Chapter 170: PRINCE of SAND CITY and SOR CAPTAIN ARC (Part 2)

101 7 6
                                    


IMPORTANT ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️ Medyo matatagalan na po talaga ang update ko sa book na ito, because starting today, August 19, 2024-it's my First Day of School-In College... I need to focus on my Academic. Dahil siguro sa program na pinili ko, at more-on-travelling na kami. So busy talaga. Sorry... Pero... Titingnan ko lang kung makakapag-update pa ba Ako. Let's see...












 Let's see

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




















Chapter 170: "Zairel Von and SOR Captain Fox ARC!"















•••
•••

















"PARA makabalik kayo sa present time. Go and look for her, my Mother..." Ang narinig kong huling wika ni Master Catafena bago kami hinigop ng liwanag at hinila papasok.

INILABAS kami ng portal sa hindi familiar na lugar. Bumagsak ako sa Isang matigas na likuran, pero naunang bumagsak sina Lay at Matt kaya ligtas akong bumagsak sa likuran nila.

"Arayyy ko!" daing ko kaya dali-dali kaagad akong tumayo. "Sorry La-" Natigilan ako nang makita ang position nilang dalawa.

Si Matt ay nakahiga sa lupa, habang nakapatong naman si Lay sa kan'ya. At ito pa ang mas nakakagulat... Magkadikit ang mga labi nila. Parehong may gulat na reaction sa mukha. Para bang hindi 'rin nila inaasahan na mangyayari ang ganiyang position.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil sa pagkagulat. Juskooo! Master Catafena! Ang dalawa niyong studyante!

"Sh*t!" Mabilis na tumayo si Lay. "S-s-sorry... Matt!" Namumula ang buo niyang mukha. "S-s-sorry!!!"

Mula sa pagkagulat, napalitan ng ngisi ang mukha ko. "Ehem, ehem, kayong dalawa hah." pagtutukso ko sa kanila.

"Suna naman ihhh~" Tumalikod siya dahil sa kahihiyan. Tinalikuran niya kami.

Ehh???

Nagkibit-balikat na lang ako at inilahad ang kamay ko sa harapan ni Matt. "Here." Tinanggap niya naman ang nakalahad kong kamay at buong pwersa ko siyang hinila, hanggang sa makatayo.

"Kausapin mo," Gamit ang nguso ko ay ngumuso ako at itinuro ang parte na kung saan si Lay. "Kinuha mo first kiss niya." Nginisian ko siya.

"Suna..." Sumeryoso siya at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Oh? Kakausapin mo lang naman ah, at humingi ka ng sorry." Mahina kong sinuntok ang braso niya ng Isang beses. "Mag sorry ka. Kung ayaw mong forever ka na niyan na hindi papansinin."

Napabuntong-hininga Siya at tumango. Sinunod niya ang sinabi ko. NILAPITAN niya ang namumula at hindi makatingin sa kan'ya na si Lay. Natutuwa naman ako nang makita na magkatabi nanaman sila. Same as usual, kahit na medyo awkward sila ay nagagawa pa'rin nilang labanan ang pader na nakaharang sa harapan nila. Idaan lang yan ni Matt sa salita, babalik na'yan sa dati si Lay.

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon