Nang makalabas kami sa makipot at mabahong lagusan na 'yon ay agad naman kaming tumakbo. Tama nga ang sinabi ni Margarette isa nga itong kagubatan dahil puro puno nadadaanan namin.
Hawak-kamay naman kami ni Dian habang tumatakbo.
" Dapat ay makalayo tayo sa lugar na ito. " wala pa din kaming tigil kakatakbo. Nang medyo nakalayo na kami ay sumaglit kaming umupo at nagtago sa likod ng malaking puno para magpahinga dahil sobrang hingal at patak ang pawis namin.
" Sana makakita tayo ng masisilungan dahil malapit ng magdilim..." Tumingin ako sa kalangitan at tama sya dapat makahanap agad kami ng masisilungan at mukhang uulan pa.
" Halika ka na... " hinawakan nya ulit ang kamay ko at tumakbo ulit kami. Hindi ko ininda ang sakit ng mga paa ko para lang makalabas kami sa gubat na ito.
Nakarating kami sa may tabing-ilog at may nakita kaming bahay-kubo na at agad na sumilong kami at pumasok sa loob. Madilim na sa labas.
" Dito ka lang muna hahanap lang ako ng kahoy para makagawa tayo ng apoy... " Tumango nalang ako at umupo sa may gilid at hinintay syang dumating. Tumingin ako sa paligid ng kubo may nakita akong bangko or papag ba ang tawag don.
Maya-maya ay dumating na din si Dian na may dalang panggatong at tsaka bumuhos ng malakas ang ulan. Buti nalang at nakita namin itong kubo. Agad naman syang gumawa ng apoy at sinindihan.
" Ok ka lang ba? " tanong nya sa aking tabi. Tumango lang ako sa kanya at dinantay ko ang aking ulo sa balikat nya habang pinagmamasdan ang apoy na nasa harapan namin.
Nagising na lamang kami ng maliwanag na sa labas kaya ginising ko si Dian at napa moan naman ito. Papikit-pikit pa ang mga mata nito dahil sa pagod at antok. Napatingin sya sa watch nya its already 6:30am in the morning.
Sumilip kami sa labas ng kubo kung nasundan ba kami dito. Naghahanap pa din kami ng signal para tawagan si Ace at humingi ng tulong.
" Ang hirap pa din ng signal. Malapit ng malowbat phone ko... " Halata sa mukha nito ang pag-aalala. " halika na, don tayo dumaan sana makita natin ang high way..." hinatak nya ako at hinawakan sa kamay.
Ilang oras na kaming naglalakad pero hindi pa din namin nakikita ang daan. Masakit na mga paa ko at masakit na din ang tyan dahil sa gutom.
Someone's POV
" Todos ustedes son inútiles? ¡tu tío! ¡Qué más están haciendo, descubran que todos serán responsables si no los traen aquí!"
(mga inutil kayong lahat?! ang tatanga n'yo! ano pang ginagawa ninyo, hanapin n'yo mananagot kayong lahat pag hindi ninyo sila bitbit dito! )" Es amable de tu parte matar a todos! ¡Hasta escapaste! ¡Inútiles! (Ang sarap ninyong patayin lahat! Natakasan pa kayo mga inutil?!)" bigla na lamang kumulo ang dugo ko sa mga inutil kong mga tauhan. Mga walang silbi!
" Muchos de sus guardias incluso escaparon. tsk! ¿¡Inútiles!?! (Ang dami-dami nilang nagbabantay natakasan pa sila. tsk! mga walang silbi!?!)" Nagsindi ako ng yosi sa aking bibig at binuga ang usok sa kawalan lalo akong stress sa mga gonggong. Napalingon naman ako sa harap ko habang nasa sala set kami kasama ang ilan kong tauhan.
Kumuha naman ito ng inumin sa fridge at binigay sa akin ang isa at tinungga ko 'yon agad at ang init ng agos sa lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
Dian Lopez (Intersex) Not EDITED COMPLETED
RomanceDian's Story. Series #2 Kilala si Dian bilang isang director ng artist sa barcelona. Dahil hindi pa sya totally nakaka move on sa babaeng minahal nya, nagpasya na lamang na bumalik ng Barcelona para doon ipagpatuloy ang bagong simula ng buhay nya...