" Brian.. I love you.."
Hindi ako kaagad nakapag react sa sinabi niya sa akin. Naestatwa ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang aking sentido at saka ako tumingin sa mga mata niya.
" You mean, you love me? You like me? Andra?" Kinagat niya muna ang kaniyang labi, bago niya ako tinignan at tinanguan sa sinabi ko. Naglakad ako nang dahan dahan sa palapit sa kaniya, nahawakan niya ang aking braso nang higitin ko ang kaniyang beywang.
" Kagabi ko pa ito napag isipan, Brian, I really like you, I really do." Hinalikan ko ang kaniyang labi, agad siyang sumagot sa akin. Napapangisi ako sa mga sagot niya sa akin. Mas hinigit ko ang kaniyang beywang sa katawan ko.
" Brian-" Hindi ko siya hinayaang magreklamo at magsalita. Hindi ko pinakakawalan ang kaniyang labi.
" Dapat sinabi mo na saakin kahapon pa, Andra. Matagal na akong nagpipigil na halikan ka." Bulong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin, at saka niya ako niyakap.
Tumingin ako sa mga mata niya, at saka ko siya nginitian.
" Nahihiya ako, baka kasi hindi mo ako matanggap at saka natatakot ako sa sasabihin at reaksiyon ng mga tao." Ngumisi ako sa sinabi niya, hinagod ko ang kaniyang buhok, at saka ko kinuha ang kamay niya.
" Huwag kang matatakot. Nandito ako. Hindi ka din hahayaan na masaktan ng mga kagrupo ko, kaya hindi mo kailangang matakot." Tumango siya.
Ilang minuto ang nakalipas ay tinawagan ko ang mga kagrupo ko, pinagtipon ko sila sa kwarto ni Kyle, pumunta kami doon ni Andra, nagpahuli kami ng dating namin.
" Guys, I badly need your help, Andra and I are with something. Saatin saatin muna ang tungkol dito." Hindi naman makatingin sa akin si Andra. Kailangan na nilang malaman para may katulong ako sa pagtatago nito at pagga guard kay Andra.
Tumayo silang Anim, at saka sila lumapit kay Andra. Nagpakilala sila at saka nila siya kinamayan.
" We are here to help you both. Hindi mo kailangang matakot, Andra. Nandito kami." Paliwanag ni Cody sa kaniya. Tumango naman si Andra at saka siya ngumiti.
" Thank you so much, Cody. It's nice to meet you in person." Bati ni Andra. Ngumiti at tumango naman si Cody kay Andra.
Nagmeeting kami tungkol sa gagawin naming lahat para kay Andra. Hindi naman din nagtagal dahil mabilis ang isip ni Kyle, kaya naman natapos kami kaagad.
" Gusto niyong uminom? Ayos lang daw naman, dahil bukas ay aalis na tayo pagkatapos ng isa pang interview." Agad naman silang tumango sa sinabi ko, agad na tumayo si Theodore at Timothy, at saka kami nagkumpulan sa lamesa. Tumatawa at naiiling naman si Alex sa ginagawa namin, kung sino pa ang mas matanda, siya pa ang KJ.
Nang makakuha na sila ng kanilang inumin, inayos na nila ito sa lamesa. Magkatabi kaming umupo ni Andra sa kanang bahagi ng lamesa dito.
" Andra, ano nga palang profile ng family mo?" Tanong kaagad ni Kyle kay Andra.
" Si Mom at Dad ay parehong Bussiness Man, alam iyan ni Alex." Nanlalaki naman ang mata ko sa sinabi ni Andra, tumingin naman kami kaagad kay Alex na nasa isang sulok lang at kumakain ng pulutan.
Pinangtaasan niya naman kaming lahat ng kilay bago siya sumagot.
" Oo, alam ko. Mag partner sa bussiness ang Papa ko at mga magulang niya." Agad ko siyang binato ng takip ng iniinom namin, nakailag naman siya doon, tumawa naman si Andra at saka niya hinawakan ang aking braso, napalingon ako doon.
" Nananahimik lang siya siguro, baka ayaw niyang mabigla kayo, pero oo, minsan nagkikita kami ni Alex sa mga meeting ng mga magulang namin noon." Paliwanag ni Andra sa amin. Tumango naman sila sa sinabi niya.
Kumuha ako ng inumin ko, at saka ko ito nilagok kaagad.
" Kaya pala. Nga pala, bakit pala kung minsan kapag nasa events ka namin ay panay hindi magaganda ang sinasabi mo kay Brian?" Tanong ni Nathan kay Andra.
Tumingin si Andra sa akin.
" Mas madali kasing mapansin kapag ganon, matagal na akong fan, kaya lang narealize ko isang araw na mas napapansin ka kapag hindi kaaya aya ang sinasabi mo, kaya sinubukan kong gawin, tapos ito ako sa harapan niyo, kasama kayo, tapos si Brian." Napailing naman ako sa sinabi niyang iyon.
Sobrang saya ko ngayong gabi na ito, sana sa susunod na mga araw palaging ganito.
" Sabagay, minsan masarap din talagang patulan iyong mga ganiyan, pero ngayon na nalinaw mo na, hindi na." Tumawa kaming lahat.
Habang nagkakasiyahan kami ay dahan dahan ko namang inaakbayan si Andra. Hindi naman siya gumagalaw o nagrereklamo, kaya sa tingin ko ay ayos lang.
" Andra, can I hold your hand?" Bulong ko dito. Tumingin siya sa akin, siya na mismo ang nagkusang naghawak ng aking kamay at saka niya ako nginitian matapos iyon.
" Hoy, lasing iyan si Brian, kaunting layo ka mula sa kaniya. Mapanood pa naman iyan ng R18 na movies, nako." Pagbabanta ni Cody kay Andra. Napatakip naman si Andra sa kaniyang mukha sa kahihiyan na nasapit niya. Hindi ba dapat ay ako ang nahihiya? Bakit siya?
Sinamaan ko naman ng tingin si Cody sa sinabi niya.
" Kung minsan lang, okay? Kaya tumahimik ka diyan." Tumawa sila.
Nang matapos ang kaunting kasiyahan at celebration ay bumalik na kami ni Andra sa kwarto. Sa sofa na muna ako matutulog, baka nga iba talaga ang magawa ko.
" Brian, nakainom ka ba ng malala? Mahiga ka muna." Tanong nito sa akin, umiling naman ako at saka ko siya hinila paupo sa sofa katabi ko.
" Andra, you made my day, today. Sana kahapon pa, pero ayos lang. Thank you, for loving me back, Andra. Akala ko walang pwedeng magmahal saamin dahil kilala kami sa buong mundo, akala ko bawal kaming magmahal at pumili ng taong makakasama namin sa susunod na mga taon ng buhay namin, akala ko hindi na ako makakakilala ng babaeng para sa akin." Pagda drama ko sa kaniya. Hinawakan ni Andra ang aking pisngi, at saka niya ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.
Dahan dahan siyang lumapit sa aking labi bago niya ako halikan.
" Mahal kita, Brian. Mamahalin kita. Nandito lang ako, para sayo."
YOU ARE READING
His Darkest Words ( His Darkest Series #2)
FanfictionBashers. Iyan ang pilit na iniiwasan ni Brian Ares Mathiela. Ang main dancer, vocalist, at isa ding makne ng grupong BTS. Pero tila mapait ang tadhana sa kaniya, dahil may isang babaeng manghihila sa kaniya paibaba- A basher. A beautiful basher...