Epilogue

238 5 4
                                    

Epilogue

Matapos manaig laban sa kaharian ng Tenes, hindi lang kaharian ng Catana ang nagdiwang kung hindi pati na rin ang buong Askan. Noon pa man, marami ang buhay na nasayang dahil sa kasamaan ni Haring Leryo. Ngayong wala na ang masamang haring Catana, marami ang nakaramdam ng kaginhawaan.

Si Luasan, ang anak ng dating haring si Leryo, ay humalili sa kaniya sa pamumuno sa kaharian nito. Nasasaktan siya sa kinahantungan ng kaniyang ama ngunit naintindihan niya kung bakit ito nangyari. Sa halip, nakipag-usap ito sa mga pinuno ng lahat ng mga kaharian sa Askan, lalong lalo na ang mga nakaranas ng paghihirap sa mga kamay ng ama. Humingi ito ng kapatawaran at nakipagtulungan sa lahat para makamit ang kapayapaan sa buong Askan.

Sa kabilang dako, nagdalamhati ang buong kaharian ng Foresia dahil sa pagkasawi ni Prinsesa Kyara. Sa pagkakaalam ng lahat, namatay ito dahil sa malubhang sakit. May mga sabi-sabing lumabas na dulot ito sa kalungkutang nadarama pagkatapos pagbawalang makipagrelasyon sa isang ordinaryong binatilyo.

Kasabay rin nito, hindi nakitang muli ang iniibig nitong si Crisanto. Nakapagtataka ring hindi gaanong nasasaktan ang ina sa pagkawala nito.

Samantala, si Kalib, ang natakatakdang maging hari ng Catana, ay mukhang naging abala sa mga tungkulin nito sa kaharian bilang isang prinsepe. Lahat ng mga ipinapagaw ng bagong hari ay kaniyang sinusunod. Sa totoo lang, pati mga bagay na hindi na sakop ng kaniyang tungkulin ay ginagawa na rin niya gaya ng pagsasanay ng mga nais maging isang kawal.

Sino ang bagong hari? Walang iba kung hindi si Rysum. Nang mapadpad ito sa mundo ng mga tao, hindi na niya ginagamit ang mga natutunan noon sa kaharian. Ngunit nag-iba ang lahat nang nalagay sa panganib ang kaniyang anak na si Nadia.

Abala si Rysum sa muling pagbangon ng kaharian sa tulong ng mga natitirang mga sagi. Para magawa ang kaniyang tungkulin, kinailangan niyang talikuran ang buhay niya sa mundo ng mga tao. Gayunpaman, pinangako niya sa kaniyang sarili na wala siyang ibang mamahalin kung hindi ang dati niyang asawa – si Corazon.

"Masusunod, kamahalan," pagsangayon ni Kalib nang maatasan ng hari na imbestigahan ang nangyayaring mga patayan sa hilagang bahagi ng Askan kung saaan sinasabing may mga rebeldeng mga nakatira.

Sa totoo lang, hindi kinailangang si Kalib ang gumawa sa trabahong ito ngunit batid ng hari ang naramdamang pangungulila ng prinsepe nang lisanin ni Nadia ang Askan. Alam niyang sa pamamagitan ng pagiging abala sa mga bagay, maaaring maibsan ang nadaramang ito. Alam niya dahil ito rin ang kaniyang ginagawa.

Ilang buwan na ang nakalipas...

Kakasilang lamang ng araw. Ang mga taong nakatira sa kaharian ng Catana ay nagtitipun-tipon para sa isan mahalagang pangyayari, ang pagbabalik ni Nadia sa mundo ng mga tao. Dahil sa pagkawala dating lagusan papunta sa mundo ng mga tao, hindi na basta-basta ang makalabas at pasok sa Askan.

Gayunpaman, ayon sa mga sagi, may iisang paraan para makabalik si Nadia sa mundong pinanggalingan pero sa paraang ito, iisang nilalang lamang ang pwedeng gagamit. Dahil sa katayuan ni Nadia ay napagkasunduan ng lahat ng mga sagi na si Nadia ang gagamit rito. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na maaaring makakabalik pa sa mundo ng mga tao si Rysum kahit nanaisin pa niya.

Isang engkantasyon ang gaawin para makabalik sa mundo ng mga to si Nadia at dahil napakadelikado nito, kinailangang gagawin ito nang walang ibang taong makakita maliban sa mga sagi na gagawa sa engkantasyon.

Nasa pagtitipon lahat ng mga kakilala ni Nadia. Nakakapagpaalam na siya kay Leticia. Sa araw na ito, hindi na nakikita si Crisanto. Nakaramdam ng awa si Nadia kay Leticia dahil dito. Naaawa rin siya sa magkasintahan dahil saksi siya kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Nag-uusap na rin sila ng kaniyang ama.

"Nadia, anak, alagaan mo ang iyong ina at kapatid, okay?"

"Yes, dad. I'll miss you."

"Mamimis din kita, anak. Anyway, magkikita rin naman tayo sa pagdating ng panahon," sabi ni Rysum sa anak.

Bago tuluyang pumasok sa silid kung saan gaganapin ang engkantasyon, lumingon si Nadia sa huling pagkakataon. Animo'y may hinahanap ang mga mata nito. Dito nakita nga niya ang kaniyang hinahanap.

"Akala ko hindi mo na kakausapin o kahit magpaalam man lang bago ka bumalik sa mundo ng mga tao," sambit ni Kalib nang lapitan siya nito. Nakalagay ang mga kamay ng prinsepe sa likod nito.

"Pwede ba 'yon?" sagot ni Nadia nang nakatawa.

Mas lalo pa itong napatawa nang makitang namumula ang mukha ng binata.

"Ano ka ba? Tumigil ka nga!" saway ni Kalib. Hindi man niya makita ang sarili, nararamdaman niyang namumula ang kaniyang mukha.

Nang hindi tumigil sa pagtawa si Nadia, ginawa ni Kalib ang hindi inaasahan. Hinalikan niya sa labi ang babae. Dito, si Nadia naman ang namumula.

"Papatayin ako ng amang hari nito, pero sulit naman," biro ng prinsepe nang hawakan ng lalaki ang kamay ni Nadia at saka hinalikan ito.

Nang mapansin ni Kalib ang seryosong mukha ni Rysum unti-unti nang binitawan ni Kalib ang kamay ni Nadia at batid ni Nadia ang dahilan na naging dahilan para mapatawa sila ng malakas.

"Mamimis kita," pagtatapat ng prinsepe kay Nadia. Hindi nais ipakita ni Kalib ang kalungkutang nadarama dulot ng pag-alis ni Nadia. Alam niyang pareho silang may nararamdaman sa isa't isa. Nungit hindi niya maikubli ang nadaramang ito.

"Ako rin naman , eh," sagot ni Nadia na halatang pilit na ngumiti.

"Basta, mangako ka na babalik ka sa Askan, Nadia. Maghihintay ako. Ikaw lang ang reyna sa buhay ko."

"Oo na! Babalik ako. Pangako," sambit ni Nadia bago pa tuluyang dumaloy ang luha nito.

"Sige na. Bago pa magbago ang isip ko at hindi na kita papayagang makaalis pa." Kahit tumawa silang dalawa rito, batid nilang dawala ang kalungkutan dahil silay mag-iibang landas pansamantala.

Batid ni Kalib na magbabalik si Nadia sa kaniya sa tamang panahon ngunit ngayong natutunan na niyang mahalin ang babae, hindi na niya nais mapawalay pa sa kaniya ng kahit isang segundo. Gayunpaman, kailangan niyang respituin ang nais nito. Ang magagawa na lamang niya ay ang maghintay sa pagbabalik nito.

Wakas.

Foresia (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon