8. Servant?

211 11 0
                                    


Yanna POV

Gabi na ng makauwi kami. Lalo kasi kaming natagalan sa naisip ni Dhale.

Ang akala ko ay hindi papayag sila mama pero nadisappoint ako ng sabihin nilang ' Magandang ideya yan ah. ' pero bigla rin naman ulit umaliwalas ang mukha ko ng sabihin ni papa na ' may tiwala naman ako diyan kaya siya ng bahala sa sarili niya. '

Totoo nga naman kasi, ilang taon din akong umiiwas sa mga manliligaw dahil sa promise na yun. Kaya dapat lang ako ang pumili ng magiging boyfriend ko in the near future.

- - - - -

Narrators POV

Pagod na pagod na ibinagsak ng dalaga ang katawan sa kama. Malapit na rin kasing maghatinggabi kaya antok na antok na siya.

Pagkahigang-pagkahiga niya ay pumikit agad siya at nakatulog.

- - - - -

Yanna POV

Sunod-sunod na katok at doorbell ang gumising sa aking mahimbing na pagtulog.

Tinignan ko ang wall clock sa kwarto.

4:05 AM Palang. Sino naman kaya ang pupunta rito ng ganito kaaga?

Dahil sa alam kong puyat din ang mga magulang ko ay ako na ang bumaba para tignan kong sino ang aming bisita sa ganitong oras.

Tila napawi ang antok ko ng makita na mga palace guards ang kanina pa kumakatok sa pinto.

Dahil sa gulat ay agad akong tumakbo para tawagin ang parents ko.

- - - - -

Kei POV

"Sakura! Sakura! Nasan na ba ang babaeng iyon? " Galit na sigaw ko.

Kakauwi ko lang galing sa bahay ng last girlfriend na binreak ko. Tinawagan kasi ako ng mga magulang niya and send na hindi raw ito kumakain sa tamang oras and umiiyak lang sa kwarto.

I came there dahil almost two months na since binreak ko ang anak nila. Ipinaliwanag ko muna sa kanila ang lahat then kinausap ko ang anak nila. Eventually, nadaan naman siya sa magandang at maayos na usapan.

Pero bago ako makauwi sa palasyo ay sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sakin. Kung kelan naman nagbabagong buhay na eh.

"Prince Kei, Wala na po si Sakura." mahinahong sabi ng tagalinis ng kwarto ko at ni Suoh. Samantala ang babaeng hinahanap ko ay ang Personal Maid ko.

"Ano? Anong Wala? Tsk. Nasan na yung kapalit? " sunod-sunod na tanong ko. Paano ba naman kasi, kung kelan mainit ang ulo ko tsaka naman mawawala yung tagapagsilbi ko.

"Sa pagkakaalam ko po ay humahanap pa sila ng kapalit. Tapos po si Sakura po, kailangan na po niyang umalis dahil nagsakit po ang papa niya at kailangan ng magbabantay at tutulong sa mama niya." Sagot nito sa akin.

Tumango naman ako. "Ganun ba? Kelan siya umalis? " tanong ko.

"Kanina lang po." Sagot nito pagkatapos ay yumuko.

Tumango lang ulit ako. "Oo nga pala, Sharlene! Ligpitin mo na nga tong kalat at ng makatulog na ko. Bilisan mo! " utos ko rito na agad namang tumalima.

- - - - -

Yanna POV

"Mag-iingat ka, anak." Bilin sa akin ni mama at papa. Tumango naman ako sakanila.

"Oo nga ate! Tsaka wag kang tatakas kasi baka maligaw ." Biro ng kapatid ko kaya natawa tuloy ako. Alam ko naman na mamimiss ako nito pero kunwari pa. Dinadaan-daan pa ko sa biro.

"Opo, Boss." Natatawang sabi ko pero nangingilid na ang luha. "Mag-iingat din kayo. " sabi ko Sabay yakap sa kanilang tatlo. Yung pinsan ko kasi tulog pa. Tulog mantika talaga.

"Mamimiss ka namin ate." Sabi ng kapatid ko at tuluyan na ngang bumagsak ang aming mga luha.

"Ako rin." Mahinang sabi ko habang umiiyak.

Maya-maya lang ay tinawag na ako kaya't tuluyan na akong nagpaalam sa kanila.

Sumakay na kami sa karwahe patungong palasyo. Ako kasi ang napiling pumalit sa pwesto ni Sakura.

Si Ate Sakura na aming kapit-bahay. Nagkasakit kasi ang papa nito dahilan upang makauwi siya ng permanente sa kanilang tahanan.

Sinabi naman niya sa akin na madali lang ang kanyang trabaho sapagkat madalas ay Wala raw sa palasyo ang taong kanyang pinagsisilbihan. Basta raw ay huwag na huwag itong gagalitin kapag mainit ang ulo dahil nakakatakot daw ito na pati ang Hari at Reyna ay walang magawa.

Nacurious naman ako kung sino iyon. Ngunit nang tatanungin ko na ay binaba na siya sa kanilang tahanan.

Napabuntong-hininga nalamang ako. Goodluck to me. I said to myself.

- - - - -

Hindi ko lubos akalain na dito rin pala ang bagsak ko kahit ako ay nakapagkatapos na. Kundangan ba naman kasing major requirement ng palasyo ang graduate na. Hay! Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko.

Ngayon nasa loob na kami ng palasyo, hindi ko pa rin talaga maiwasang humanga sa ganda nito.

Kung dati ay hanggang tingin lang ako sa malayo ngayon ay dito na mismo ako titira. Buti sana kung para maging Prinsesa pero hindi eh, para maging isang servant. Tsk. Sa sobrang hilig ko sa fairytale ito tuloy ang napapala ko.

"Come." Sabi sa akin ng isang palace guard. Nauuna siyang lumakad kaya naman ay sumusunod lang ako. Masyado kasing malawak ang lugar na ito baka maligaw ako.

At dahil tamad akong mag-describe. Ang masasabi ko lang ay parang kahawig nito ang palasyo sa Cinderella. Malawak kasi ito at pag sinabi kong malawak ay talagang malawak. May malawak na lupain kasi akong nakita, na pwede ng tayuan ng isang baryo. To think na nasa loob na ito ng palasyo.

Napatigil naman ako sa pagsa-sight seeing na parang turista ng biglang magsalita si Palace Guard.

"Huwag kang mag-alala. Mababait ang mga tao rito." Sabi nito sa akin ng nakangiti kaya't ngitian ko rin siya.

Sana. Sabi ko sa isip. Pero kung iisiping mabuti, kilala ko naman ang mga Prinsipe kahit papaano at mabait naman sila.

Speaking of Prince. Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa pagtawag kay Kei ng Prince Kei. Kasi alam ko, magku-krus at magku-krus ang landas namin dito kasi Prinsipe siya.

Pero sino kaya ang pagsisilbihan ko??

- - - - -

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon