Chapter 3

607 25 0
                                    


Chapter 3

"Nadia." Narining ni Nadia na may bumubulong sa kaniyang pangalan. "Nadia," muling sambit ng taong hindi niya kilala.

"Nadia." Sa pagkakataong ito namulat ng bata ang kanyang mga mata. Muli niyang naaalala ang huling mga pangyayari kung saan nagtatakbo siya sa kakahuyan habang hinahabol ng hindi kilalang nilalang. Napabuntong hininga na lamang ang bata nang napagtanto nitong panaginip lamang ang lahat dahil buhay pa siya ngayon at maliwanag na rin.

Sinubukan ni Nadia na igalaw ang kanyang katawan ngunit hapdi ng buong katawan nito sumalubong sa kanya at napapikit na lamang ito sa sakit. Hindi niya agad naaninag na may nakaupo sa gilid ng kanyang hinihigaan. Nanalaki na lamang ang kanyang mga mata nang makita ang isang nilalang na nakabalabal at may hawak na karit. Ngayon lang niya naaninag na nakaitim nga talaga ito at ang hawak nitong karit ay napakakintab na animo'y bagong pinatalas. Itinaas nito ang hawak na karit at akma nitong ihampas sa katawan ng nakahigang bata. Dahil sa takot at pagkabigla ay binuksan ng bata ang bibig para sumigaw ng tulong ngunit walang boses na lumabas mula dito.

Nang ihahagis na nito ang palakol patungo sa kanyang mukha ay napasigaw ito nang malakas.

"Ahhh! Hahh! Haah!"

"Mahabaging panginoon! Huminahon ka bata! Nananaginip ka lang!" Alalang-alala si Leticia sa bata nang bigla itong nagsisigaw. Hinawakan ng matanda ang mga kamay ni Nadia. Masiyado itong maginaw. Agad namang huminahon ang bata nang makita nitong wala siyang dapat ikatakot. Nasa isang kwarto siya kasama ang isang matandang ginang na hindi niya kilala ngunit ramdam niyang wala itong masamang balak sa kanya. Nakita ng matanda na naliligo sa pawis ang kawawang si Nadia kaya pinunasan niya ito ng pamunas.

"Anak, saan ka ba nanggagaling? Anong nangyari at nakita ka naming nakahandusay sa sa loob ng kagubatang walang malay?"

Ilang oras pa lamang ang nakalipas nang naglalakad sa kagubatan si Leticia papunta sa kanilang sakahan. Laking gulat nila nang makita ng matandang babae si Nadia na nakahandusay sa daanan. Madaling araw pa noon. Nang lapitan nila ay maputlang- maputla ito at walang malay. Duguan pa ang noo nito at puno ng mga pasa ang katawan. Nakaninga naman ng maluwag si Leticia nang agad nitong nakita ang pulso ng bata nang ito'y pakiramdaman. Hindi niya maatim na iwan ang bata sa ganoong kondisyon sa loob ng kakahuyan kaya binuhat niya ito pabalik ng bahay. Halos naubusan siya ng lakas dahil sa bigat ng bata. Dagdag pa ang kanyang nanghihinang katawan dulot ng katandaan.

Humagulhol na lamang sa pag-iyak si Nadia habang naalala ang mga pangyayari. Akala niya ay matatapos na ang kaniyang buhay noong gabing iyon. Akala niya ay hindi na siya makakaligtas mula sa isang nakakatakot nilalang at tuluyan na siyang paslangin nito.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang isang binata na nakabarong nang kulay puting barong at sombrerong gawa sa nipa. Maputi ang balat nito, matangos ang ilong, kulay asul ang mga mata at kulay ginto ang mga buhok nito. Tinanggal ng binata ang sombrero nito at isinabit sa kawit na nasa dingding. Biglang lumaki ang kaniyang mga mata nang napansin niyang may kakaiiba sa tainga nito. Nakatalikod ang binata kaya hindi ito gaanong makikita.

Nang humarap ito sa kanya ay doon na niya nakita ang hugis ng mga tainga ng binata. Matataas ito at hugis parisukat. Parang mga tainga ng mga dewende.

"Oh my God!". Mahina lang ang pagkasabi ni Nadia ngunit nakita ng bata na nag-iba ang ekspresiyon sa mukha ng binata na para bang narinig ito ng binata.

So, that is what the long ears for?

Inilipat niya ang tingin sa matanda. Bakit hindi niya napansing may matataas na tainga rin ito. Doon niya napansing hindi lang ang mga tainga nito ang kakaiba. Ang matandang nakaupo sa kamang hinihigaan niya ay nakatoga na hanggang sahig ang taas na para bang nasa sinaunang panahon. Kayumanggi ang kulay nito at medyo luma at kupas na ang kulay.

"Ina-Oh, gising na pala ang dayo! Kamusta na po siya, ina?".

Napayuko si Nadya ng inilipat ng binata ang tingin nito sa kanya. Ramdam niyang hindi masaya ang binata sa kanyang presenya. Ganyan ba talaga siya makatingin sa mga bisita niya. Lumapit sa kanila ang binata. Nakatitig pa rin ito kay Nadia.

"Kagigising lang niya, anak ko. Nakakawa nga dahil siya ay binabangungot." Kitang-kita sa mukha ng matanda ang awa na nararamdaman para sa bata.

"Buti naman kung ganoon. Ano na ang gagawin natin sa dayo ina?" Agad na sagot ng bata na para bang hindi niya narinig ang nakakaawang sinapit ng bata.

Inilipat ng matanda ang tingin kay Nadia. Hinawakan nito ang kamay ng bata. "Saan ka nga ba galing anak at bakit ka duguan at puno ng pasa? Buti na lang at nakita kita habang akoy naglalakad papunta sa aming sakahan. Alam mo ba na masiyadong mapanganib para sa isang batang katulad mo ang maligaw doon? Ano ba ang nangyari?"

"Nawawala po kasi habang namamasiyal kami ni mommy at ng kapatid ko sa Green Forest. Tapos may humabol sa akin. Akala ko nga po ay papatayin na ako ng taong iyon. Ewan ko lang kung talagang tao ba iyon."

May luhang tumulo mula sa mga mata ni Nadia habang patuloy siyang nagsalita. "M-may dala siyang karit gaya noong sa mga horror movies. H-hinabol niya ako at nadapa ako. Na-". Magsasalita pa sana siya pero pinatigil siya ni Leticia sa pagsasalita nang namalayan nitong umiiyak na si Nadia at hindi na maintidihan ang kanyang mga sinasabi. Niyakap ng matanda si Nadia.

Biglang nagsalita ang binatang pumasok kanina. "Green Forest? Saan iyon? Ngayon ko lang yata narinig ang lugar na iyan ah? At saka bakit ganyan ang suot mo? Parang ang..." Hindi itinuloy ng binata ang ang salita dahil alam niyang makakinsulto lamang ito. Kitang-kita sa mukha ng binata nawiwirduhan sa suot ni Nadia.

Wow! Kung makapanglait. Alam kong gusto mo'ng sabihin na badoy ang sinusuot ko! Ikaw nga itong nakabarong. H&M kaya ito.

"Crisanto! Mag-ingat ka nga sa pananalita mo." Sinaway ni Leticia ang binata.

"Eh, kasi naman po." Nakangisi nitong sabi at muling tumingin sa suot ni Nadia.

Hindi na lang pinansin ng matanda ang sinabi ng anak. Sa halip ay inilipat nito ang tingin sa bata. "Ano ba ang pangalan mo, anak?"

"Nadia po."

Pagkatapos nilang mag-usap ay iniwan muna saglit ni Leticia ang dalawa para maghain ng pananghalian. "Ipaghahain ko muna kayo ng makakain. Alam kong nagugutom na rin kayo." Kahit silang dalawa ang ibig niyang sabihin ay nakatingin lamang ito kay Nadia.

Bago tuluyang lumabas si Leticia ay binigyan nito ang anak ng pagbabalang tingin. Silang dalawa na lang ang natira sa silid. Nakakatitig pa rin si Crisanto kay Nadia na para bang nanghuhusga. Kung nakamamatay nga lang titig kanina pa siya nilalamayan. Biglang inilipat ang tingin ni Crisanto sa dingding. Ngumisi ito na para bang may binabalak na masama.

"Alam ko may tinatago ka sa sisidlang ito!" sambit ni Crisanto nang maaabot na niya ang backpack ni Nadia. Naghanap si Crisanto ng butas para makita kung ano ang nasa loob nito. Natawa si Nadia sa kanyang nakita. Nag-iba ang timpla sa mukha ng binata dahit dito.

"Akin na nga. Bubuksan ko." Napanganga na lang sa mangha si Crisanto nang buksan ni Nadia ang bag gamit ang zipper at nakaramdam din ng kaunting hiya dahil alam niyang masiyado itong madali ngunit hindi niya ito agad napag-alaman. Inilabas ni Nadia ang laman ng bag - ang tira nitong Cracklings. Kumuha ng isang piraso ng chichiria si Nadia at nginuya ito.

"Cracklings?" paanyaya nito habang natatawa dahil sa pamumula ng binata dulot ng hiya.

"Ayoko nga! Baka kung anong lason ang inilagay mo diyan sa bagay na iyan.

Hindi napigilang tumawa nang malakas ni Nadia sa sinabi ng binata. "Kung nilagyan ko nga ito ng lason ay mamamatay rin ako."

Bigla niyang naalala ang palaging sabi ng kanyang ama noong buo pa ang kaniyang pamilya. "Junk food contains poisonous chemicals. So, dapat hindi ka kumakain nun." Sinasakayan niya ang Daddy niya at ilalagay muli sa plastic ang kinuhang pagkain pero 'pag hindi na ito nakatingin ay kukuha siya muli ng isang piraso.

"Well, you have a point."
"Ha?"
Napahinto si Nadia sa pagbukas ng Crackers. Simula ng makarating siya sa bahay na ito lahat ng kanyang mga nakikita ay kakaiba. Weird. Muntik na niyang nalimutang kakaiba nga ang kanyang mga nakikita sa loob ng bahay na ito. Muling pumasok sa kanyang isipan ang isang palabas sa TV na kanyang nakita kamakailan lang. Sa palabas na iyon ay napunta ang batang bida sa ibang mundo. Oh my. Baka napunta rin ako sa ibang mundo.
Napatigil si Nadia sa pag-iisip nang muling marinig ang boses ni Leticia.
"Kumain na tayo mga anak!"

Foresia (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon