Chapter 4

198 148 6
                                    

" MERON KA BANG ALAM na apartment na pwede kong lipatan? " tanong ni Pink sa kaibigang si Tricia over the phone. Lampas alas-dose na ng gabi nang makauwi siya sa kanyang apartment. Kapag ganoong pagod siya ay hindi siya agad nakakatulog. Kaya pagkatapos magtimpla ng hot coffee ay nagsimula siyang mag-empake ng mga dadalhing gamit papunta sa Cebu City kahit na anim na araw pa bago ang schedule ng alis niya.

     Matatapos na siya sa kanyang ginagawa ng maalala niyang tawagan si Tricia upang humingi ng tulong dito sa paghahanap ng malilipatan. She had friends from elementary to college, and even from the events industry and show business, but she considered Tricia as her bestfriend ay hindi magbabago 'yon.

     Tumingin si Pink sa orasan. Siguradong gising pa ang bestfriend niya sa mga oras na iyon. Tulad niya ay may pagka-nocturnal din ang kaibigan bukod pa sa hinihintay nito ang pagdating ng asawa. Kaya tinawagan niya ang kaibigan at sumagot namin ito.

     "Ano'ng problema sa apartment mo?" tanong ni Tricia.
     Mula nang magtapos siya ng college ay bumukod na si Pink ng tirahan. Hindi niya naging problema ang pagpapaalam sa daddy niya. Gaya ng karaniwang Korean, gusto rin nitong matuto siya maging independent. Sa kasalukuyan siya ay nakatira sa isang apartment building na walking distance lang sa bahay ng daddy niya at sa Mr.JanRey.

     " Naibenta na raw kasi ng may-ari itong building. Binigyan niya kami ng dalawang buwan na palugit para makahanap ng malilipatan. That was a week ago.
Nawala sa isip ko ang paghahanap ng malilipatan dahil sa nangyari kay Daddy. Mabuti na nga lang at pinadala ng may-ari sa akin kanina bago ako pumunta sa resto. "

     Sandali natahimik si Tricia sa kabilang linya, tila sandaling na-isip.
" Uhm, wala eh. Pero don't worry, magtatanong-tanong ako. Baka si Reu, may alam, " tukoy nito sa asawa na physiotherapist ng isang team sa PBA.
     " At least, it's not far from Manila, bestfriend. " Kung maaari ay ayaw ni Pink na mapalayo sa kinagisnan niya.
Gusto niyang kahit anumang oras--- kapag wala rin lang siyang ginagawa--- ay madali pa rin niyang mapupuntuhan  ang daddy niya sa restaurant.

     She coud say she was a daddy's girl. Her father was a hardworking, responsible man that she was truly proud of and idolized. Dito niya natututunan ang maraming bagay, kasama na ang pagluluto. Hindi na naisipan mag-asawa ang kanyang daddy pinagtuunan-pansin ang kanilang business at mag-isang itinaguyod silang magkakapatid. Gayunman, kahit busy ang daddy niya sa restaurant, noong nag-aaral pa sila ni Jacob ay nagawa pa rin silang ihatid at sunduin sa school  at sa music and voice lesson classes nila.

     " Okay, bestfriend, "tugon ni Tricia.
" Anyway, may ipapakilala pala ako sa'yo. "
     " Ilang taon na? Tagasaan? Ano'ng trabaho?, Single ba? " sunod sunod na tanong niya. Alam na niya ang  tinutumbok ng sinabi ni Tricia. Mula nang mag-asawa ay naging masigasig na itong ireto siya sa mga kakilalang binata.
Pareho silang twenty-seven years old pero nag-aalala si Tricia dahil panay trabaho at leisure trips ang pinagtutuunan niya ng pansin.

     Well, she was busy at sa uri ng kanyang trabaho na tulog sa umaga at madalas na wala sa bahay sa pagitan ng alas-dos ng hapon hanggang alas-dos ng madaling-araw, mahirap siyang ligawan.

     May ilang nagpakita ng interes sa mga lalaking ipinakilala ni Tricia sa kanya subalit hindi tin nagtagal dahil bago pa man magsimulang pumorma ang mga iyon ay binabasted na niya. Bukod kasi sa hindi napukaw ang interes niya ng mga iyon, gusto niyang magkaroon ng mas maraming oras para sa kanyang sarili at malayang magawa ang mga bagay na gustong gawin.

     " Grabe ka. Babae ang ipapakilala ko sa'yo, 'no. Nangangailangan ng serbisyo mo, " natatawang sabi ni Tricia.
     Kaagad na naging interesado si Pink sa kanyang narinig. " Sino? "
     " Amiga ng mommy ni Reu. Napanood niya 'yong mga vudeo mo sa YouTube at gusto ka niyang maging host sa debut ng anak niya. "
     " Hmm, okay. Kailan ba 'yan? "
     " I'm not sure sa exact date but I think it's more than one month away pa. Of course, gusto niyang makakuha ng discount. Ikaw na bahala kung ilang percent. Basta bestfriend pagtuunang-pansin mo 'to, ha? "

     " Sure. Basta ba hindi makakasagasa sa schedule ng event na nauna ko nang tinanggap, " sambit ni Pink.
     " Okay, So, kailan mo puwedeng ma-meet 'yong amiga ng mommy ni Reu? "
     " Pagkagaling ko na lang ng Cebu. Dalawang araw lang naman ako doon. "
     " Ay, bakit ang bilis? Baka hindi ka man lang makapasyal n'on. "
     " Okay lang. Next time na lang ako mag-i-stay doon nang matagal. Kailangan ko pa rin kasing i-monitor ang health ni Daddy, 'tapos maghahanap pa ako ng malilipatan, talagang busy. "

     " You should go back home, " suggestion ni Tricia.
     " As if puwede. Alam mo namang ayaw ni Daddy sa lifestyle ko. Baka puro sermon lang ang abutin at marinig ko kapag tumira uli ako sa kanya. Hindi ko nga ipinapaalam na naghahanap ako ng malilipatan dahil baka pauwiin ako n'on. Saka na kapag nakalipat na ako. " Suportado ng daddy niya ang kanyang trabaho pero ayaw na ayaw nito na umuuwi siya ng madaling-araw, lalo na babae siya tapos nababalitaan pa na crime-infested na ang Metro Manila.

     " Tama! Hayaan mo, bestfriend magfofocus tayo sa paghahanap ng malilipatan mo. "

     Napangiti si Pink. " Thanks. Kahit paano nandiyan ka para sakin. " Ilang sandali pa silang nagkuwentuhan bago nagpaalaman sa isa't isa.

Love Basketball Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon