Chapter 161:
•••
•••<• CATARINA CLAES POV •>
"Sanchez! Sanchez! Sanchez!"
Mabilis kong naidilat ang mga mata ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang hindi familiar na lugar ang bumungad sa akin. Mabilis akong napatayo at pinasadahan ng tingin ang buong paligid.
Napansin kong nakatayo ako sa tubig. Hindi ako lumulubog. Nakatayo lang ako na parang Isang lupa ang aking Inaapakan. At hindi ko din nakikita ang sarili ko sa tubig. Nandito ako nakatayo, pero ni hindi ko nakikita ang sarili ko sa tubig.
Isang malakas na paghampas ang narinig ko sa tubig. Gumawa ito ng malaking Alon, pero hindi man lang ako natamaan ng malaking alon na iyon. May pumapatak na tubig galing sa madilim na kalangitan, pero hindi ko man lang maramdaman sa sarili ko na tumama ito sa akin.
Medyo bumabagyo din ata.
Napatingin ako sa gawi kung saan nanggaling ang paghampas sa tubig. At hindi ko mapigilan na magulat sa aking nakita. Unti-unti nading pumasok sa Isip ko kung nasaan ako ngayon. Kilala ko nadin kung sino ang may kagagawan sa paghampas ng tubig.
Nakatayo ako sa tubig. Sa gitna ng tubig dahil ni wala akong makitang Isla. Familiar ako sa amoy ng tubig. Hindi man ako nahahawakan ng tubig, at hindi ko din naman mahahawakan ang tubig, pero naaamoy ko ito. Amoy maalat. Parang... Nasa Isang dagat ako.
At ang may kagagawan sa paghampas ng tubig. Ay Isang Higanteng Sea Monster. Familiar ako sa anyo nito dahil nakikita ko na ang Itshura nito sa mga librong nababasa ko. Pero... Kakaiba ang Itshura ng Ibang parte ng katawan ng Sea Monster na ngayon ko lang talaga nakita. Kakaibang Itshura ng Isang Sea Monster.
Pero anong ginagawa ng Sea Monster nato dito sa Ibabaw ng dagat? Akala ko ba nasa Ilalim ang lugar nila? Bakit to andito? At mukhang may Inaatake?
Dahil kanina ko pa talaga naririnig ang sigawan. Sigawan ng mga hindi familiar na mga boses. Paulit-ulit.
"Sanchez! Sanchez! Sanchez!"
"TULONG!"
"TULONG!"
"HALIMAW KA!"
Sumingkit ang mga mata ko at mas tinitigang mabuti ang parte ng lugar kung saan nanggaling ang mga sigaw na iyon. Mula sa malayo, may nakikita akong lumulutang na bangka, may nakasakay na Apat na Tao doon. Ang Apat ay pilit na nag-papaddle gamit ang Wooden Paddle Boat. Pinipilit nilang makalayo sa Isang Higanteng Sea Monster. Kaso hindi sila pinapaalis nito. Tumatama sa kanila ang malaking buntot ng Sea Monster kaya napapasigaw sila.
Hanggang sa Isa sa kanila ay natamaan at tumalsik ang kanyang dugo sa Ibat-ibang parte ng sakay-sakay nilang bangka.
"SANCHEZ!" sigaw ng Tatlo.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. May napansin kasi ako, bago pa man matamaan ng matutulis na buntot ang lalakeng tinatawag nilang 'Sanchez' ay may dugo na ito sa kanyang katawan. At may dugo nadin sa Ibang parte ng Bangka nila. Hindi kaya... Ay pangalawang beses na syang matamaan? O baka naman tatlong beses na?
Eh punyeta! Mamamatay sya kapag nadagdagan pa yan!
Isang malakas na sigaw ng Sea Monster ang narinig ko. Kasabay nun ay nakita ko nalang na tumaob na ang Bangka at lahat sila ay nahulog. Nakalutang padin ang bangka, pero naka-taob ito at hindi pa bumabalik sa dati.
BINABASA MO ANG
Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)
Fantasía[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2021 END: *waiting*