22. Pahiya Konti

124 9 0
                                    


CHAPTER 22

PAHIYA KONTI

* - - - - - *

YANNA POV

"What? " iritableng tanong sa akin ni Prince Kei ng tumingin ako sa kanya. Natatawa talaga ako sa itsura niya, pero alam kong lalo tong magagalit kapag tumawa ulit ako. Hahaha!! Kasi naman! Napahiya na nga, pinagtatawanan ko pa. Dahil sobrang busy ako sa pagpigil sa tawa ko, di ko napansin na nakakagat na pala ako sa labi ko at may malawak na ngiti sa labi na lalong nagpairita sa lalaking nasa harap ko. "Ano ba kasing nakakatawa? " naiirita niya ulit na tanong but this time inagaw na niya sa akin ang sulat.

Nag-inhale exhale muna ako para mapakalma ang sarili. Ng kalamado na ako tsaka ako nagsalita. "Hindi ako nagsulat niyan." Diretsong sabi ko. Wala ng ngiti sa labi ko pero makikita naman sa mata ko na sobrang naaaliw ako. Narinig ko siyang mahinang nagmura, tinignan niya ang sulat at binasang muli. Maya-maya ay unti-unti niya itong nilukot at hinagis sa pinaka-malapit na trash can. "Oh, diba? " pang-aasar ko sa kanya. Haha!! Sigurado ako na narealize na niya ngayon na hindi ganun ang sulat ko.

Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos ay paulit-ulit na nagmura ng mahina. Hindi ko na napigilan ang tawa ko na naging dahilan para tumalikod siya. "Nadali ako dun ah. " naiiling na sabi niya ng maka-recover na siya sa pagkapahiya.

"Haha!! Don't worry! Gwapo ka pa rin naman." Connect? Wala! Pang-uto lang. Haha!!

Humarap siya sa akin ng may ngiti sa labi.

Ay naku! Napuri kasi. XD

Natatawang sabi ko sa isip.

Pero ayos lang yan. Baka kasi last na to :(

"Napahiya ako dun ah." Nangingiting sabi niya with matching kamot sa batok.

"Konti lang naman." Nakangiti kong sabi with matching action. Yung katulad sa commercial sa T.V.

Natawa naman siya sa action ko pero maya-maya ay lumapit siya sa akin at yinakap ako. Yung yakap na sobrang higpit. Yung tipong ayaw na niya akong pakawalan. "Pwede bang dito ka nalang? "  malambing na tanong niya that made my smile faded. Ngayon ko naramdaman yung lungkot.

"Kung pwede lang." Mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya. Narinig ko siyang nagbuntong-hininga pagkatapos ay mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Nang mapansin kong pinagtitinginan na kami ay bumulong ako. "Pinagtitinginan na tayo." Bulong ko sa kanya.

I heard him chuckle. "Kaya nga ko nakayakap diba? " sabi nito that made me puzzled.

Ano daw?

Tanong ko sa isip dahil hindi ko talaga siya nagets. Pero ng maramdaman kong lalong siyang nagsumiksik sa leeg ko, tsaka ko lang narealize na tinatago pala niya yung mukha niya.

Natawa naman daw ako. Haha!! "Kelan ka babalik." Bulong niya that made me shiver. Ang adik naman kasi! Alam naman niyang todo siksik siya sa leeg ko, kung magsalita akala mo nang-aakit.

Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala mag-usap ng magkayakap tapos yung kausap mo pa tinatago yung mukha niya sa leeg mo. At medyo nakakaconcious kasi pinagtitinginan kami ng mangilan-ngilan na nagdadaan. Siguro iniisip nila kung bakit kanina pa kami magkayakap at nagbubulungan. "Hindi ko alam." Malungkot kong Sagot sa kanya.

"Hindi mo alam? " takang-tanong niya. Marahan akong tumango.

"Hmm... hindi ko alam kung kelan o kung makakabalik pa ba ako. " mahinang sabi ko na medyo naluluha na. Nagulat ako ng biglang siyang bumitaw sa yakap at tinitigan ako sa mata. "Kei!! " mahina kong saway sa kanya. Paano ba naman kasi, nakitang kong natigilan yung mga taong nakatingin sa amin ng makita nila ang mukha ng lalaking kayakap ko. Sino ba namang hindi diba? Hello!! Prince Kei lang naman ang kayakap ko sa Airport diba? "Kei! " saway ko ulit sa kanya pero parang wala siyang pakialam.

"Babalik ka! Alam ko yun. Maghihintay ako. Kahit gaano katagal." Malungkot niyang sabi sa akin habang nakatitig sa mata ko. Napangiti naman ako. Aasarin ko pa sana siya kaso ng mapatingin ako sa orasan ay malapit na kaming umalis.

"I love you. " yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Malungkot na ngumiti siya pagkatapos ay niyakap ulit ako.

"I love you too. " bulong niya. Bumitiw siya sa yakap and with a blink of an eye ay sakop na ng labi niya ang labi ko. Napapikit nalang ako dahil ayaw kong makita ang reaksyon ng mga tao na akala mo luluwa na ang mga mata. And besides, I wanted to enjoy this moment. Magkalapat lang ang mga labi namin. Maya-maya ay bumitaw na siya, pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Kahit nakakaduling ay nakikipagtitigan pa rin ako sa kanya. "Maghihintay ako." Ang huling sinabi niya bago ako ihatid sa departure area.

- - - - -

You're Only MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon