LAMPAS alas-otso ng gabi nang matapos ang wedding reception nina Mr. and Mrs.Gutierrez. Pero may mga natira pa na kamag-anak at bisita ng mag-asawa na nag-iinuman sa malawak na bakuran ng malaking bahay, kabilang na ang host ng reception at mga kasama ni Pink kanina na tagaroon din sa lugar.
Kasalukuyang may kausap na matangkad na lalaki si Mrs.Gutierrez nang lumapit si Pink sa matandang babae upang magpasalamat dito at magpaalam din. Kinuha niya ang atensiyon ng matanda nang hindi tinitingnan ang mukha ng lalaking kausap nito.
" Maraming salamat din, hija, " nakangiting tugon ni Mrs.Gutierrez. "Inaatake ng rayuma si Piyo at nagpapahinga na kaya hindi ka na niya mapapasalamatan.
Don't worry, kapag nangailangan uli kami ng serbisyo mo, ikaw uli kukunin namin. Irerekomenda rin kita sa mga kakilala namin. "Napangiti sa Pink. " Maraming salamat po. "
May iniabot si Mrs.Gutierrez na puting sobre sa kanya na alam niyang tip ang laman nito. Nakangiting tinanggap niya iyon at muling nagpasalamat. Bago pa man siya pumunta roon ay bayad na siya sa pamamagitan pakikipagtransaksiyon ng pamangkin nito kay Mama Shiela." By the way, iha, kilala mo ba ang apo ko? "
Saka lang tumingin si Pink sa mukha ng matangkad na lalaki na tahimik lang na nakatingin sa kanila ng matandang babae.
Nagulat siya ng muling masilayan ang mayabang na basketball player na may maamong mukha na naging customer ng Mr.Go ilang araw na ang nakakalipas.
She was sure it was him 'di sya pwedeng magkamali. Hindi siya madaling makalimot sa mukha ng mayayabang at mga aroganteng tao." H-hindi pa kami magkakila, 'La, " mabilis na tugon ng lalaki bago pa makasagot si Pink. " I'm Red. And you are...? " kusang pakilala nito sa sarili at naglahad ito ng kamay sa kanya. She noticed his voice was different from the first time they saw each other. Mababa iyon ngayon at may kaunting garalgal.
Pilit ang ngiting tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaki. " I'm Pink. " Ang lamig din ng kamay nito na tila kinakabahan."Ikaw 'yong sa restaurant, 'di ba?" tanong nito.
Kung ganoon, natatandaan din pala siya nito. " Yes. "
Nagbawi na si Pink ng kamay.
Muli siyang tumingin kay Mrs.Gutierrez nang muli itong magsalita. " Pink, sa Hotel Angel ka rin tumutuloy, 'di ba? Pupunta rin ngaun doon si Red. Sumabay ka na sa kanya, hija. "
" Naku, huwag na po. Nakakahiya naman sa apo ninyo, " mabilis na tanggi niya sa alok nito. Malapit lang naman ang tinutuluyan niyang hotel at maaga pa naman. Alam niyang safe siyang bumiyahe sa Cebu ano mang oras dahil kilalang tahimik at ligtas ang lugar." It's okay. Sumabay ka na sa akin. Nagpatawag na ako ng taxi sa guard, " sabi ni Red.
Hindi na magawang tumanggi ni Pink. " Okay. "
Hinalikan at niyakap muna mi Red si Mrs.Gutierrez bago sila magkasabay na lumabas ng bakuran.
Naghihintay na ang taxi nang makalabas sila ng gate.
Matipid na nagpasalamat si Pink kay Red nang pagbuksan siya nito ng pinto sa backseat. Doon na rin ito umupo, sa tabi niya.Noong una ay wala silang pansinan habang nasa biyahe, hanggang sa hindi makatiis ito. Kinausap siya ni Red at nagtanong sa kaniya.
" So, you're a wedding singer? "
" Uhm...yes, " hindi tumitingin kay Red na tugon ni Pink.
Nagdaan muli ang sandaling katahimikan bago ito muling nagpatuloy sa pagsasalita. " Hey, about what happen at the restaurant last time, I feel that I acted wrong. Believe it or not, 'di talaga ako ganoon, " apologetic na sabi nito.Nagulat si Pink sa narinig kaya napatingin siya kay Red. He looked so sincere. Hindi niya sukat akalain na mag-a-apologize ito sa kanya. Bigla nawala ang inis na nararamadaman niya rito.
" Okay, "amused na tugon niya at nagbawi na ng tingin.
Narinig niya ang pagbuga ni Red ng hininga na tila nakahinga nang maluwag. Nakakunot ang noong muli siyang napatingin dito. Anyong muli iyong magsasalita nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Kaagad niyang hinagilap iyon sa loob ng dalang bag . Nang nakitang si Tricia ang caller ay binalingan niya si Red, I have to take this call, " paalam niya." It's okay. Go ahead, " tugon nito.
Sinagot na ni Pink ang tawag ni Tricia.
Kaagad siyang natuwa sa ibinalita ng kaibigan na may nakita na itong apartment na maaari niyang lipatan.
Nagkasunod sila na magkita kinabukasan din pagbalik niya sa Maynila upang makita niya agad ang apartment.
Nasa harap na ng Hotel Angel ang sinasakyan nilang taxi nang matapos si Pink sa pakikipag-usap kay Tricia. Akmang maglalabas siya ng wallet para sa share niya sa pamasahe ngunit mabilis nang naglabas ng pera si Red at iniabot agad sa driver.
" Ako na, " sabi nito at nauna nang bumaba ng taxi.
Muli ay pinagbuksan siya nito ng pinto.
" Thank you. "
" Ahm... would you like to have a cup of coffee with me? " tila nahihiya pang tanong nito, nakahawak sa batok.Ilang sandaling nagdalawang-isip si Pink sa pagtugon. May isang parte sa kanya na nagsasabing paunlakan ang imbitasyon sa kanya dahil naku-curious na siya kay Red. Subalit nang maalala na isa itong atleta ay mabilis nagdesisyon.
" Thanks, but no thanks. Inaantok na kasi ako, eh, " pag-aalibi niya.
Sandaling lumarawan ang pagkadismaya sa mukha ni Red bago tipid na ngumiti. " Okay. It was nice meeting you, Pink, " nakakaunawang sabi nito.
Tumango lang siya rito at naglakad na papasok sa lobby ng hotel.
BINABASA MO ANG
Love Basketball
عاطفيةMayabang man ang unang naging pagkilala ni Pink sa sikat na basketball player na si Red Gutierrez, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito ng mabuti. Bukod sa super gwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sil...