Chapter 160:
•••
•••Ang nasa Mapa, nasa West ang Sand City. Nasa North kami galing, at mahabang kilometro na ang nalakad namin. Kaya ngayong nasa tinatawag na kami na 'Border' ng North, kailangan pa naming magpatuloy para makapasok sa border ng West.
Sa wakas nga eh, sa haba ng nilakad namin, nandito na kami sa Border ng North. Kung alam ko lang ang place kung saan kami ngayon, eh sana kanina pa kami andidito. Tss!
"Wala pa ba yung bangka?" tanong ni Ririna Waltz sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko at inamoy ko ang simoy ng hangin at dagat. Yes, nasa dagat na kami. I mean, wala pa as in nasa Dagat na talaga, wala pa kami sa tubig. Nasa lupa pa kami. Lupa pa ang Inaapakan namin. Nasa harapan palang namin yung dagat. May hinihintay pa kasi kami. Isa na doon ang tinutukoy ni Ririna Waltz na 'Bangka'. Maliban doon ay hinihintay din namin sina Sekaro Molave at Diane. Kumakain kasi silang dalawa sa loob. Tss!
Hindi naman kami nagreklamo. Mas mabuti yun, para naman makapag-pahinga ang Iba. At nasa loob sya ng Bahay ni Mang Inilog kumakain.
May nakatayong simpleng bahay na gawa sa kahoy dito malapit sa dagat. I mean, Isang kilometro pala yung layo ng bahay mula sa dagat. Si 'Mang Inilog' ay Isang simpleng tao na tinawag ang kanyang sarili na 'Mangingisda'. Matanda na sya. Sa tingin ko nga mga nasa 70's na sya? Pero nangingisda padin sya para mabuhay. Hindi naman sya nag-iisa. May kasama sya, kasama nya ang kanyang Anak na babae at ang dalawa nyang Apo na babae at lalake. Kumbaga, Apat silang nasa bahay.
Sya kaagad ang nakita namin pagkadating namin dito. Nag-iisa lang ang kanyang bahay na nakatayo dito. Nasabi ni Sekaro Molave na mukhang familiar sya sa lugar kung nasaan kami ngayon. Bale dati, maraming mga bahay dito, pero ngayon, nag-tataka sya kung bakit nawala lahat at mga puno nalang ang nakikita nya. Hindi lang yun, dahil may nag-iba din daw sa daan na tinatahak namin. Nagulat pa nga siya na pwede din palang dumaan sa 'ExitGate' papunta dito, yung unang punta nya kasi dito-kasama yung ka groupo nya, sa kabila sila dumaan. At naalala nya na yung daan lang sa kabila ang tanging daan papunta dito.
Nakilala kaagad kami ni Mang Inilog. Hindi ang mga pangalan namin. Kundi dahil sa Wrist Band na suot-suot namin. Hindi man nakikita yung sa Iba, pero tingin palang ni Mang Inilog sa kamay nina Zairel Von at Keith na parehong walang suot-suot na Cloak ay alam kaagad niya na taga Celestial Magic Academy kami. At hinula nya kaagad na mukhang nasa Mission kami ngayon. At tama naman sya.
Kaya pinapasok nya muna kami sa kanyang simpleng tahanan para mamahinga muna. Isang simpleng tahanan na hindi malaki. Pero ramdam na ramdam ko ang saya sa loob. Pinakilala nya din sa amin ang kanyang anak na babae na si Eden at ang dalawa nyang Apo na sina Mark and Livin. Matapos nun ay pinakain nya kami.
Napangiti nalang ako ng maalala ko ang sinabi nya sa amin.
"Pasensya na kung ito lang ang maibibigay namin sa inyo. Isda at kanin lang talaga ang meron kami. Pasensya na..."
Hindi marami ang nakalatag na kanin at Isda sa mesa. Kung titingnan ko nga ay kasya lang sa Apat at Limang Tao... 'Kasya lang sa kanilang Apat'... Pero... Hindi kami nagreklamo. Lalong-lalo na si Sekaro Molave at Diane na pasigaw na nagpasalamat. Hindi isang sigaw na bastos, kundi sigaw na nagpapasalamat dahil na appreciate nila ang Ibinigay na pagkain sa kanila. Tuwang-tuwa na nga ang reaction sa mukha ni Sekaro.
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)
Fantasy[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2021 END: *waiting*