Chapter 5

183 127 5
                                    

" CONGRATS, Red! "
     " Thank you, Tito Mark, " nakangiting tugon ni Red nang muling makatanggap ng pagbati mula sa isa pa niyang kamag-anak khit ilang linggo na ang nakakalipas mula nang muling mag- champion ang team niyang Swift Meaty sa PBA.

     Ginanap ang PBA All-Star Weekend, ang taunang fans day ng PBA sa Cebu City-----hometown ni Red----- kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na dumalo sa renewal of vows at 50th wedding ng kanyang grandparents. Kasama ang mga pinakasikat na manlalaro sa PBA, naka-check in siya sa isang hotel malapit sa mansiyon ng kanyang grandparents kung saan din ginanap ang kasalan.

     " Another trophy pa ba this conference, Red? " tanong naman ng Tito Raul niya, bunsong kapatid naman ito ng kanyang daddy.
     "Hopefully Tito, para grand slam na."  Kauumpisa pa lang ng Governor's Cup. So far, zero-three ang standing ng Meaty. Nakaka-frustrate pero pipilitin nilang makahabol. Ganoon naman lagi ang standing ng kanilang team kapag nag-uumpisa pa lang ang conference, laging naghahabol. Luckily, nitong nakaraang dalawang komperensiya ay nagawa nilang makahabol sa kalagitnaan ng liga at nangyari ang inaasahan nag-champion. Sana lang sa pagkakataong iyon ay magawa uli nila. They wanted to take home the championship trophy for the fourth time and to make history for the franchise.

     " Red, nakausap mo na ba ang lolo at lola mo? " tanong ng daddy niya na lumapit sa umpukan nila ng mga tiyuhin at kanyang mga pinsan.
     " Hindi pa, Dad. Marami kasi silang kausap kanina kaya hindi na muna ako lumapit sa knila, " katwiran niya. Mula pa pagkabata ay mahiyain na siya kaya minabuti na muna niyang makipag-usap sa mga kamag-anak na at ease na siya kaysa humarap sa mga bisita ng kanyang lolo at lola na hindi naman niya kilala.

     " Puntahan mo muna sila, " utos ng daddy niya.
    Tumingin siya sa kinaroroonan ng mga magulang ng kanyang ama. Nang makitang wala nang  kausap ang mga ito habang kumakain ay tumango siya sa daddy niya at nagpaalam na sa mga kausap na mga kamag-anak.
     " Congrats, ' Lo, La, " mula sa likuran ay bati ni Red sa mga bagong kasal nang makalapit. Humawak pa siya sa magkabilang balikat ng kanyang lolo't lola at magkasunod na hinalikan sa pingi ang dalawa.
     " Ikaw na bata ka, kung hindi pa pupunta ang PBA dito sa atin, hindi ka pa talaga uuwi. Kumain ka na ba? " tanong ng kanyang lola.

     Nagkakamot sa batok na naupo si Red sa isang silya sa tapat ng abuela. Nakatuon ang kanyang buong atensyon sa basketball nitong mga nakaraang buwan kaya hindi siya nakakauwi sa kanila. " Kumain na po ako sa hotel kanina bago ako nagpunta rito, " sagot niya.
     " Mabuti naman at naisipan mong pumunta rito, Red, " sabi naman ng kanyang lolo. " Ilang araw pa ba kayo rito? "
     " Three days na lang, ' Lo, ' tapos babalik na kami sa Manila. Sorry po, hindi ako makakapag-stay dito nang matagal. Alam n'yo na po, ang pangit na naman ng standing ng team namin kaya magiging puspusan na ang mga practice namin. Pero oras po na matapos ang conference ay dito ako magbabakasyonsa atin, " babawi po ako, pangako niya.

     Nakakaunawang tumango ang kanyang lolo. Mahilig din kasi ito sa basketball at wala ito pinapalampas. Noong kabataan nito ay naging varsity player ito ng isang kilalang unibersidad sa Maynila kahit na five feet and five inches lang ang height nito. Ayon sa kanyang lolo, kinulang ito sa height kaya walang nagkainteres na team nang mag-apply ito sa PBA draft kahit magaling namang point guard.
     Kaya naman nang kinakitaan siya ng abuelo ng interes sa basketball noong bata pa siya ay todo suporta sa kaniya at tinutukan siya ng husto. Pangarap din ni Red na makapasok sa professional league at tuparin ang pangarap ng kanyang lolo kaya pinagbuti at nagsumikap siya. Namana niya ang galing ni Lolo Piyo sa  pagbabasketball at nakuha naman ang tangkad mula sa namayapang ina.

     " Eh, kailan ka naman magreretiro sa pagbabasketball at mag-aasawa, Red? " tanong naman ng kanyang lola.

     Napabuntong-hininga si Red sa narinig. Iyon ang paulit-ulit na itinatanong sa kanya ng mga kamag-anak tuwing umuuwi siya kaya nagsasawa na siya. Kahit ganun, muli niyang sinagot ang tanong ng abuela. "Mga four years pa,  ' La, bago ako magretiro. At sa pag-aasawa, huwag n'yo ho akong madaliin. Sa tamang panahon, mag-aasawa rin po ako. "
     " Wala ka pa rin bang girlfriend o naliligawanan man lang? Aba, Red, hindi ka na bumabata. Baka naman---- "
     " Bata pa ako, La, " natatawang putol niya sa sinasabi ng abuela.
     " Bakit hindi mo na lang kasi ligawan uli si Vangie? Dalaga pa rin siya at walang boyfriend. Baka ikaw lang ang hinihintay n'on. "

     Napasimangot si Red sa narinig. Anak ng dating mayor ng kanilang bayan si Vangie at first girlfriend niya. Mahigit dalawang taon din silang naging magkasintahan noong nasa kolehiyo sila. Nagkahiwalay sila nang ipagpalit siya ni Vangie sa isang Fil-Am na transferee sa university nila dahil di-hamak na may hitsura at mayaman ang lalaking iyon kaysa sa kanya. Sobra sitang nasaktan sa ginawa ni Vangie sa kanya pero madali siyang naka-move on dahil lumipat na siya sa isang tanyag na unibersidad sa Maynila nang ma-scout ng dating ka-teammate ng kanyang lolo na isa nang collegiate coach. Ginawa siyamg varsity player niyong coach.

     Sa mga nakalipas na taon, kapag umuuwi si Red sa Cebu ay nagtatagpo ang mga landas nila ni Vangie. Napatawad na niya ito at naging magkaibigan na uli sila. Hindi rin nagtagal ang relasyon ng dating girlfriend sa Fil-Am. Maganda pa rin si Vangie wala itong pinagbago, pero wala na silang romantikong interes sa isa't isa.
     Sasagot sana si Red sa sinabi ng kanyang lola subalit naagaw ang atensiyon nila nang mula sa stage ay pumailanlamg ang baritonong tinig ng lalaking host ng reception. Kinuha nito ang atensiyon ng lahat at binati ang kanyang lolo at lola. Pagkatapos ay may binanggit itong pangalan ng babae na maghahandog ng awitin.

     Ilang sandali pa ay umakyat na sa stage ang isang matangkad, maputi at nakakahalina ang ganda ng babae. Hindi man ganoong ganda ng babae ang tipo ni Red, buong paghanga pa rin niyang hinagod ito ng tingin. The woman was stunningly beautiful in a long, red evening gown that emphasized her sexy body. Nakapusod ang medyo kulot na buhok nito na nakadagdag ng hindi mo hihiwalayan ng tingin. Binati muna nito ang kanyang grandparents bago sinenyasan ang keyboard na nasa gilid ng stage na tumugtog.

     Nagsimulang kumanta ang babae na isa sa mga paboritong awitin ng kanyang lolo at lola. Kaagad na umani ng masigabong palakpakan ang babae nang pumailanlang ang maganda at malamyos nitong tinig. Pati si Red ay napapalakpak din. Mayamaya ay napmsin niyang parang pamilyar sa kanya ang babae. He was sure he had encountered the woman somewhere. Pero hindi niya maalala kung saan. Patapos na ang kinakanta ng babae sa wakas ay maalala niya kung saan ito unang nakita.

     Napataas ang isang sulok ng kanyang mga labi nang mapagtanto na ang waitress sa Mr. Go Restaurant at ang babaeng umaawit ay iisa.
  

Abangan uli guysss ang susunod na kabanata.thank u.😘😘😘

   

Love Basketball Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon