Si Madam Lora

996 33 9
                                    

"Manalangin tayo", sabi ko at yumuko na para umpisahan ang panalangin.

Pagkatapos ng panalangin ay naghawak-hawak kamay kami at maya maya pa ay tinawag na namin ang kaluluwa ng namayapa nilang kaanak na si Bernardo Carpio.

"Lumapit ka sa amin Bernado nais naming makausap ang iyong kaluluwa. TINATAWAG KA NAMIN!!!!!!, pasigaw na sabi ko. Biglang humangin ng malakas mukhang binuksan na ni Boyet ang bentilador na nakatago sa likuran namin. Nagyakap yakap naman ang mga kasama ko sa takot habang ako ay tumatapat pa sa bentilador, medyo mainit kasi dito.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nag-umpisa na akong manginig, senyales na sinasapian na ako ng kaluluwa ni Bernardo Carpio.

"Mahal ko", sabi ko sa malagom na boses.

"Mahal ko, ikaw na ba iyan? Kumusta ka na diyan? Miss na miss ka na namin", pahagulgol na sabi Mrs. Carpio.

"Ako na nga ito, mahal ko. Okay naman ako dito. Miss na miss ko na din kayo. Mga anak, tapusin niyo ang pag-aaral niyo at alagaan niyo ang inyong Ina. Pakibigyan na rin ng malaking tip itong alburyang 'to", sabi ko ulit.

"Opo Papa", hagulgol na sagot din ng isa sa mga anak ng mag-asawa.

"Mahal ko", hagulgol ulit ni Mrs. Carpio sabay yakap sa akin.

"Ehem, Ehem", pag-ubo ni Boyet na assistant ko.

"Tapos na po ang sampung minuto, Mrs. Carpio. Marami pa pong nakapila sa labas", sabi niya sa pamilya.

"Oo nga pala, sige. Maraming salamat sa inyo at nakausap ko ang aking pinakamamahal na si Bernardo. Magkano ba ang bayad", sabi ni Mrs. Carpio.

"Hindi po nagpapabayad si Madam Lora pero meron po kaming donation box dito ngunit subalit datapwat hindi po ito tumatanggap ng hindi bababa sa 500 pesos lalo na't nakausap ninyo ng personal ang inyong asawa", sabi ni Boyet.

"Ah ganon ba eto oh!!!", sabi niya sabay hulog ng 1000 piso sa box na siyang nagpalaki ng mga mata namin ni Boyet pero siyempre hindi kami nagpahalata. Patuloy lang ako sa pag-Hmm Hmm at pikit ang mata ko para mukhang nagco-concentrate ako.

Lumabas ang mag-anak na masayang masaya. Dumilat agad ako at tiningnan ng mabuti ang box, 1000 nga talaga yung nakalagay. Jackpot kami ngayon!!

"Ang galing mo doon, Ate", sabi agad sa akin ni Boyet sabay high-five.

"Siyempre ako pa", tawa ko naman sabay apir sa kanya.

Hindi naman talaga ako sinapian ng kaluluwa ni Mr. Bernardo Carpio kanina pa-effect ko lang yun pero totoong nakakakita at nakakausap ako ng mga kaluluwa. Nakausap ko talaga si Mr. Carpio hindi ko na lang sinabi sa asawa niya at nagkunwari na lang na sinasapian, mas mahal kasi ang bayad kapag nakausap nila ng personal ang mga namayapang mahal nila sa buhay. Nagpaalam naman ako kay Mr. Carpio at sabi niya ay okay lang naman daw at least totoo naman ang mga sinasabi ko.

Sinabihan ko nga rin pala siyang kailangan ninyo ng kasama kaya lingon sa kaliwa lingon sa kanan baka siya na yang katabi ninyo. Ikumusta ninyo na lang ako sa kanya. Ha Ha Ha, joke lang.

Ako nga pala si Lora, short for Lorraine. Madam Lora kung tawagin dito sa dahil sa aking kakaibang trabaho. Ako ang takbuhan ng mga babaeng sawi sa pag-ibig, gustong makausap ang mga namayapa nilang kamag-anak, gustong makita ang kanilang hinaharap,mga taong gustong humingi ng payo, mga nagkaroon ng kakaibang mga sakit, mga nakatapak ng duwende, nagustuhan ng tikbalang at napagtripan ng mga engkanto. Nagbebenta rin ako dito ng Avon, SaraLee, Natasha, at SoEn, 3 gives lang may payong pang kasama.

Ang Albularya at ang CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon