Chapter 3

191 153 12
                                        

SARAP na sarap si Red sa kinakaing goto special at siopao asado nang bigla siyang sikuhin sa braso ni George Smith, teammate niya at nag-iisang rookie ng kanilang team. Kagagaling lang nila sa isang charity event ng PBA na ginanap sa isang barangay sa Quezon kasama ng teammate din nilang si Leroy Fuentes.

Pagkatapos ng event ay naisipan nilang mag-merienda sa nadaanang sikat na Korean restaurant na malapit sa lugar.

     Napatingin siya kay George.
     " Red, ang ganda ng waitress, o, " sabi nito.

     Ibinaling niya ang tingin sa tinitingnan ni George. Sang-ayon siya sa  sinabi nito. Maganda  nga ang waitress na may Korean features na kausap ng dalawang babae sa isang three-seater table malapit sa pinto. Kita ang kaputian at kakinisan ng balat ng waitress sa suot na yellow floral dress hanggang tuhod ang haba nito. Maayos din ang pagkakapusod ng medyo kulot nitong buhok. The woman was tall and had curves in the right places. Duda siyang waitress lang ang babae. She could pass off as the owner of the place  or something.
Gayunman, sa kabila ng taglay na kagandahan ay mukhang masungit at suplada ang babae.

     " Oo, maganda nga, kulang sa interes  na pagsang-ayon ni Red. Hindi niya  type ang foreign beauty at mapuputing babae. Filipina beauty at morena ang ideal girl niya at gustong-gusto saka dagdag ang simple lang, walang arte at pwedeng dalhin sa fast food. However, he had to admit he liked the woman's voluptuous body.

     Nagbawi na si Red ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
     Ilang minuto ang lumipas. Awtomatikong nagtaas siya ng tingin ng marinig ang malamyos at kaakit-akit nitong tinig ng isang babae sa likuran ni Leroy na katapat lang niya.

     " Mga Sir, pwede raw ho bang mag-papicture ng mga customer sa kabilang table? " nakangiting tanong ng  tsinitang waitress na unang nakakuha ng atensiyon ni George.

     Natigilan si Red nang mapagmasdan nang husto ang mukha ng waitress. Mas maganda pala ito sa malapitan. Pati ang ngiti nito ay maganda rin.
     " Sure! " nakangiting sambit ni Leroy.
     " Okay. Papupuntahin ko na lang ho sila rito mamaya, " sambit ng waitress at tumalikod na.

     " Ikaw, Miss, ayaw mo bang magpa-picture sa amin? " pahabol na tanong ni Red.
     Muling humarap ang babae, nakalarawan ang pagkagulat sa mukha nito. Nagulat din sina George at Leroy sa sinabi niya, at mismong si Red. Kilala kasi siyang tahimik at mahiyain. Muntik na niyang matampal ang sariling noo. He did not know why he  suddenly asked that question.

     " ' Yong mga customer na lang ho. Marami pa kasi akong trabaho, " polite pa ring tugon ng waitress at nagsimula ng humakbang na palayo sa table nila.

     Nagliparan ang mga binilot na tissue sa mukha ni Red pagkaalis ng waitress. Umiling na natawa na lang siya at ibinalik ang atensiyon sa kinakain.



Love Basketball Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon