Chapter 1

491 274 29
                                    

" ATE, May phone call ka. Si Mama Shiela daw. "
     " Okay. Thanks, " tugon ni Pink kay Mark na isa sa mga waiter ng Mr. Go Restaurant. Minabuti niyang sa opisina ng manager na lang tanggapin ang tawag. The owner and the manager of  Mr. Go Restaurant, an old and famous Go in Quezon, was also her father. Pansamantala ay si Pink muna ang tumatayong manager ng restaurant habang nagpapagaling pa nang husto si Janrey Go.

     Isang linggo na ang nakakalipas mula nang isugod sa hospital ang daddy niya dahil sa paninikip ng dibdib. Maayos na ang kalagayan nito pagkatapos ma-confine nang ilang araw sa hospital. Pero ayon sa doktor, kailangan munang magpahinga ng kanyang ama nang dalawang linggo o higit pa bago bumalik sa trabaho. But her father was a workaholic and stubborn person forty-eight years old rich man at ayaw makinig sa doktor at gusto na agad bumalik sa trabaho, bagay na mahigpit na tinutulan ng nakababata at nag iisang kapatid na si Jacob.

Napapayag lang nila ang kanilang ama na magpahinga nang magrequest si Pink na pamahalaan ang restaurant habang ang wala ang ama at nagpapagaling pa ito.

     Pink spent her teenage years working at their family business as a dishwasher, waitress, cashier, assistant cook  and lastly assistant manager kaya kabisado na niya ang lahat ng trabaho roon. But when she turned eighteen, her father allowed her to follow her dream of becoming a performing artist.
She eventually stopped helping out with their family business. But she made a promise that if her father ever needed her, she would not think twice about helping him. Maganda naman ang balita kasi wala siya nasasagasaang trabaho sa pgrerequest niya. She was a professional event host and singer by profession.

     Parehong purong Korean na ipinanganak at lumaki sa Pilipinas ang mga magulang ni Pink.Namatay ang mommy niya sa isang car accident noong thirteen years old siya at eleven years old naman si Jacob.

     Pumasok na si Pink sa opisina ng kanyang daddy.
" Hello, Mama Shiela? " aniya nang angatin ang receiver ng telepono pagkatapos naupo sa swivel chair.

     " Pink, how are you? " How is your father? Hindi pa ba nasusunog ang restaurant? " pabirong tanong ni Mama Shiela.

     Natawa siya sa narinig. " Okay na si Daddy. Babalik na siya dito this weekend. Ikaw talaga, Mama Shiela, hindi naman ako ang cook. And I am not a bad cook naman, eh, " naka-pout na sabi niya.

     Mrs.Shiela Santos or Mama Shiela was the owner and the manager of a top events management firm that Pink usually worked with. Si Mama Shiela din ang nagbukas ng pinto sa kanya para pasukin ang events industry kaya malaki ang utang na loob niya rito.

     Tumawa nang mahina si Mama Shiela. " I know.
Anyway, ipaalala ko lang ang engagement mo sa Cebu City this weekend. Tuloy ka pa rin, ha? "
     " Of course. Kailan ba ako nambitin ng kliyente? "
Kakanta siya sa wedding reception ng isang mayamang mag-asawa na mag re-renew ng vows sa darating na Sabado.

     " Okay, good. Nasa akin na ang plane tickets mo. Sa apartment mo ba o diyan sa restaurant ko ipadadala? " tanong ni Mama Shiela.
     Dito na lang sa resto. I'll be here until 10 PM.

     Bukas ang restaurant mula alas-syete  ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.
     " Okay. " Pinag-usapan pa nila ang mga naka-line up niyang events para sa susunod na linggo bago nagpaalam sa isat-isa.

     Pagkatapos makausap si Mama Shiela ay lumabas na rin kaagad ng opisina si Pink. Napakunot-noo siya nang makita ang tatlong waitress  sa labas ng pinto ng kitchen na naghahagikgikan at panay ang silip sa dining area.

     " Ano'ng nangyayari? " tanong niya nang makalapit.
     " Ate, may mga guwapong basketball player kasi sa labas, " tugon ni Nizyabel na pinakamatagal nang waitress sa kanila.

     " Talaga lang, ha. ' Yong mga order at customers ang atupagin n'yo, " pagtataray niya kunwari at naglakad na patungo sa dining area.

PLEASE FOLLOW AND VOTE.COMMENT NARIN PARA GANAHAN SI AUTHOR.THANK YOU.


    

Love Basketball Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon