Chapter 18

270 13 5
  • Dedicated kay Angel Watty
                                    

Chapter 18
Nagising na lamang si Rey nang may dumapong malamig na tubig sa kaniyang noo. Nakahiga siya sa isang malamig at matigas na sahig. Kinapkap niya ang hinigaan at dito niya namalayang sa lupa siya natutulog.
“Ba’t ako nandito?”
Nang tumingin siya sa paligid ay nakikita niya ang mga naglalakihang punong kahoy. May kaunti ring liwanag na kaniyang nakikita. Tinignan niya ang relo na suot  para malaman kung anong oras na at dito niya nakitang umaga na pala.
Sinubukan niyang inalala ang nangyari bago siya napunta rito. Naalala niya ang enkantasyong ginawa niy kasama ang matandang si Isko para makapasok siya sa Askan at bigla siyang nawalan ng malay.
“Teka! Nasa Askan na ba ako?”
Muling tiningtingnan ni Rey ang paligid at dito niya namalayang pamilyar ang mga punong kahoy na kaniyang nakita. Dito na siya nanggaling noon. Nakikita niya ang huling pag-uusap nila ng kaniyang ina.
"Anak ko, kahit anong mangyari kailangan mong mabuhay. Darating ang panahon na magiging maayos rin ang lahat. Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng iyong amang hari." Hindi mapigilan mapaluha ng reyna habang binitawan ang mga salita. Niyakap niya nang mahigpit ang anak dahil alam niyang maaaring iyon na ang huling pagkakataong magawa niya ito.
"Ina, bakit niyo po sinasabi iyan? Magkakasama naman natin lisanan ang mundo nati, hindi ba?" Sa puntong ito ay napaluha na rin ang prinsepe. Hindi nais ng reyna ang malayo sa anak ngunit wala na siyang ibang naisip na paraan para makatakas at makaligtas ang anak.
"Patawad anak ko ngunit kailagan kong maiwan dito dahil may mahalagang tungkulin pa akong dapat tapusin. Pumasok ka na sa lagusan anak. Ngayon na!" Kaysa pareho silang hindi makakaligtas mula sa mga kawal napilitan ang reyna na itinulak ang anak sa nag-liliwanag na lagusan nang hindi pa man tapos magsalita. Kinailangan niya ang gawin ito dahil alam niyang hindi magagawa ng anak ang iwan ang ina. Alam din niya na mas lalo lamang silang masasaktan kung patatagalin pa niya ang sitwasyon.
"Inaaahhh!", nag-aalingawngaw na sigaw ng anak habang tuluyang kinakain ng lagusan.
"Paalam mahal na prinsipe." Napabulong na lamang ang reyna sa kanyang mga huling mga salita. Alam niyang hindi na ito kailanman maririnig ng anak ang kanyang mga salita.
Habang mag-isang naglalakad sa sa pamilyar na kagubatan ay hindi maiwasan ni Rey na mag-isip. Paano kung hindi nangyaring linusob ng mga kalaban ang kanilang kaharian? Hindi sana sila magkakahiwalay ng kaniyang ina at amang hari. Marahil isa na siyang hari ngayon at kasamang mamumuno ang kaniyang asawa at mga anak sa kaharian. Ibig ding sabihin ay hindi niya makikilala si Corazon, ang babaeng kaniyang iniibig at naging ina ng kaniyang dalawang mga anak.
Biglang nakarambadam ng pagkalula si Rey sa kaniyang naisip. Hindi niya maatim na maisip na hindi mabubuo ang kaniyang pamilyang kaniyang pinakamamahal.
Bago pa siya makaisip ng kung ano-ano ay napagdesisyunan ni Rey na maglakad para simulan ang paghahanap sa kaniyang nawawalang anak na si Nadia. Dito niya naalalang may mas malala pa siyang problema. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa kaniyang paghahanap.
Masiyado nang maraming taon ang nagdaan. Oo, mayroon siyang mga nalalaman hinggil sa Askan at ang pamumuhay nga mga naninirahan dito. Hindi ito masiyadong makabago gaya ng mundong kaniyang tinirahan ngayon. Dagdag pa nito ay hindi niya alam kung buhay pa ang mga Askan na kaniyang kakilala. Wala siyang kakilalang maaari niyang puntahan. Ganoonpaman, hindi siya nagpadala nito. Hahanapin niya ang anak at iligtas kahit ano man ang kapalit.
...
Ilang dekada na nakakaraan, nang mapadpad si Rysum sa mundo ng mga tao, nagising siya sa ospital ng walang kasama. Ganoonpaman, naghihintay siyang may kukuha sa kaniya, lalong-lalo na ang kaniyang ina. Alam niyang hindi ito maaatim na iwan siya sa lugar kung saan wala siyang kakilala. Ngunit hindi ito nangyari. Lumipas ang ilang araw ngunit walang nagpaparamdam sa kaniya.
Araw-araw siyang umiiyak hanggang sa isang araw ay may dumating sa ospital para siya ay sunduin ngunit hindi para ibalik siya sa mundo ng Askan kungdi ay para ipasok siya sa bahay-ampunan. Sa araw na ito, napagdesisyunan niyang huwag nang umasang susunduin pa siya ng ina at kalimutan na rin ang lahat.
...
Habang naglalakad ay biglang may narinig si Rey na mga yabag. Napahinto siya at lumingun-lingon sa paligid. Am I being followed?
“Ka Isko ikaw ba iyan?” sambit ni Rey ngunit sariling boses lamang niya ang narinig na umalingawngaw sa buong kagubatan.
Nang makumbinsing walang ibang tao sa paligid maliban sa kaniya ay muling nagsimulang naglakad si Rey. Ngunit napatigil-hininga na lang siya nang may biglang humawak sa kaniyang kamay.
Ilang minuto ang lumipas mula ng dumating ang lahat ay tumayo si Kales. Seryoso ang mukha nito nang tiinitigan ang prinsipe at ilang saglit lang ay inilipat nito ang tingin kay Nadia.
“Ngayong nandito na ang mga nakatakda simulan na natin ang ritwal.”
Nakaramdam ng pangamba si Nadia nang marinig ang sinabi ng sagi. Hindi maiwasan ni Nadia ang panginginig at muntik pa itong madapa.
“Hawakan niyo ang kamay ng isa’t-isa,” pasimula ni Kales nang makapasok na bilog na ginuhit ni Kales. Hindi agad gumalaw ang dalawa. Batid ni Nadia na mas lalo pa siyang namula ngayon. Pareho silang lumingon sa sagi ngunit sumalubong sa kanila ang nanlisik na mga mata dahil sa hindi pagsunod sa utos nito.
Dahil dito ay dali-daling kinuha ni Kalib ang mga kamay ni Nadia. Dito naramdaman ng prinsepe ang malamig nitong mga kamay. Kitang-kita rin sa mukha nito ang halong pagkagulat at pangamba. Hindi na nagsalita si Kalib ngunit binigyan niya ito ng katiyakang magiging maayos ang lahat sa pamamagitan ng ngiti nito.
“Spiritus silvarum te invocamus!” Kasalukuyang nakatayo si Kales sa harap ng dalawa. Pareho silang tatlong nasa loob ng bilog na nakaguhit sa lupa.
Biglang humangin ng malakas na ikinabigla ni Nadia. Hindi niya napigilan ang sarili na humawak ng mahigpit sa kamay ng kasama sa takot na baka madala siya sa hangin. Napapikit na lamang siya habang si Kales ay nagsasalita sa  wikang hindi pamilyar sa kaniya.
Nakahinga ng maluwang si Nadia nang unti-unting humina ang hampas ng hangin.
“Nadia, akin na ang iyong kamay.”  Kahit sino ay makakaramdam sa pagkanerbyos na nararamdaman ni Nadia sa oras na ito. Masiyadong nanginginig ang kaniyang kamay nang iabot ito sa sagi.
Biglang nanalaki ang mga mata nito dahil sa sunod na ginawa ng sagi. Inilapit nito ang kutsilyong hawak sa kamay ni Nadia at bago pa man siya manlaban ay daling nahiwa ni Kales ang palad nito. Napanganga si Nadia sa sakit ngunit walang boses na lumabas sa bibig nito. Dumaloy ang dugo nito ngunit imbes na mahulog sa lupa ay lumitaw ito sa ere. Animoy naghihintay ito ng kasunod na direksyon.
Pagkatapos ay tumingin si Kales  kay Kalib. Hindi na hinintay ng prinsepe na magsalita ang sagi. Alam na niy ang susunod na gagawin. Inabot niy ang kanang kamay nito at hinayaan ang sagi na gumawa ng hiwa sa palad niya. Napansin ni Nadia na hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Kalib, animo’y sanay na ito.
Gaya ng dugo ni Nadia ay lumitaw rin ang dugong nanggaling sa palad ng prinsepe. Hindi ito agad napansin ni Nadia ngunit nag-iba ang kulay ng kanilang dugo. Ang dating pulang likido ay biglang naging kulay asul.
“Iyan ay simbolo ng inyong pagkadugong-bughaw.”
Ilang saglit lang ay biglang gumalaw ang nalutang na mga dugo papalapit sa isa’t-isa hanggang sa tuluyan na nga itong nagkaisa.
“Humanda kayo. Medyo magulo ang susunod na mangyayari.”
Dahil sa babalang ibinigay ni Kales ay muling nakaramdam ng pagkapangamba si Nadia. Kaya naman hind na niya namalayang nakahawak na pala siya sa kamay ng katabi.
“In nomine caeruleo sanguine...”
Biglang nakarinig ng ingay ang lahat. Nagsiliparan ang lahat ng mga ibon palayo sa lugar. Kasunod nito ay biglang yumugyog ang lupa.
“Stop it! Please, tama na! Ayoko na!” sigaw ni Nadia dahil sa takot. Kasaluyang nakapikit si Nadia at nakahawaka ang dalawang mga kamay nito sa magkabilang tainga dahil sa takot. Halos isang minuto na ang nakalipas ngunit patuloy pa rin ang pagyanig ng lupa.
“Nadia! Huminahon ka!” sambit ni Kalib sa kasama ngunit alam niyang hindi ito narinig ni Nadia dahil sa ingay. Ganoonpaman, ramdam ni Nadia ang init ng katawan ng kasama ng yakapin siya nito.
“Tahan na. Magiging maayos din ang lahat.”
Hindi nawala ang pangamba ni Nadia ngunit huminto na ito sa pagsisigaw.
Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting huminto ang pagyanig ng kalupaan kaya unti-unti ring binuksan ni Nadia ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniyang mga mata ang ang mga mukha ng mga kasama na puno ng pagkamangha.
Sinundan ni Nadia ang mga tingin nito at namangha siya sa una niyang nakita. Naglaho ang naglalakihang mga punong-kahoy. Sa harap nila ay isang malaking tarangkahan ilang minuto lang ang nakalipas ay hindi umiiral. Nasa labas sila ng isang nakapakalaking palasyo.
“Ito na ba ang kaharian ng Catana?”

Foresia (Filipino/Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon