Meet The Family

490 19 5
                                    

Matapos ang kadramahan ng 'mag-ama', nagawa na rin naming pumasok sa bahay which is himalang walang tao.

"'Nak 'san mga tao dito", baling ko kay Lacus.

"Bumili silang ulam, 'Ma. Sigurado matutuwa sila pag nalaman nilang dumating na yung Papa ko", ngiting ngiting sabi ni Lacus.

Hindi ko magawang sabihin sa anak ko ang totoo lalo na't kitang kita ko ang sobrang saya niya, kundangan ba naman kasi at napaka-sinungaling ng Libag na 'to.

"Oo naman ,'nak. Matutuwa talaga sila para sayo. Akyat muna 'ko sa taas ah, palit lang si Mama ng damit. Hoy Libag, alagaan mo yang anak ko!", sabi ko sabay baling kay Libag.

"Anak natin, mahal at oo naman aalagaan ko tong prinsesa natin", nakangiting sabi niya sabay yakap ulit sa anak kong karga karga niya na bumungisngis naman sa nangyari.

Umakyat na lang ako at mabilis na nagpalit ng damit habang nasa isip pa rin ang kakaibang saya ni Lacus sa kaalamang may Papa rin siya. Akala ko sapat na lahat ng pagmamahal ko sa kanya lalo't andyan naman si Tatay para tumayong father figure sa kanya pero mukhang kulang pa rin yun. Iba pa rin siguro talaga 'pag may sarili kang ama at dahil nakialam na rin si Fang puwes kailangang panindigan niya na ang pagiging ama sa anak ko.

Hindi ko muna iisipin kung anong mangyayari pag nalaman niya ang tungkol sa makapangyarihang gayuma ni Lola na siyang dahilan kung bakit nandito siya ngayon.

Bumaba na lang ako para lang magulat sa kakaibang eksena sa sala.

Hawak hawak ng dalawang kapatid ko si Fang sa magkabilang braso habang umiiyak naman si Lacus sa gilid at paikot-ikot kay Fang ang buong pamilya ko. Nakita ko ring putok na ang labi niya at may black eye na rin siya.

"Papu, siya nga po yung Papa ko. Pakawalan ninyo na po siya", umiiyak na pakiusap ng anak ko.

"Hindi mo siya ama, Lacus. Matagal ng patay ang tunay mong ama kaya hindi maaaring itong taong 'to ang tatay mo", matigas na sabi ng Tatay. Nasa gilid ako ng hagdan at hindi pa nila ako napapansin kaya pinapanood ko muna sila.

"Hindi po totoo yan, siya po yung Papa ko. Please, Lolo pakawalan ninyo na si Papa baka pag nagalit siya sa inyo, iwan na naman niya kami ni Mama. Please po Lolo paalisin ninyo na si Papa diyan", sabi ni Lacus sabay iyak ng malakas na siyang dahilan kung bakit binitiwan na ng mga kapatid ko si Fang.

Lumapit naman si Fang kay Lacus at niyakap ito.

"Tahan na, anak 'di na aalis si Papa 'di ko na kayo iiwan ni Mama. Dito na lang ako lagi", sabi niya at himalang tumigil sa pag-iyak ang anak ko.

"Talaga po"

"Talagang-talaga"

At masayang nagyakap ang mag-ama habang masama ang tingin ng pamilya ko sa kanila.

Napahawak na lang ako sa kadramahan ng mga tao sa bahay na 'to daig ko pa ang nasa telenovela.

"Welcome back, family", pambungad ko sa kanila at sa wakas napansin rin nila ako

"LORRAINE ALITAGTAG! ANONG NANGYAYARI DITO???", agad na tanong ni Tatay sa mataas na boses.

*******
Matapos ang ilang minuto ng pagpapaliwanag at formal introduction sa dalawang panig ay kahit papaano nagkaroon din ng 'katahimikan' sa bahay. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng katotohanan minus-the-ginayuma-siya-ni-lola part.

Sa ngayon magkatapat na nakaupo sa magkabilang sofa sina Fang at si Tatay. Si Nanay ay kumuha ng pagkain sa kusina. Nasa likod naman ni Tatay ang mga kapatid ko habang kandong naman ni Fang si Lacus at nakaupo ako sa tabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Albularya at ang CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon