Chapter 19

240 11 4
                                    

Chapter 19

Nang lingunin ni Nadia ang mga kasama ay nakita niya ang pagkamangha ng mga ito. Animo'y hindi nila nasaksihan ang nakakatakot na pangyayari ilang minuto lamang ang nakalipas. Ngunit sa lahat, hindi niya nakaligtaan ang reaksyon ni Kales. Basang-basa ang mga mata nito. Hindi niya malaman kung natutuwa ito o nalulungkot kaya sinundan niya ang mga tingin nito.

Sa harap niya ay ang nakakamanghang laki ng isang kaharian.

"Ito na ba ang kaharian ng Catana?"

"Pero..." sambit ni Nadia ngunit hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin.

Kahit nakakamanghangha ang laki ng kaharian ay hind niya napalagpas ang mga nakakatakot na pangyayaring kaniyang nakita.

Sa mga oras na ito'y kakagising lamang nga mga taong tatlongpung taon nang natutulog. Kitang-kita sa mga mukha nito ang tuwa na sila'y nabigyan ng pagkakataong mabuhay muli. Ang una nilang ginawa ay hanapin ang kanilang mga mahal sa buhay.
"Anak ko!" sigaw ng isang ginang habang tumatakbo papunta sa isang batang nakaupo ilang metro mula sa kinatatayuan nito.

Nakikita pa ng lahat ang unti-unting pag-atras ng mga punong-kahoy papunta sa loob ng kagubatan. Hindi nagtagal ay nagiging mas malinaw ang imahe ng palasyo. Walang makikitang nasusunog sa buong lugar ngunit bakas sa maraming bahagi ang itim na kulay ng mga usok. May mga bintanang nasisira. Sa plasa ng palasyo ay may bakas ng mga dugo. Halatang nasira ang lugar nangdahil sa digmaang naganap tatlongpung taon na ang nakalipas kung kailan nagwagi ang mga kawal galing sa kaharian ng Tenes na lusubin at angkinin ang kaharian nga Catana.

"Imposible," sambit ni Kales habang nakatingin sa malayo. Tumingin ang lahat sa direksyon ng mga mata ng sagi. Isang matandang babae ang naglakas papunta sa kanila. Nakasuot ito ng bliaut na kulay kayumanggi.

Nang makarating ito sa harap nila ay agad itong niyakap ni Kales.

"Nagawa mo Kales!"

"Ina! Akala ko hindi na kita makikita pang muli. Akala ko tuluyan na kayong pinaslang ng mga lapastangang mga kalaban." Ramdam ng lahat ang galit na naramdaman ni Kales nang sabihin ang mga huling salita nito.

"Nandito ako anak. Buhay na buhay at ikaw rin," sabi ng ina nitong si Katya habang nakahawak sa mukha ni Kales habang umiiyak.

"Si ama, si kuya nasaan?" Tanong ni Kales habang abala ang mga mata nitong maghanap mula sa maraming tao sa plasa ngunit hindi nagsalita ang ina nito.

Nang inilipat ni Kales ang mga tingin nito pabalik sa ina ay alam na niya ang sagot.

"H-hindi. Hindi. Hindi. Sabihin mo. Mali ang iniisip ko ina, tama ba? B-buhay si ama at si kuya. Hindi ba?" Humagulhol sa pag-iyak si Kales nang hindi sumagot ang ina. Halos matumba ito dahil hindi na nito nakayanang ibalanse ang katawan. Buti na lang at agad itong namalayan ng inang si Katya. Mahigpit niya itong hinawakan at niyakap.

Biglang tumigil ang pag-iyak ni Kales nang makita ang pamilyar na kasuutang pangdigma ng lalaking naglalakad. Nakasuot ito ng kasuutan ng kanilang kalaban. Biglang nagngitngit ang mukha ng sagi. Bumitiw ito sa pagkakayakap sa ina at nagsimulang magbigkas ng isang mahika pero agad itong napigilan nang magsalita si Katya.

"Humihaon ka Kales. Hindi pa oras para muling gamitin ang iyong kapangyarihan."

Naputol ang sinimulang engkatasyon ni Kales ngunit hindi ito naging hadlang para gawin ang susunod na hakbang nito. Bago pa man may makakapigil sa kaniya ay galit itong nagtungo sa loob ng palasyo.

"Kales, anak! Saan ka pupunta?" sigaw ng ina nito ngunit hindi ito lumingon. Animo'y hindi niya narinig ang ina.

"Anak! Mapanganib ang iyong binabalak. Bumalik ka rito, anak ko!"

Pagkadating ni Kales sa pinto ng palasyo ay may mga kawal na nakaharang rito ngunit sila man ay hindi alam ang gagawin. Kakagising rin lang nila gaya ng ibang mga mamayan ng palasyo.

Ganoonpaman, hindi na naghintay si Kales sa susunod nilang gagawin. Nagbigkas ng ilang mga salita ang sagi at biglang lumipad ang mga kawal sa harap nito palayo, animo'y may higanteng naghagis sa kanila. Kasabay rin nito ay biglang bumukas ang pinto.

Nagsimulang maglakas si Kales papunta sana sa trono kung saan dapat nakaupo ang kasalukuyang hari ng kaharian – Si Haring Leryo dahil nagtagumpay itong sakupin ang buong kaharian – ngunit sa kaniyang pagkadismaya, walang nakaupo rito.

"Nasaan ang duwag niyong hari?" Kales shouted angrily. Kung ang mga kawal sa labas ng palasyo ay parang hindi alam kung ano ang gagawin, ibang kwento ang mga nasa loob nito. Sabay-sabay nilang inilabas ang kanilang mga sandata ngunit alam na ni Kales nagagawin nila ito kaya bago pa sila makagawa ng ano mang hakbang ay ginamitan niya ang mga ito ng mahika. Animo'y may hinding nakikitang nilalang sa loob ng palasyo, biglang tumapon ang lahat ng kawal sa loob ng palasyo.

Kung hindi lang matalino ang hari ng Tenes, hindi sana madaling masakop ang kagharian ng Catana ngunit matagal na itong pinaplano ng sakim na hari. Sumugod sila kung kailan hindi agad makaresponde ang mga sagi. Sa totoo lang, una nilang pinaslang halos lahat ng mga sagi sa kaharian na naging dahilan ng madaliang pagkatalo ng kaharian.

"Wala si Haring Leryo sa palasyo." Napalingon si Kales sa isang pamilyar na boses. Nakasuot ito ng kulay kayumangging sutana.

"Tandang Senio?" Hindi makapaniwala si Kales sa kaniyang nakita.Batid ni Kales na may ilang mga sagi na hindi napaslang ng mga mananakop ngunit ang buong akala niya ay isa si Senio sa mga hindi pinagpalang mabuhay.

"Nadiskobre ng hari ng Tenes ang plano ng mga sagi pagktapos niyang pinaharipan ang isa sa ating mga kasama. Nagawa niyang makuha ang impormasyong hindi niya dapat malaman – ang nararating na pagguho ng kaharian kaya nagawa ng halos lahat ng mga mananakop na makatakas."

"Ibig sabihin malayang gumagala ang hayop na iyon hanggang ngayon?" hindi makapaniwalang sambit ni Kales.


Foresia (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon