*-meet.
Amethys del rosario.
Ang anak ng kapitbahay na kumare ng aking nanay.
Halos sabay kaming lumaki ni myths.pang apat siya sa limang anak ni aling tinay.nagiisang babae si myths sa kanilang lima,kaya makikita mo sa kilos at galaw nito na daig pa ang isang maton, baganat napaka ganda nito na parang isang diwatang nag-anyong tao,paborito nitong suotin ay mahabang t-shirt na hanggang beywang katerno ang three-fourths na maong..at ang paborito nitong round cap na kulay itim.
-"siya ang aking future wife!oOps. Sikreto lng iyon ha? Haha!
Yun eh kung makakaya ko siyang ligawan. Eh ni hindi ko nga siya malapitan.sa tuwing tititigan ko siya ay parang sasapakin niya ang mukha ko.ihh!! nakakatakot! tsk.
pero buti nalang mabait ang diyos! nalaman ko kasi sa aking nanay lorna na..kaming dalawa ay ipinagkasundo ng aming mga magigiting na ama..bago sila lamunin ng karagatan. matalik na magkaibigan kasi ang mga tatay namin na parehas mandaragat
.Oo as in mandaragat. Hindi marino huh,kundi yung tipikal na mangingisda.
parehas kaming ipinagbubuntis ng aming mga nanay noong panahong iyon.. kasasagsagan ng malakas na bagyo sa karagatan ng china, nilamun ng malaking alon ang barkong sinasakyan nila.pero bago iyon mangyari .. nagkasundo sila na sa takdang panahon kaming dalawa ay ikakasal at magiging mag asawa"-oh diba pang MMk kwento namin diba?haha!"-ay oo nga pala,di pako nakakapag pa kilala.sundan niyo nalang ang kwento ko at kung paano ko nalampasan ang hamon ng aking ama. "Pero alam niyo,-sabi nila
gwapo raw ako. Matangkad,Anung magagawa ko un ang sabi nila?diba?pero totoo naman iyon.haha!well thats life, lampa nga lang..ako! Wala rin haha.!
first day ng school ng una kong makilala si amethys 'myths' del rosario Grade four pa lang kami noon.syempre kinakabahan ako first day eh, parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. .terror kasi ang guro naming si mrs.atienza apat na estudyante na ang nabiktima niya.Oops hindi siya pumapatay o kumakain ng bata,binabato niya ng bakya ang mga batang makukulit.ang sinu mang tamaan nito ay derechong clinic.ganito kasi iyon.. dahan dahan akong pumasok sa aming silid aralan."-sakto wala pa si mam. Dito nalang ako sa may bandang gitna.. inilapag ko ang aking malaking bag sa upuan,ng akmang ilalapat ko na ang pwetan ko sa kahoy na upuan.biglang hinila ito ng dalawa kong kaklase na mahilig mang bully..lagapak ang puwet ko sa sahig.sunod sunod ang malakas ng tawanan ang aking narinig mula sa aking mga kaklase.-"mangiyak-ngiyak akong tumayo.pero ng makatayo ako ibinuhos naman ng mga kaklase ko ang lahat ng laman ng aking bag.
Tuluyan ng lumaglag ang luha ko sa ginawa nila,hinyaan ko nalang sila kaya habang tutulo ang mga luha ko,isa isa kong pinupulot ang mga lapis at notebook kong ang cover ay si doraemon,pati ang baon kong zesto at rebisco."-ng biglang pumasok ang isang cute na batang babae na bahagyang nakataas ang magkabilang manggas ng uniporme at sinapak ang dalawa kong kaklase, oO sinapak niya talaga as-in! "Kayong dalawa tumigil nga kayo.!"-pak! ,pak! Un ang tunog na narinig ko ng makita at lingunin ko ang dalawa,mangiyak-ngiyak at sapo ang namumulang mga pisnge.napamaang ako sa kanya..-lumapit siya saakin biglang nag slow-mo ang paligid..titig na titig ako sa napaka 'cute' na mukha niya napangiti ako ng makalapit na siya saakin. akala ko tutulungan niya akong pulutin ang mga gamit ko,pero nagulat ako ng sigawan niya ako."-hoy! ikaw huwag ka ngang lalampa-lampa!.iyakin! Ligpitin mo na yan at parating na si mam.!"-dali dali kong pinahid ang tumulong sipon sa ilong ko,at pinulot ang iba pang mga gamit ko at umupo sa katabing desk niya."-duon nagsimula ang paghanga at lihim na pagtingin ko sa kanya.
Ako nga pala si "demi"oh diba astig pangalan ko parang pang greek,wag mo lang bubuoin na demitrio,at mukhang pang-matanda.'haha!.sabi nila guwapo raw ako,matangkad,lampa nga lang, lumaki kasi akong my asthma tapos palagi kong suot ang aking antipara na halos sakupin na ang buong mukha ko..kaya ayun palagi nalang akong nabubully.
BINABASA MO ANG
Ang girlfriend kong Astig♡
Teen Fiction--------*------- pAano kung ang babaeng matagal mo ng hinahangaan ay siya palang nakatakda mong pakasalan? eh paano mo siya liligawan kung sa tingin pa lang niya napapa-atras kana?paano pa kaya kung lumapit siya sayo?eh di stuck up kana? mamahalin m...