalalang sambit ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango sa sinabi ko, agad kaming umarte nang normal nang makababa kami at nakapasok na kami sa loob ng bahay.

Sinundan kami ng tingin ng mga kasamahan namin, hindi naman ako tumingin pabalik, si Kyle ang tinignan nila at saka ako dumiretso sa kusina.


" Kyle, saan kayo galing? Kina Ayu ba?" Tanong ni Nathan kay Kyle. Hindi ko sila tinignan, hindi din naman siguro sasabihin ni Kyle sa kanila, pansamantala.


" Oo, galing kami doon, pero saglitan lang, baka kasi makita kami." Ramdam ko ang titig nila sa akin, kaya agad ko silang tinignan, isa isa.

Ibinaba ko ang aking baso, at hinintay ang sasabihin ni Timothy.

" Bakit si Brian lang? Hindi niyo kami tinanong kung balak naming sumama?" Tanong nito. Tumingin naman sina Theodore sa aming dalawa, kahit sina Alex at Cody.

Naglakad ako palapit sa kanilang lahat na nasa sala.

" Ako ang hinanap ni Ayu kanina sa phone call niya with Kyle, wala din naman kayong lahat noong tumawag sila kaya hindi na kayo nakasama." Agad na napabusangot ang iba, gustong gusto kasi nila ang anak ni Kyle, edi mas lalo ako, buntis palang si Deianira ay inaabangan ko na ang paglabas niya.

Umupo ako sa tabi ni Theodore, at saka ko siya inakbayan.

" Sa susunod isama niyo naman kami, at sabihan, baka mamaya hinahanap din ako noon, napilitan lang kay Brian." Nagtawanan kaming lahat.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay saka na nagpaalam ang iba na tataas na sila sa kwarto nila. Ako naman ay uminom muli ng tubig at saka ako umakyat sa kwarto ko. Naalala ko ang amoy ng kwarto niya, amoy rosas, napaka kalmado ng kwarto niya, at saka ang ilaw, hindi masyadong nakakaistorbo ang sinag niya.


Binuksan ko kaagad ang aking telepono, nakita ko ang mensahe ni Andra sa akin. Binuksan ko ito.

' Brian, ang daming chocolates nito, nakalagay naman sa listahan kung ilan lang e.' Basa ko sa mensahe niya. Napangiti ako sa isiping nakangiti siya habang tinitignan ang napakaraming tsokolate na iyon at saka habang kinakain niya.

Umupo ako sa kama ko.

' Para mas marami kang stocks at hindi ka na maghahanap at bibili muna sa labas.' Reply ko pabalik. Nahihiya man akong tumawag ay inunahan ko na ang hiya ko.

Ilang ring lang ay nasagot na niya kaagad.

" Hello, Brian?" Tanong niya. Sinilip ko ang labas ng pintuan ko, wala namang tao at saka ko nilock ito.

" Hmm? How's your day?" Tanong ko dito.

" I'm fine. Boring lang ng kaunti pero kaya naman. Ikaw? Kamusta ang uwi mo?" Dinig sa boses niya ang pag aalala, pero ang liit at hinhin parin ng boses niya.

Umubo ako para mawala ang tensiyon na nararamdaman ko.

" Ayos lang, kararating ko kani kanina, magpahinga ka na." Iyon na lamang ang aking nasabi. Kailangan ko na ding maligo dahil bukas ay mag aayos kami ng costumes namin para sa nalalapit na awardings at concert.

" Yeah, I will. Thank you, goodnight, Brian."

" Goodnight, Andra."

Kinabukasan, maaga parin. Nagising ako at agad kong ibinalita at bumati na din ako kay Andra. Hindi naman siya kaagad nagreply kaya baka tulog pa siya. Mabuti iyon, para makapag relax siya. Dumiretso naman kami agad sa studio, kung saan naroon na din ang mga staff na magaassist sa amin ng mga kailangang gawin, una ang pagsusukat ng damit.

" Masyado kayong magsha shine sa crowd kapag puti ang suot niyo, baka mamaya ay may masabi ang ibang idols." Pagpapaliwanag ng stylist namin, hinubad naman namin ang naunang coat na ipinasuot sa amin, isinunod nila ang kulay itim na coat, sinukat namin ito.

Tumingin ako sa salamin.

" Ito, ayos naman, yung iba huwag nalang mag coat kaya? Para hindi kayo mukhang pupunta sa lamay." Naghintay kami ng instruction kung sino ang maghuhubad ng coat, at hindi na magsusuot niyon.

Tinuro niya si Timothy, at si Cody.

" Cody at Timothy, at ikaw din pala Kyle, huwag na kayong mag coat, para balanse ang kulay niyo kapag nagsama sama kayong maglalakad sa awarding." Tumango naman sila sa sinabi niyang iyon, kaya ibinalik nila ang mga coat sa mga staff.

Dinig ko ang beep ng telepono ko sa aking bulsa, kaya lang ay hindi ito pwedeng buksan basta basta lalo na at may mga tao dito sa paligid.

" Ayan, mas bagay, mag necktie nalang yung mga walang coat para dagdag pogi points, tapos kapag magpeperform na kayo, iyong gamit niyo nalang sa music video yung gagamitin sabi ni Ivor." Nakita namin ang mga damit na ginamit namin sa MV namin, iyan nalang daw, maganda naman e, pabilisan nalang magpalit kapag natapos na kaming magperform.

Hindi ako makasingit na umalis para sana ay makita ko ang mensahe ni Andra. Baka mamaya ay importante iyon, masyadong maraming tao ang narito.

" Sa isa pang awards night, hindi naman kailangang super formal kayo, siguro ganito ulit o kaya naman ay polo nalang na kulay puti, at iyong iba itim ulit, para maiba." Tumango kami. Inaatras ko nang paunti unti ang mga paa ko para makasingit na umalis, tinitignan naman ako ni Kyle.

Kanina pa kasi nagba vibrate ang telepono ko, kaya baka importante iyon.


" Brian, kailangan mo bang magbanyo?" Singit ni Kyle, tumango naman ako at saka pasimpleng tinuro ang bulsa ko.

Tinignan ako ng stylist, yumuko ako bago ako nagpaalam.

" Excuse me for a while." Paalam ko.


" Sure."


Tumakbo ako kaagad sa banyo namin, ito ang banyo kung saan nakakapasok lang kaming pito, at wala ng iba. Binuksan ko kaagad ang telepono ko, at saka ko binuksan ang mensahe niya.

' Brian, the medias are here.'

' Brian, they are outside.'

' Brian, help me.'


Agad kong dinial ang telepono niya. Agad naman niya itong sinagot.

" Brian-" Agad ko siyang pinutol.


" I'm coming, Andra."

His Darkest Words ( His Darkest Series #2) Where stories live. Discover now