SAMANTALA sa kanyang Korean features ni Pink, marami nagsasabi na mukha siyang masungit at suplada, pero ang totoo hindi siya ganoon. Nagsusungit lang naman siya kapag may gumalit lang sa kanya nang sobra at hindi na niya kayang magpigil. Pero mahaba talaga ang kanyang pasensiya.
Friendly and approachable din siya.Huminto si Pink pagdating sa bukana ng dining area at iginala ang tingin sa paligid. Alas-dos na ng hapon at nagsisimula na namang mapuno ang mga parokyano ang restaurant para mag-merienda.
Malawak ang restaurant, fifty seater capacity ang dining area at may private rooms din sila para sa mga kadalasang pinagdadarausan ng mga function.
Kaagad na nakita ni Pink ang grupo ng mga basketball player na sinasabi ni Nizyabel. Agaw-eksena kasi ang mga ito dahil kahit na nakaupo ay kapansin- pansin ang laki at lapad ng mga katawan. Nakapuwesto ang grupo sa isang four seater table sa isang sulok, nagkukuwentuhan habang naghihintay sa pagdating ng mga in-order.
Panakaw-sulyap lang na tiningnan ni Pink ang grupo. Tumunog kasi ang chimes sa glass doors ng restaurant at kaagad na nakuha ang atensiyon niya ng pumasok na tatlong babaeng teenagers na kapwa nakauniporme ng kalapit nilang unibesidad. Naupo ang tatlo sa isang bakanteng 3-seater table malapit sa pinto.
Nagpalinga-linga si Pink at hinanap ang tingin ang mga tagasilbi nila. Nang makitang busy ang mga ito sa kanya-kanyang customers----pati na ang headwaiter----ay agad siyang kumuha ng memo slip sa counter at mabilis na lumapit sa mga bagong dating.
" Goodafternoon. Ano'ng order n'yo, mga Miss? " nakangiting sabi ni Pink. Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa tatlong teenagers. Nakahawak ang tatlong babae sa menu book sa ibabaw ng mesa pero kapwa mga ito nakatingin sa direksiyon ng nga basketball player.
" OMG, ang guguwapo. Ang swerte naman natin na nakita natin sila. 'Buti na lang naisipan nating pumunta rito, " sabi ng isang kulot na babae sa kasama nito.
Napatingin si Pink sa tinitingnan ng tatlong babae. Doon na niya isa-isang tiningnan ang mga basketball player. Except sa isang lalaki na may maamong mukha at mukhang mahiyain, kaagad na nakilala ni Pink ang tatlo sa apat na lalaki dahil karaniwan nang laman ng social media ang mga ito.
Ang isa ay ang Filipino-American na si George Smith na kasalukuyang in-demand model at product endorser.
At ang isa pa ay Leroy Fuentes na kilala ring product endorser na nagtapos sa UP at anak ng isang sikat na TV host.
Sumunod naman ay ang Filipino- Chinese na si Manny Chua na kilala sa matinik sa mga babae at anak ng isang multi-billionaire.
Hindi siguro sikat ang ika-apat na lalaki na katabi ni George Smith at wala siyang hilig manood mg baskeball kaya hindi niya ito kilala.Sang-ayon siya na guwapo nga ang apat na lalaki at alam niyang impressive ang background nina George Smith, Leroy Fuentes at Manny Chua pero wala siyang nararamadaman na paghanga at kilig sa tatlo.
Hindi kasi maganda ang naging karanasan niya dati sa pakikipagrelasyon niya sa isang atleta dahilan upang sa simula pa lang ay wala na siyang interes sa mga kabaro nito.
Hindi rin naman iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ng customers na celebrity ang kanilang restaurant. Dinudumog talaga ang Mr.Janrey Restaurant noon pa man ng mga sikat na personalidad, partikular na ng mga kilalang pulitiko at iba pa. Mr.Janrey Restaurant was a landmark in Makati because its delicious and original recipes, and quality service for more than forty years.
At sa uri ng trabaho ni Pink, karaniwan na niyang nakakasalamuha ang mga celebrity sa lahat ng larangan.
Hindi rin niya mabilang ang kanyang mga celebrity friends.
Her brother was also a celebrity; tulad niya ay singer din si Jacob. He was a recording artist and was also known as a balladeer.Nagbawi na si Pink ng tingin. Noon niya napansin na halos lahat ng mga parokyano ay sa mga PBA player nakatingin. Nagkibit-balikat siya at ibinalik ang tingin sa mga estudyante.
" Miss, tatlo na siopao asado, tatlo na goto special at tatlo na pineapple juice ang order namin, " nakangiting sabi ng isang babae nang muli siyang tumingin sa mga ito.
Napangiti si Pink sa narinig. Mabuti naman at kaagad na natauhan ang mga customer niya. Mabilis siyang nagsulat sa memo slip at nagpaalam upang ibigay sa cook ang order ng tatlong teenagers.
![](https://img.wattpad.com/cover/299473769-288-k196823.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Basketball
RomantizmMayabang man ang unang naging pagkilala ni Pink sa sikat na basketball player na si Red Gutierrez, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito ng mabuti. Bukod sa super gwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sil...