Where are we going?

543 26 1
                                    

Author's Note:

Sorry po sa napakatagal na update nito medyo naging busy lang talaga.

Si Lacus po yung nasa gilid..

Sana po magustuhan ninyo...

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<

Lora's POV

Nagbiyahe nga kami nitong si Fang papunta sa bahay namin. Tahimik lang siyang nagmamaneho pero siyempre hindi ako sanay sa katahimikan kaya hindi na naman ako mapakali sa kinauupuan ko.

"Uy! Libag, mabuti pinapayagan ka ng amo mong gamitin ng matagal ang kotse niya", pangungulit ko lang saka mukha kasing maganda ang kita niya dito tingnan mo naman kasi yung damit niya mukhang tunay kahit alam ko namang japeyk lang yan.

"Amo?"

"Tangek, siyempre yung may ari nitong kotse. 'Di ba, driver ka?"

"Ha! Why did you think that- Ah, ba't mo naman naisip na driver ako", sabi niya at kung nagtaka kayo sa pagbabago niya ng salita 'yun ay dahil sa tiningnan ko lang naman siya ng matalim i-english pa eh!

"Excuses moi, anong tingin mo sa akin maniniwala na big shot ka dahil lang dito sa kotse mong mukhang pang-mayaman. You joking me! Saka alam ko naman na ganyan talaga dumiskarte ang mga driver ngayon ginagamit ang uniporme at kotse ng amo para dumiskarte. Ha! Mas mautak kaya ako sa iniisip mo", proud na proud sa sarili na sabi ko. Ang bangis ko talaga, akala niya ata maloloko niya ko eh.

"You've gotta be kidding me!", pabulong na sabi ni Fang pero narinig ko pa rin.

"Anong sabi mo?", hindi ko na naman kasi 'to maintindihan puro kasi english ang pinagsasabi.

"Wala, itinatanong ko lang kung ano nga yung unang tanong mo para naman masagot ko para sayo Liyag", nakangiti pa ring sabi niya

"Ah, yun lang pala pabulong- bulong ka pa. Gusto ko lang malaman kung bakit pinapayagan ka ng amo mo na gamitin 'to ng matagal?"

"He's a-always outside the country s-so he'd given me free reign in his properties"

Nakanganga lang ako sa kanya, di ko talaga naintindihan yung sinabi niya pero iba talaga siya ang galing naman niyang um-english

"Don't english me, I don't kill anybody 'cause my brother is not a pig", sabi ko naman na inaasahan man lang kahit konting kooperasyon niya. Napasimangot tuloy ako sa ginawa niya.

"Uy makisama ka naman, nag-joke ako, tumawa ka naman"

"Ah ganon ba! Hahaha. O, ayan na Liyag ah tumawa na ko, ngumiti ka na 'di bagay sayo yang simangot na 'yan"

Pasimple naman akong napangiti. Aba, ayos talaga 'tong lalaking nakakakilala ng tunay na kagandahan.

Napatingin na lang ako sa labas at sakto namang asa edsa na pala kami.

"'Pag nakarating ka ng Monumento kaliwa ka ha tapos dire-diretso ka lang hanggang makarating tayong Sangandaan tapos pag nandon ka na kaliwa ka ulit", pagbibigay ko naman ng daan para mabilis na kaming makarating sa bahay.

"Ahm, if you don't mind sa'n ba yung Monumento na sinasabi mo saka ano yung Sangangkaan ba yun?", mukhang gulong gulong tanong nitong si Fang.

Ang cute cute niyang sakalin, Monumento at Sangangdaan na lang 'di pa niya alam.

BADTRIP

"Ano ba naman 'yan, Fang driver ka tapos Monumento lang 'di mo pa alam. Ibang klase ka din, ano lang bang alam mong daan? Papuntang ShangRila at Manila Pen? Pwes di pupuwede sa akin ang ganyan kung gusto mong tanggapin kita sa buhay ko pansamantala dapat alam mo yang mga lugar na yan pati na rin Divisoria, Quiapo Church at maraming marami pang iba. Hindi porke't driver ka ng mayamang tao ay magpapaka-sosyal ka na rin. Intiendes?

Ang Albularya at ang CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon