35

12 7 0
                                    

" I'm sorry."

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Papa ni Andra saakin. Hindi ko din naman alam bakit kailangan niyang mag sorry saakin.

" Bakit po kayo humihingi ng tawad sa akin?" Tanong ko dito, tinignan niya ang regalo ko sa kaniya na relo, nakalagay pa ito sa box at saka niya ito hinahagod nang dahan dahan.

Tumingin siya saakin at saka siya ngumiti.

" Pasensiya na kung ginagawa ko sa inyo ni Zyre ito. Para kay Andra. Gusto ko kasing patunayan kung sino nga ba sa inyong dalawa ang nararapat para kay Andra, iyon kasi ang bilin saakin ng Kuya niya, na ang piliin kong lalaki na mamahalin at magmamahal kay Andra, iyong matino at aalagaan siya." Mahabang paliwanag ng Papa ni Andra saakin. Ngumiti naman ako sa kaniya.

Tinuro ko ang relo na ibinigay ko sa kaniya.

" Pasensiya na din po kung biglaan kong naisingit sa usapan kanina iyong tungkol sa anak ninyo." Paghingi ko ng tawad sa kaniya, umiling naman siya at saka siya mapait na napangiti.

" Iyang si Andra, alagang alaga iyan ng kuya niya, ayaw na ayaw niyang nasusugatan, o kahit napapawisan iyang bata na iyan. Laging naka suporta ang kuya niya sa kaniya, kaya kahit noong huling bilin niya ay si Andra parin ang inalala niya, ibinilin niya saakin ang kapatid niya." Pagku kwento niya sa akin, nakikinig naman ako ng mabuti, alam ko kung paano namatay ang kuya niya, kaya alam ko kung gaano din iyong hirap.

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa aking mga balikat.

" Gusto kong humingi ng tawad kay Andra, kasi pinahihirapan ko siya, pinipilit ko siya sa taong ayaw niya, alam kong ayaw din ito ng kuya niya, ayaw niya ang ginagawa ko, kaya balak kong kausapin si Zyre sa susunod na mga araw." Napataas naman ako ng aking kilay.

Bakit niya kakausapin si Zyre? Para saan?

" Para saan po?" Tanong ko dito.

Kinuha niya ang relo sa box, at saka niya ito ibinigay saakin.

" Gusto kong ikaw ang makasama ni Andra sa bawat takbo ng buhay niya, Brian, nakikita ko na masaya siya sa iyo, na mahal ka niya, kaya gusto kong kausapin si Zyre para itigil na ang napag usapang kasal nila ni Andra." Napabilog naman ang aking bibig sa sinabi niya.

Papatigilin na niya si Zyre, ibig sabihin, legal na kami ni Andra sa mga magulang niya?

" Maraming salamat po sa pagtitiwala, Sir. Aalagaan ko po ang anak ninyo, at hindi ko po siya pababayaan gaya ng gustong mangyari ng kuya niya at kayo po." Ngumiti siya sa akin, at saka niya inilagay ang kamay niya sa aking harapan.

Nagtaka naman ako, ano nga pala ang gagawin ko sa relo at bakit nakalagay ang kamay niya sa harapan ko?

" Ang Kuya ni Andra ang huling nakapag suot saakin ng relo, at ito iyon, gusto kong ikaw ang magsuot saakin ng relo na dala mo, Brian. Ikaw na ang magiging bago kong Anak." Kahit na kilig na kilig at tumataba na ang puso ko sa mga sinasabi niya saakin, inayos ko ang sarili ko, at saka ko maingat na isinuot ang relo na ibinigay ko sa kaniya.

Agad naman kaming napangiti na dalawa nang makitang bagay ang relo na bigay ko sa kaniya.

" Maraming Salamat po talaga-" Pinutol niya ako.

" Tito Acer will do, Brian."

Lumabas kami sa lugar kung saan kami nag usap kanina, nagpaalam si Andra na doon siya saakin matutulog ngayon, at saakin na din siya sasakay. Sa kotse. Nakahanda naman na ang mga gamit niya nang makalabas kaming dalawa ni Tito Acer. Nginitian niya ako nang nakita niya ako.

" Dad, doon po muna ako kay Brian, ha? May promise naman po ako sa inyo, kaya alam kong gagawa ako ng mabuti doon." Paglalambing ni Andra sa Papa niya, lumapit pa si Andra kay Tito Acer at saka niya ito niyakap yakap.

Napatawa naman si Tito Acer sa ginawa ni Andra.

" I know, Anak. Mag iingat kayo pauwi, kapag may kailangan ka, sabihan mo ako. Ilang araw lang doon, Andra ha? Tapos dito ka ulit matutulog." Yumakap si Andra sa Papa niya.

" Yes, Dad. I know. I love you." Inayos ko muna ang mga gamit ni Andra habang naguusap sila ng magulang niya. Hindi na muna ako makikisawsaw sa usapan nila.

" Andra, iyong mga gamit mo, kapag kulang, tawagan mo ako, padadalhan kita." Sambit naman ni Tita Cristine.

" Yes, Mom. Thank you, I love you."

Tumabi sa akin si Andra, agad naman akong humarap sa mga magulang niya. Nagkaka ngitian kaming dalawa ni Tito Acer, alam kong sasabihin niya mamaya kay Tita Cristine ang sinabi niya sa akin kanina.

" Ingat kayo, Brian, Anak." Sambit ni Tito, nanlalaki naman ang mata ni Tita Cristine at ni Andra.

" We will, Tito."

Sumakay kami ni Andra sa sasakyan, nakabuka parin ang bibig niya, halatang hindi pa nakaka move on sa sinabi ko kanina at ng Papa niya.

" Brian, anong Anak? Anong Tito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andra sa akin, tumawa naman ako sa reaksiyon niya. Agad ko namang hinalikan ang kaniyang labi, hindi na din napigilan ng mga kamay ko na hawakan ang hita niya.

" Pumayag na ang Papa mo na may relasyon tayong dalawa." Iyon lamang ang nasabi ko, napahawak naman siya sa kaniyang bibig.

" Really?" Tanong niyang muli.

" Yes, baby." Ngumiti siya saakin bago siya sumagot sa mga halik ko. Hindi din naman ako makapaniwala, ilang araw palang simula nang sabihin niya saamin na kailangan naming magkompitensiya para makuha ang puso ni Andra, tapos ngayon ay payag na payag na sila saaming dalawa, kaya tuwang tuwa ako.

Ibabalita ko din ito kina Mama at Papa, mamaya ay kina Kyle at sa ibang ka miyembro ko na rin.

" You're mine, Andrasteia. Wala ng makakaagaw. Magi schedule ako kung kailan natin makikita sina Mama at Papa, okay?" Tumango siya sa sinabi ko, excited na din akong ipakilala siya sa buong taga hanga namin, at saka sa media, alam kong hindi magiging madali, pero alam kong kakayanin namin ito.

" Yeah, sure. Sabihin mo kung kailan." Ani niya.

" I love you."

" I love you too, Love."

His Darkest Words ( His Darkest Series #2) Where stories live. Discover now