•♡♡♡•"Ma! Nandito na po ako" Sigaw ni Blaire ng makapasok na kami sa kanilang bahay. Sorry let me rephrase Mansion pala. Ang sosyal kasi dahil may mga naka uniporme pang sumalubong saamin para kunin ang mga kagamitan namin sa skwelahan. "Manang Nandito ba si mama?" Tanong niya sa isang naka uniporming matanda.
"Nasa itaas po maam" Tumango lang Itong si Blaire at tumingin saakin.
"Bessy Feel at home, puntahan ko lang si mama" Tumango lang din ako sa kanya. This is my first time na nakapunta sa bahay na ganito. Ang laki at ang ganda. Nahiya naman ako sa Maliit na bahay namin at Kahoy pa.
"Kaibigan ka ba ni maam Blaire?" Napakurat ako ng may taong sumulpot at kinausap ako.
"Ah opo, kaklase niya po ako, ako po si Nesha" nilahad ko ang kamay ko sa babaeng medjo may hitsura na mukhang bata pa. Pero inirapan lang ako nito at malditang tumingin saakin.
"Ang kapal ng mukha mong kaibiganin si maam eh ang panget ng pagmumukha mo" Aray. Masakit man pero Pinilit ko paring Ngumiti. Ngiting mapait nandidito ba ako para husgahan ang pigura ko?
Wala akong naging sagot sa mapanakit niyang mensahe.
"Goodluck nalang kay Madam Gail pag nalaman niyang
... tsk! Whatever" saka walang pa sabing umalis. Ang sungit sungit naman niya porque slight na may ganda sa mukha. Saka madam Gail? Ito ba ang mama ni Blaire?Nagmamasid ako sa ibabang palapag ng kanilang mansion. Grabe ang laki talaga antataas pa ng mga gusali at ang hagdanan.
"you what?!!" Boses galit galing sa inakyatan ni Blaire. Baka ito ang mama niya?
"I told you don't invite anyone here without my consents" Galit nga talaga ang lakas ng boses eh. Anong ibig sabihin niyan? Na ayaw ng mama ni Blaire na may inimbitahan ng walang pahintulot?
Ouch. Nandito lang naman kase ako para sa group activity namin eh. Bestfriend ko siya for almost 1 year na at ngayon lang talaga ako nakapunta rito. Saka nagkataon na partner din pala kami ni Blaire sa isang ACTIVITY.
Narinig kong may pababa kaya kinompose ko ang aking sarili. Nakakatakot naman. Nakaka-kaba.
"Bessy," Lumingon ako at kasama na ni Blaire ang mama niya, fcuk! Ang ganda ng mama niya pero hindi mukhang ina? Masyadong bata pang magka anak? Walang kahawig ang kaibigan ko sakanya. Anak niya ba talaga ito? "Ang mama ko. Ma ang kaibigan ko si Nesha" ngiting pakilala ni Blaire. Pero walang expression ang mukha ng ina niya nang makita ako.
Bagot ay nandidire ito?
"Let's talk AIRA! upstairs now!" Galit na may pagka Lamig ang tuno ng boses nito. Hinila niya ang kaibigan ko pabalik sa kinarorononan nila.
"Ma! S-sandale" pero walang nagawa ang kaibigan ko kundi magpahila nalang.
"Pinalaki naman kitang tama ah? Anong nakita mo sa babaeng yun at naging kaibigan mo? Jusko Aira ang Panget nung tao!"
"Ma! Pakihinaan naman po Boses niyo! Madidinig niya!"
"I dont care because it's TRUE! Andaming tigyawat! Ang panget ang itim ng kulay!"